TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Yasmien Kurdi only spent P20,000 sa wedding—ito ang pinagkagastusan nila instead

4 min read
Yasmien Kurdi only spent P20,000 sa wedding—ito ang pinagkagastusan nila instead

Yasmien ibinahaging naglalako ng perfume noong noong nagsisimula palang ang pagsasama nila ng mister na si Rey.

Yasmien Kurdi at husband na si Rey Soldevilla, piniling gumastos sa kanilang first condominium kaysa sa magarbong kasal.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Yasmien Kurdi and husband Rey Soldevilla wedding.
  • Rey Soldevilla and Yasmien Kurdi’s love story

Yasmien Kurdi and husband Rey Soldevilla wedding for P20,000

yasmien kurdi husband

Image from Yasmin Soldevilla’s Facebook account

Taong 2012 ng mapabalitang kasal na ang aktres na si Yasmien Kurdi. Ang kaniyang pinakasalan ay ang flight attendant pa lang noong mister na si Rey Soldevilla Jr.

November 22 ng parehong taon ay isinilang rin ni Yasmien ang anak na si Ayesha Zara. Ang mga rebelasyon na ito ay isinapubliko ni Yasmien, Enero ng sumunod na taon.

Nitong linggo, November 7, sa pamamagitan ng isang vlog ay ibinahagi ni Yasmien ang naging kasal sa mister na si Rey na isa ng piloto ngayon.

Ayon sa kaniya ay P20,000 lang ang ginastos nila sa kanilang kasal. Dahil imbis na gumastos sa magarbong wedding ay pinili nilang ilaan ang kanilang pera para makabili ng kanilang first condominium na kung saan sa parehong building ginanap ang kanilang kasal.

“Dito sa building na to sa penthouse sa cafe dito kami kinasal ni Pangga for only P20,000. Kasi we realize that we have to put our money dito sa condominium para hindi na kami mag-renta ng bahay.”

Ito ang kuwento ni Yasmien sa kaniyang vlog. Dagdag pa niya, bagama’t bilang babae ay siyempre dream niya rin ang magarbong kasal. Pero mas naging praktikal sila ng asawang si Rey at inuna muna ang mas importante sa noon ay nagsisimula nilang pamilya.

“Kasi ‘di ba ang laki ng savings na matitipid namin kung makuha namin itong condominium na ito instead na gastusin namin sa isang big wedding.”

“Though hindi ko naman jina-judge ang mga taong may big wedding. Kasi ako rin naman dream ko rin magkaroon ng big wedding someday.

Pero during that time talaga hindi pa namin kaya ng ganon kagarbong wedding. ‘Yong priority namin nilaan muna namin dito sa bahay namin.”

Ito ang nasabi pa ni Yasmien.

BASAHIN:

Yasmien Kurdi opens up about how she overcame postpartum depression

LOOK: Princess-themed 7th birthday ng anak ni Yasmien Kurdi

Mommy vlogger, nakapagpatayo ng bahay mula sa katas ng online business at Youtube

Swerte para kay Yasmien ang condo at first house nila

Yasmien Kurdi only spent P20,000 sa wedding—ito ang pinagkagastusan nila instead

 

Image from Yasmin Soldevilla’s Facebook account

Kuwento pa ni Yasmien, dahil sa condominium unit na iyon sila nagsimula, kahit nakabili na sila ng bagong bahay ay hindi pa rin nila iyon binebenta.

Dahil sa mga memories na mayroon ang kanilang first house at naniniwala rin sila na hindi dapat binebenta ang mga nagdala ng swerte sa buhay nila. Tulad ng kanilang condo na naging saksi sa mga struggles at success nila sa buhay.

“Espesyal samin ‘to kasi marami ‘tong memories. ‘Yong marriage namin, basta lahat ng pagsisimula namin dito lahat sa bahay na ‘to.”

“Dito tayo nag-suceed. Kaya hindi namin ma-let go itong place na ‘to kasi swerte siya,” sabi pa ni Yasmien.

Pagbabahagi pa nga ni Yasmien, noong hindi pa sila financially stable ng mister na si Rey ay gumagawa at nagtitinda sila ng pabango.

Si Rey daw ang gumagawa ng perfume. Habang si Yasmien naman ang nagbebenta sa mga salons at stores na malapit rin sa condominium na tinitirhan nila.

Ngayon ay stable na ang buhay at pamilya ni Yasmien kasama ang mister na si Rey at anak nilang si Ayesha.

Rey Soldevilla and Yasmien Kurdi’s love story

Yasmien Kurdi only spent P20,000 sa wedding—ito ang pinagkagastusan nila instead

 

Image from Yasmin Soldevilla’s Facebook account

Sa kaniyang vlog ay nauna ng ibinahagi ni Yasmien kung paano niya nakilala ang mister na si Rey. Kuwento niya, dahil isang flight attendant si Rey ay maraming beses na daw nagkakatama ang tingin nila tuwing bumabyahe ang aktres.

Pero nabigyan lang daw sila ng pagkakataong mag-usap at magkakilala ng mangailangan ng assistance ang aktres sa baul na dala niya.

Mula noon ay nagkaroon na sila ng kontak sa isa’t-isa kung saan pagbabahagi nila ay sa isang coffee shop naganap ang first date nila.

Si Yasmien at Rey ay ikinasal noong January 2012. Kuwento ni Yasmien sa isang panayam ay tutol sa kanilang kasal ang mommy niya. Ito ay dahil sa magkaiba nilang relihiyon ni Rey.

Si Yasmien ay isang Iglesia ni Kristo habang si Rey naman ay isang Katoliko. Sa relihiyon nila Yasmien ay mahigpit na ipinatutupad na dapat parehong Iglesia ni Kristo ang magkasintahan bago sila maikasal.

 

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

Source:

PEP

Photos:

Image from Yasmin Soldevilla’s Facebook account

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Relasyon
  • /
  • Yasmien Kurdi only spent P20,000 sa wedding—ito ang pinagkagastusan nila instead
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko