Isang nakakadiring pangyayari ang pinost ni ng news anchor na si Bernadette Sembrano sa kanyang Instagram. Ang kanyang asawa ay muntik nang makalunok ng ipis sa iniinom na milk tea mula Yi Fang Taiwan Fruit Tea. Alamin ang mga pangyayari.
View this post on Instagram
Mukhang milk tea pearls
Nuong Lingo ay magkasamang nagpunta sa Greenbelt branch ng Yi Fang Taiwan Fruit Tea ang mag-asawa. Unang beses nilang titikman ang milk tea mula sa tindahang ito. Sa katotohanan, si Bernadette Sembrano pa ang nag-aya sa kanyang asawa na subukan ito dahil mahilig sa inumin ang kanyang asawa.
Nang tikman ang inumin, nasarapan ang asawa ni Bernadette Sembrano. Ayon sa kanya ay masarap din ang pearls nito tulad sa lagi nilang binibilhan. Dahil dito ay nakitikim din ang news anchor mula sa parehong inumin.
Maya-maya ay inubos na ng asawa ni Bernadette Sembrano ang laman na inumin at itinira ang pearls. Sa kanyang pagkain ng pearls, napansin nito na tila may kaka-iba. Kanyang ibinanggit na tila may nangunguya siya na square na plastic. Nang kanya itong iluwa, dito na napag-alaman ng mag-asawa na ipis pala ang nginunguya. Sa kinunang litrato ni Bernadette Sembrano, makikita pa ang mga paa nito.
Si Bernadette Sembrano ay agad nagtanong sa kanyang duktor na si Dr. Buensalido kung anong maaaring mangyari. Ayon sa duktor, maaaring magka-diarrhea dahil sa bacteria at kakailanganin uminom ng antibiotic. Kung sakali naman raw na allergic reaction ang mangyari sa katawan, antihistamine ang kanilang dapat inumin. Subalit, ayon din dito ay walang dapat alalahanin dahil malamang ay mamatay na sa acid ng sikmura ang mga bacteria.
Sa kabutihang palad ay maayos naman raw ang mag-asawa ngayon.
Sagot ng Yi Fang Taiwan Fruit Tea
Dahil sarado na ang tindahan na matagpuan ang ipis, nagpadala ng direct message si Bernadette Sembrano sa Instagram ng tindahan. Agad naman raw sumagot ito na nagsasabing aaksyonan nila ang pangyayari. Kinamusta rin sila nito at sinabing kung may hospital bills man ay sasagutin nila. Pinag-bigay alam nila na ang naturang branch ay pansamantalang isasara para sumailalim sa sanitary inspection.
Nagpasalamat ang news anchor sa mabilis na aksyon ng tindahan sa pangyayari.
Ayon kay Bernadette Sembrano, kanya paring tatangkilikin ang tindahan. Umaasa siya na ito ay isolated case lamang at bibili parin siya dito. Dahil sa pangayaring ito, alam niyang sisiguraduhin ng tindahan na hindi na ito mauulit pa.
Nais ibahagi ng news anchor na dapat ay maging maingat sa mga pagkain at inumin na nabibili. Hanggang hindi ikaw mismo ang naghanda nito, hindi makakasigurado sa kalinisan. Makakabuti ring alamin ang repiutasyon ng pinagbibilhan.
Basahin din: Angelu de Leon and Bernadette Sembrano open up about Bell’s palsy
Source: ABS-CBN News
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!