X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Yeng Constantino on mom's passing: “I am so grateful na naging nanay ko 'yong nanay ko."

5 min read
Yeng Constantino on mom's passing: “I am so grateful na naging nanay ko 'yong nanay ko."

Singer may mensahe sa mga taong dumadaan rin sa matinding pagsubok ngayon sa buhay na tulad niya.

Yeng Constantino minsan umanong nagtanong kung mahal ba talaga siya ng ina. Pero nang mawala na ito, Yeng nagkaroon ng realizations at na-appreciate ang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa kaniya ng nanay niya.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mga realizations ni Yeng Constantino sa pagkasawi ng ina.
  • Mensahe ni Yen sa mga nakakaranas ng problema at pagsubok ngayon sa buhay.

Yeng Constantino nagpositibo sa COVID-19

Sa kaniyang pinaka-latest na vlog ay nagbigay ng update ang singer-song writer na si Yeng Constantino sa mga ganap sa buhay niya. Pinaliwanag rin ni Yeng kung bakit pansamantala siyang nawala ng dahil pala sa dalawang mabigat na bagay na pinagdaanan niya.

Ayon kay Yeng, siya at ang asawa niyang si Yan Asuncion ay nagpositibo sa COVID-19. Si Yan ay lumabas na positive bagama’t asymptomatic. Pero si Yen ay nakaranas umano ng mga sintomas ng sakit na hindi niya alam kung paano at saan siya nahawa.

Bagama’t noong una ay sinubukan umano ni Yeng na maging easy lang sa paglaban sa sakit, kuwento niya hindi biro ang kaniyang pinagdaanan. Lalo na ng mas lumalala pa ang mga sintomas na nararanasan niya.

Pagbabahagi ni Yeng sa naging naranasan niya sa sakit na COVID-19,

“Habang lumilipas ‘yong araw at nagkaroon na ko ng symptoms such as nawalan na ako ng pang-amoy, ‘yong panlasa ko parang pumutla.

Parang dun mas nagsink sa ‘kin na may COVID nga ako ano. And the scariest part for me is ‘yong nahirapan na kong huminga.”

Pero maliban dito, may mas mabigat pang pinagdaanan ang singer ngayong taon. Sapagkat nito lamang Setyembre ay nasawi ang kaniyang ina sa sakit na matagal na nitong nilalabanan.

yeng constantino

Image from Yeng Constantino’s Instagram account

Pagkasawi ng ina ni Yeng Constantino

“That was September 23 ng mga 5am. Hndi ko pa narinig boses ng tatay ko na ganoon kalungkot tapos binalita niya sa amin na yun nga, na wala na si mama.”

Ito ang pag-alala ni Yeng sa araw at oras na nalaman niyang pumanaw na ang ina.

Kuwento ni Yeng, hindi tulad ng maraming mag-ina, kakaiba ang relasyon nila ng nanay niyang si Susan Constantino. Dahil iba daw ang paraan nito ng pagpapakita ng lambing at pagmamahal sa kaniya.

“Hindi malambing ang nanay ko like ng mga typical na nanay. Ang lambing niya, yung love niya is discipline at pagpapagalit para di ka magkamali, ‘di ka mapahamak.”

Mga realizations ni Yeng sa pagkawala ng ina

yeng constantino

Image from Yeng Constantino’s Instagram account

Dagdag pa nga ni Yeng, dahil sa mahigpit na trato sa kaniya ng ina ay pumasok sa isip niya na hindi siya mahal nito. Pero nang marinig niya ang mga kuwento ng mga kapatid niya kung paano ipinakita ng ina ang pagmamahal sa kanila sa iba’t ibang paraan ay doon na-realize ni Yeng na mali ang iniisip niya.

“May mga kapatid akong nagrebelde, to them ang love ni mama ay no matter how many times they make mistakes unconditional ‘yong love ni mama sa kanila na papatawarin at papatawarin sila ni mama at hindi sila susukuan ni mama no matter what.

To me ‘yong love nung nanay ko for me is trust. Lagi kong kinukwestyon nung bata ako kasi mahal ba talaga ako ni mama kasi ang sungit niya sa ‘kin.

Parang matanda niya ko tinatrato kahit bunso ako. Pinagkukuwentuhan namin ni papa, sabi ni papa kasi tiwala siya sa ‘yo anak.”

Madaming bagay man silang hindi pinagkakasunduan ng kaniyang ina noong ito ay nabubuhay pa, kuwento ni Yeng ngayon naiintindihan niya kung bakit ganoon na lamang ang trato sa kaniya nito.

Naging malinawag din sa kaniya na ang mga naabot niyang tagumpay ay hindi magiging posible kung hindi dahil sa mga pagpapangaral ng nanay niya.

Pagbabahagi pa ni Yeng,

“I am so grateful na naging nanay ko ‘yong nanay ko kasi she taught me about hard work.”

“Noong bata ako, naisip ko sobrang KJ ni mama ayaw niya ng music ko. Laging mag-aral ka ng mabuti, ‘wag kang tatamad-tamad. Pero ‘yon ‘yong way niya na to tell na ayokong maranasan mo ‘yong hirap na naranasan ko ng time ko.”

BASAHIN:

Robin Padilla binigyan ng payo si Kylie: “Huwag mong ilayo sa tatay nila. Kailangan may father image.”

Buboy Villar, naging emosyunal nang ihatid ang anak papuntang Amerika

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, magkakaroon ng baby girl!

Mensahe ni Yeng sa mga may pinagdadaanang pagsubok at problema sa buhay ngayon

yeng constantino

Image from Yeng Constantino’s Instagram account

Sa ngayon, ayon kay Yeng habang buhay na mananatili sa puso ng kanilang pamilya ang puwang na naiwan ng ina. Pero magkaganoon man tulad ng kaniyang mga kanta ay dapat magpapatuloy ang buhay. Ito ang mensaheng iniwan ng singer sa mga tagasubaybay niya.

“Kung may pinagdadaanan kayo, kahit ano man yan hindi kayo nag-iisa. Know that yung experience mo ngayon there’s someone is also going through similar thing and someone understands you. Keep on going, kahit hindi mabilis, dahan-dahan lang.”

Ito ang sabi pa ni Yeng Constantino.

Source:

YouTube

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Yeng Constantino on mom's passing: “I am so grateful na naging nanay ko 'yong nanay ko."
Share:
  • Carlo Aquino at Trina Candaza, nagkasama muli sa moving up ng anak

    Carlo Aquino at Trina Candaza, nagkasama muli sa moving up ng anak

  • Nina matagumpay na naisapribado ng buhay may asawa at pagkakaroon niya ng anak: “Hindi masyadong magulo”

    Nina matagumpay na naisapribado ng buhay may asawa at pagkakaroon niya ng anak: “Hindi masyadong magulo”

  • Jessy Mendiola on motherhood: "It is a very challenging journey"

    Jessy Mendiola on motherhood: "It is a very challenging journey"

  • Carlo Aquino at Trina Candaza, nagkasama muli sa moving up ng anak

    Carlo Aquino at Trina Candaza, nagkasama muli sa moving up ng anak

  • Nina matagumpay na naisapribado ng buhay may asawa at pagkakaroon niya ng anak: “Hindi masyadong magulo”

    Nina matagumpay na naisapribado ng buhay may asawa at pagkakaroon niya ng anak: “Hindi masyadong magulo”

  • Jessy Mendiola on motherhood: "It is a very challenging journey"

    Jessy Mendiola on motherhood: "It is a very challenging journey"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.