TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

YouTube Kids videos, ginagamit ang sikat na characters para turuan ang mga bata ng suicide

3 min read
YouTube Kids videos, ginagamit ang sikat na characters para turuan ang mga bata ng suicide

Kahit na pambata ang mga pinapalabas na video rito, mahalaga pa rin ang pagsunod sa mga YouTube Kids safety tips para masiguradong wasto ang napapanood dito.

Tila sunod-sunod ang mga nababalitang videos sa YouTube Kids na hindi angkop sa mga bata. Ngayon naman ay mayroong isang magulang na nakahanap ng mga videos na “pambata” ngunit ang laman ay hindi angkop para sa mga bata.

Dahil sa kaniyang mga nakita, nagdesisyon siyang ibahagi ito sa ibang mga magulang upang maging mas maingat sila sa pinapanood ng kanilang mga anak.

Alamin kung paano makakaiwas sa mga ganitong videos sa pamamagitan ng aming mga YouTube Kids safety tips.

Ano ang meron sa mga videos na ito?

Ayon sa inang si Rachel McGregor, marami raw siyang nahanap na videos na nagkukunwari lang na pambata. Gumagamit raw ang mga videos na ito ng mga sikat na characters tulad ni Peppa Pig, at Paw Patrol.

Aniya, hinahaluan raw ng suicide, murder, sex, pati na paggamit ng droga, ang mga videos na ito. Kaya raw ito nakakapasok sa YouTube Kids ay dahil mukha itong pambata sa unang tingin, pero sa gitna ng video ay mayroon itong hindi tamang content.

Ngunit ang pinakanakakatakot ay ang laman ng mga ilang videos na tinuturuan magpakamatay ang mga bata. Kabilang na rin dito ang ilang mga nag-viral na online “challenge” kung saan sinasaktan ng mga bata ang kanilang mga sarili.

Madalas rin daw magpalit ng mga thumbnails ang video, kaya’t madalas ay hindi ito nairereport. Madalas, kasama rin daw ito sa Autoplay sa YouTube. Kaya minsan kahit galing sa tamang video ang isang bata, posibleng mapunta ang kanilang pinapanood sa mga masasamang videos na ito.

Sabi pa ni Rachel, kailangan raw na i-report agad ng mga magulang ang mga ganitong klaseng videos. Kapag nakita nila ay dapat i-flag nila ang video upang malaman ng YouTube na hindi ito pambata.

Mayroong statement ang YouTube Kids tungkol sa insidente

Nakapanayam namin ang YouTube Kids spokesperson na si Tu Nguyen, at heto ang kanilang statement tungkol sa ganitong mga videos:

“We work to make the videos in YouTube Kids as family-friendly as possible and take feedback very seriously.”

We appreciate people drawing problematic content to our attention, and make it possible for anyone to flag a video. Flagged videos are manually reviewed 24/7 and any videos that don’t belong in the app are removed.”

“We’ve also been investing in new controls for parents including the ability to hand pick videos and channels in the app. We are making constant improvements to our systems and recognize there’s more work to do.”

YouTube Kids safety tips para sa mga magulang

Kahit na pambata na website ang YouTube kids, mahalaga pa rin na sumunod ang mga magulang sa safety tips para sa kanilang mga anak. Siyempre, hindi dapat ibigay ng mga magulang ang responsibilidad ng pagbabantay sa isang website, o kaya sa computer.

Mahalaga na sila mismo ang nakatutok at nakabantay sa kanilang mga anak. Heto ang ilang mga YouTube Kids safety tips na dapat tandaan:

  • Maging mapanuri sa mga videos na pinapanood ng iyong anak, at hangga’t-maaari alamin muna kung safe ito panoorin.
  • Huwag silang hayaang manood ng videos mag-isa. Palaging dapat mayroong nakabantay sa kanila.
  • Hindi dapat sila palaging nanonood ng mga videos sa YouTube, mahalaga rin na maglaro ang mga bata sa labas at lumayo sa gadgets nila.
  • Siguraduhin na age-appropriate ang kanilang mga pinapanood, at galing lang sa mga legitimate na YouTube channels.
  • Gumamit ng parental control upang malimitahan ang mga pinupuntahang websites ng iyong anak.

 

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development

Source: Facebook

Basahin: YouTube Kids video, tinuturuan raw magpakamatay ang mga bata

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • YouTube Kids videos, ginagamit ang sikat na characters para turuan ang mga bata ng suicide
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko