Isa ka rin ba sa mga mahihilig sa Yakult? Paano kung ginawa itong cake? Tignan ang pastry shop na ito na nagbebenta ng Yakult cake sa Philippines!
Yakult cake Philippines
Bukod sa very healthy ang probiotic drink na Yakult, masarap din at appealing ang lasa nito sa kids! Ni hindi mo na nga sila kakailanganing pilitin na uminom nito.
Kahit sa matatanda ay pasok din sa panlasa ang Yakult. Kaya naman itong Yakult cake mula sa Melange PH ay patok na patok!
Image from Melange.ph
Kung gusto mo ng pastry o cake na hindi nakaka-guilty kainin, subukan itong ala-mocha flavored na Yakult cake.
Bukod sa social media famous nilang cake na ito, bestseller din ng online bakeshop ang Tiramisu at Banoffee pie!
Image from Melange.ph
Nagde-deliver sila sa buong Metro Manila kaya naman kung gusto mong um-order ay mag-message lang sa kanilang Facebook page.
Bawal ba ang Yakult sa buntis?
Kung ikaw ay nalilito kung bawal ba ang yakult sa buntis, narito ang mga kailangan mong malaman.
Una sa lahat, ano nga ba ang probiotics? Ang probiotics ay good bacteria na nakakawala ng pamamaga sa katawan. Kaya naman sinasabing, maaaring makabawas ito sa risk ng pregnancy complications. Ang mga komplikasyon kasi na madalas nararanasan ng mga buntis ay naili-link sa inflammation o pamamaga sa katawan na siya namang target ng mga probiotic drinks.
Nakita sa research na ito sa Norway kung saan marami sa mga tao ang umiinom ng probiotic drinks na karamihan sa mga buntis na umiinom nito during late pregnancy ay hindi nagkakaroon ng preeclampsia.
Ang preeclampsia naman ay isang komplikasyon na common sa mga buntis kung saan tumataas ang blood pressure ng buntis.
Kailan dapat uminom ng probiotic drink
Image from Freepik
Nakita rin sa pag-aaral na importante ang timing pagdating sa pagkonsumo ng probiotic drinks katulad ng Yakult at Delight. Karamihan daw kasi sa mga buntis na uminom nito during early pregnancy ay nagsasabing mas nakabuti ito sa kanila.
Isa sa mga maaaring dahilan nito ay dahil nata-target ng nasabing inumin ang mga impeksyon bago pa ito mabuo sa katawan. Bagama’t hindi sinasabing gamot ang probiotic drink para sa kahit anumang komplikasyon, ito ay mainam na food supplement para sa buntis.
Ayon pa nga sa website ng Yakult, ang drink na ito ay dapat maging parte ng iyong daily diet. Ito rin kasi ay nakatutulong na mapanatiling healthy ang iyong digestive system. Pinaparami kasi nito ang good bacteria sa small intestine ng tao.
Benefits ng Yakult sa buntis
Bukod sa nababawasan ang risk sa pregnancy complications, isa pang mabuting naidudulot ng yakult sa buntis ay ang pag-ibsan nito sa mga sakit na kadalasang nararamdaman ng isang buntis. Kasama na dyan ang constipation, heartburn, acidity, bloating at diarrhea. Dahil nga trabaho nitong linisin ang small intestine, maiiwasan na ang mga sakit na ito kahit pa natural itong epekto ng pagbubuntis.
Bukod pa rito, nakakatulong din na pang-boost ng immune system ang mga probiotic drink. Sa panahon ngayon, wala ng mas mahalaga pa kundi palakasin ang iyong immune system. Kaya naman mahalagang alagaan ang iyong katawan at uminom ng mga safe at makabubuting inumin para sa iyo!
Source:
Facebook
Basahin:
Gusto mo bang tikman ang strawberry shortcake ng Baguio? This online shop delivers in Metro Manila!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!