Yeng Constantino to her gay brother: “I am for you. I want you to be happy.”

Kapatid ni Yeng laking pasalamat rin sa acceptance at support na ipinapakita ng pamilya nila sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Yeng Constantino at kaniyang gay brother ibinahagi kung paano naging malaking tulong ang mga magulang nila sa kanilang achievements at masayang buhay ngayon. Yeng proud at thankful sa kaniyang kapatid.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Yeng Constantino proud na ibinahagi ang kuwento ng buhay ng kaniyang gay brother
  • Mensahe at payo para sa mga kabataang LGBT

Yeng Constantino proud na ibinahagi ang kuwento ng buhay ng kaniyang gay brother

Sa pinakabagong vlog episode ng singer na si Yeng Constantino ay ang gay brother niyang si Kukie ang ginawa niyang bida.

Doon ay pinag-usapan nila ang struggles nito sa buhay dala ng sexual orientation niya. At kung paano naging malaki ang papel ng mga magulang nila para malampasan niya ito at tuluyan niyang i-embrace kung sino siya.

Kuwento ng kapatid ni Yeng na si Kukie, bata palang siya ay alam niya nang gay siya. Bagamat noong una ay hindi niya ito naiintindihan, ang mama nila ni Yeng na wala na ngayon ang tumulong sa kaniyang tanggapin kung sino siya.

“Nag-start yan nung kinder pinagkakatuwaan ako ng mga classmates kong lalaki. Kumbaga tina-try kong makipaglaro mga classmates kong boys pero nabu-bully ako. Bakla, bakla ganun. Tinutulak-tulak nila ako umuwi ako ng bahay.”

“Sabi ko ‘Ma, bakla daw ako ano yun?’ Tapos pumunta kami sa salamin ni Mama sabi niya, ‘Nak yan ‘yong bakla. Yung lalaki yung itsura mo pero ‘yong puso mo babae.’”

Image from Yeng Constantino’s Facebook account

Mula daw noon ay naintindihan na ni Kukie kung sino talaga siya. Bagamat naging mahirap para sa kaniya na makisalimuha sa paligid niya. Dahil maraming beses man daw niyang ma-try na makisama ay laging ipinaparamdam ng ibang tao sa paligid niya na iba siya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kuwento ni Yeng, noong una ay isa ang kanilang ama sa mga taong hindi tanggap ang kapatid niya. Sa katunayan ay nasaktan daw ito ng tatay nila dati.

Sabi ni Kukie, dahil doon noong una ay nagkaroon siya ng hinanakit sa ama. Pero sa ngayon ay naiintindihan niya na kung bakit ganoon nalang ang naging reaksyon nito sa kaniya.

“Nagkaroon nun, noon. Kasi normal lang sa mga tulad nating kabataan na kapag meron tayong gustong bagay na taliwas sa gusto ng magulang natin parang feeling mo kill joy sila. Nung nagma-mature na tayo natindihan ko kung bakit.”

“May punto kasi ang bawat magulang. May worries sila na kapag nasa labas hindi ko mapoprotektahan yung anak ko.”

Sa pagdaan naman daw ng panahon ay natanggap narin ng ama nila Yeng ang kapatid niya. Tulad nga daw ng kanilang ina ay full support narin ito sa mga nahihiligan ng anak. Doon na naging madali ang lahat para kay Kukie.

Yeng thankful sa pagiging supportive ng mga magulang sa kanilang magkakapatid

Kuwento ni Yeng, isang bagay ito na labis niyang pinasasalamatan sa mga magulang niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahil kung hindi daw sa pagiging supportive ng mga ito ay maaring hindi niya naabot ang kasikatan na mayroon siya ngayon bilang isang singer. Dahil si Yeng aminadong hindi siya academic achiever at singing talaga ang gusto niyang gawin.

“Siguro kung naging mapilit yung mga magulang ko na dapat academically well achieved ka na bata para ma-accept ka. Siguro sobrang mahihirapan ako pero I am just really grateful na may magulang tayo na tinanggap yung quirk ko. Yun ‘yong acceptance na ang sarap naman to be treated na ok ako.”

Ito ang sabi ni Yeng.

Image from Yeng Constantino’s Facebook account

Pagdating sa gay brother niyang si Kukie, proud na proud rin si Yeng. Very thankful nga rin siya dito dahil sa ito ang nag-alaga sa namayapa nilang ina at ngayon naman ay sa kanilang ama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sabi pa ni Yeng, hindi man siya maka-relate ng sobra sa kapatid ay hiling niya ang kasiyahan nito.

“Aaaminin ko siguro na I will not be able to understand it. Wala ako sa katawan mo pero I can emphatize doon sa feeling mo na yung just want to be treated as a human being kung anong orientation ang gusto mo.”

“I am for you, I want you to be happy. I want you to be healthy. And I want you to live a full life.”

Ito ang mensahe ni Yeng sa kapatid.

BASAHIN:

Yeng Constantino on mom’s passing: “I am so grateful na naging nanay ko ‘yong nanay ko.”

Yeng Constantino and husband Yan are considering adopting a baby

Bianca Gonzalez’ daughter Lucia graduates kindergarten: ““We are so proud of how much you have grown.”

Mensahe at payo para sa mga kabataang LGBT

Kuha mula sa screenshot ng YouTube video ni Yeng Constantino

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Kukie ay naiyak na marinig ito mula sa kapatid niyang si Yeng. Ayon sa kaniya, napakalaking bagay para sa kaniya ang suporta at acceptance mula sa kaniyang pamilya.

“Alam kong ikaw na-appreciate mo ‘yong gawain natin, nakaka-touch yun. Wala ka ng hahanapin pang iba sa labas. Siguro bonus na lang yung love life kung may darating. Busog na busog kumbaga empacho na ko sa pagmamahal at support ninyo sa akin.”

Ito ang naluluhang sabi ni Kukie kay Yeng.

Si Kukie may iniwan ring mensahe sa mga LGBT na tulad niya.

“Kung saka-sakali man na hindi kayo katulad ko na supported ng family, keep on going. Makinig kayo sa anumang sasabihin ng magulang ninyo. Kasi ang magulang wala naman yang plano na ipahamak ang anak.

“Lumaban ka sa hamon ng buhay sayo. Stand up, do your best sa pakikitungo sa kapwa. Mag-focus kayo sa inyong pangarap.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement