Zeinab Harake pumalag sa nagsabing gumagawa siya ng issue: "Halos ikamatay ko na, sasabihin scripted?"

Hindi napigilan ni Zeinab Harake ang mag-react sa naging binatang na scripted umano ang pinagdadaanan niya ngayong pagsubok.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Zeinab Harake sumagot sa mga paratang na scripted umano ang mga kinakaharap niyang issue sa ngayon. Ito’y kaugnay sa isang YouTube video ng content creator na si Mark Jayson Warnakulahewa.

  • Reaksyon ng isang content creator sa issue ni Zeinab Harake
  • Zeinab pumalag sa mga paratang ng content creator na gumagawa lang daw siya ng issue
  • Zeinab Harake humaharap sa matinding pagsubok

Larawan mula sa Instagram account ni Mark Jayson Warnakulahewa

Reaksyon ng isang content creator sa issue ni Zeinab Harake

Pumalag si Zeinab Harake sa sinabi ng isang content creator na scripted daw ang pinagdadaanan nito ngayon.

Naglabas ng YouTube video ang kilalang YouTube na si Mark Jayson Warnakulahewa kung saan sinabi nito na karamihan daw sa nangyayari ngayon kay Zeinab Harake ay scripted umano.

Wika ni Mark Jayson, nasa 70 percent daw ng issue na hinaharap ngayon ni Zeinab ay scripted umano at gawa-gawa lamang.

Isa sa pinunto ng content creator ay madalas umanong magkaroon ng bagong issue sina Zeinab Harake at boyfriend nitong rapper na si Skusta Clee. Ito ay tuwing may lumalabas na kanta ang rapper.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lahad ni Mark Jayson, masyado raw mababa ang kita sa YouTube kaya tingin nito ay may mga gumagawa ng issue para mapag-usapan.

Punto pa ng content creator, normal na umano ito sa YouTube, kung saan nilarawan niya ito bilang ‘big reality show’.

“That’s their job. They must do it. They must do something for it to go further.”

Matatandaan na maraming netizen ang nagduda na posibleng may problema sa relasyon nina Skusta Clee at Zeinab Harake. Ito’y matapos nilang mapansin na hindi na naka-follow si Zeinab sa Instagram account ni Skusta Clee o Darryl Yap sa tunay na buhay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Zeinab Harake

Zeinab pumalag sa mga paratang ng content creator na gumagawa lang daw siya ng issue

Samantala, nagbigay rin ng reaksyon si Zeinab Harake sa video ni Mark Jayson. Ayon kay Zeinab, pinanood niya ang naturang video.

Dito sinabi ni Zeinab Harake na sana ay totoong scripted o prank na lang ang mga issue na kanyang kinahaharap.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Sana nga prank or scripted na lang para ‘di masakit sa’kin. Halos ikamatay ko na sasabihin scripted?”

‘Yan ang pahayag ni Zeinab tungkol sa paratang ni Mark Jayson na scripted daw ang mga nararanasan niyang problema ngayon.

Wika pa ni Zeinab, hindi dapat siya itulad sa ibang mga YouTuber na gumagawa ng content sa video sharing platofrm para lang kumita.

“Di ako gaya ng ibang YouTuber (diyan) na gagawa ng content at iuupload sa YT para lang pagkakitaan. ‘Di importante pera sa’kin.”

“Masyado kasing madaming patalo na naniniwala sa mga opinion ng iba. God bless sa inyong lahat.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Parte pa ng pahayag ni Zeinab, na kaagad sinuportahan ng kanyang mga tagahanga.

Wala namang naging pahayag si Zeinab tungkol sa kumakalat na issue sa umano’y problema sa pagitan nila ni Skusta Clee.

BASAHIN:

Zeinab Harake nakunan, pumanaw ang anak: “Bantayan at palakasin mo kami palagi”

Jason Hernandez nagsalita na sa break-up rumor: “Hindi nangaliwa si Moira”

Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I’d experienced.”

Larawan mula sa Twitter account ni Zeinab Harake

Zeinab humaharap sa matinding pagsubok

Noong nakaraang linggo ay malungkot na inihayag ni Zeinab Harake na pumanaw ang kanyang ikalawang anak na si Baby Moon Harake.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa Twitter, maraming tagahanga ni Zeinab ang nabigla noong kanyang ibahagi ang larawan ng isang altar na may urn. Makikita rin ang larawan ng sumakabilang-buhay na anak ni Zeinab.

Kasama ni Zeinab sa pagdadalamhati ang kanyang panganay na anak na si Bia, Kung pagbabasehan ang post ni Zeinab, April 11 ang petsa ng pagpanaw ni Moon.

Nagbigay naman ng mensahe si Zeinab sa kanyang pumanaw na anak, kung saan sinabi nito na hindi ito mawawala sa kanilang puso.

“My baby boy rest kana mahal na mahal ka namin ni ate bia mo bantayan at palakasin mo kami palagi di ka mawawala sa puso namin moon.”

“Be our forever angel mommy loves you so much.”

Sa isang tweet ni Zeinab, kanyang binalikan ang kanyang nasabi noong January 2022 tungkol sa moon. Aniya, hindi niya pa noon alam na siya ay nagdadalang-tao.

“Di ko pa alam na buntis ako ng sobrang nahilig ako sa moon yun pala sya ang magiging angel ko.”

Makikita rin na kanyang hinalikan ang urn para ipakita ang kanyang pagmamahal kay Baby Moon.

Nagbahagi rin ng Bible verse si Zeinab sa kanyang Instagram story, na hango sa libro ni Jeremiah.

“For I know the plans I have for you,” declares the Lord,” plans to prosper you and not harm you, plans to give you hope and a future.”