Yasmien Kurdi humingi ng tawad sa eldest daughter niyang si Ayesha na na-bully umano sa school. Ayon sa aktres, ang anak niyang si Ayesha nakaranas ng anxiety at paranoia matapos ma-bully.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Yasmin Kurdi says sorry to eldest daughter Ayesha.
- Aktres sinabing biktima ng bullying ang anak niya.
Yasmien Kurdi says sorry to eldest daughter Ayesha
Sa kaniyang latest Instagram post ay humingi ng tawad ang aktres na si Yasmien Kurdi sa eldest daughter niyang si Ayesha. Sa paghingi ng tawad ng aktres ay sinabi niyang kasalanan niya ang nararanasan ng anak sa ngayon. Kasunod nito ang pagsisiguro sa anak na ito ay poprotektahan niya habang nabubuhay siya.
“I’m so sorry, Ayesha. You have to go through all of this because I am your mom. But I will always be here for you. I will protect you with all my life. You are beautiful inside and out. 💔”
Ito ang mensahe ng paghingi ng tawad ni Yasmien sa anak niyang si Ayesha.
Larawan mula sa Instagram account ni Yasmien Kurdi
Bago pa man ang paghingi ng tawad ni Yasmien sa anak ay ibinahagi nito na naging biktima si Ayesha ng bullying sa kanilang school. Pagkukuwento ni Yasmien maliban sa pag-abang at pang-haharrass sa anak ng isang grupo ng mga kaklase niya ay ginawan pa siya ng mga ito ng online Ayesha Hate Club group. Minsan na nga rin daw na hindi nakalabas si Ayesha sa kanilang classroom dahil sa mga ito. Pati pagkain ng kaniyang recess ay napigilan ng mga ito na nagdulot ng paranoia at anxiety sa 12-anyos niyang anak.
Ang isyu na ito ay ipinarating na daw nina Yasmien sa school na pinapasukan ng kaniyang anak. Bagamat pagbabahagi ng aktres ay wala pang ginagawang aksyon ang school ng anak sa bullying na naranasan niya.
Nitong Setyembre ay na-confine sa ospital si Ayesha dahil stress sa kaniyang school at irregular meal time, kuwento pa ni Yasmien sa kaniyang Instagram account. Pagbabahagi ng aktres ay mula pa noong Grade 2 ay nakakaranas na ng bullying ang anak niyang si Ayesha. At isa sa mga dahilan nito ay siya ay anak ni Yasmien Kurdi na isang kilalang aktres dito sa bansa.
Larawan mula sa Instagram account ni Yasmien Kurdi
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!