LOOK: Zeus Collins engaged na sa kaniyang girlfriend na si Pauline Redondo!

Mabilis ang naging desisyon ni Zeus para sa wakas ay mag-propose na sa kaniyang girlfriend na si Pauline.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Engaged na ang dancer at Hashtag member na si Zeus Collins sa kaniyang girlfriend matapos magpropose ito sa laro niya sa Star Magic Games nitong Linggo, ika-22 ng Mayo 2022.

Mga mababasa sa aritikulong ito:

  • Zeus Collins engaged na sa kaniyang girlfriend!
  • Love story nina Zeus Collins at Pauline Redondo
  • Mga bagay na dapat tandaan bago magpasyang magpakasal

Larawan mula sa Instagram account ni Zeus Collins

Zeus Collins engaged na sa kaniyang girlfriend!

Napa-hashtag #SanaAll na lang ang mga audience at netizens nitong Linggo, May 22, dahil sa ginawa ng Hashtag member na si Zeus Collins.

Matapos kasi ang laro nila ng basketball sa Star Magic Games ay biglaang sinurpresa ni Zeus ang kaniyang girlfriend na si Pauline Redondo ng isang marriage proposal.

Sa video na binahagi sa YouTube, maririnig na pinuno ng hiyawan ng mga tao nang hawakan ni Zeus ang microphone at kausapin si Pauline. Binanggit nitong gusto niyang makasama na habangbuhay ang kanyang girlfriend.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Ikaw na ‘yong gusto kong makasama habangbuhay. Nagpapasalamat ako kay Lord dahil ikaw ‘yong binigay niya sa akin.”

“Sa harap ng mga kaibigan ko at sa harap ng madlang people. Ngayon ko lang ito gagawin at sana last na ‘to.”

Tuluyan ding nagwala ang mga tao sa stadium nang lumuhod na si Zeus Collins at bigkasin ang tanong na, “Will you marry me?”

Maluha-luha namang tinanggap ni Pauline ang propasal at sinabi ang matamis niyang “Yes!” sa kanyang nobyo. Bumuhos naman ang luha ng dalawa ng kapwa magyakapan na ito.

Kabilang sa mga celebrities na nanood at sumuporta kay Zeus ay ang ilan sa nakatrabaho at kaibigan niyang sina Vice Ganda, Ronnie Alonte, Ogie Alcasid, Teddy Corpuz, Ryan Bang, Vhong Navarro, Awra at Ion Perez.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Zeus Collins

Love story nina Zeus Collins at Pauline Redondo

Sa report ng Push, sinabi ni Zeus Collins na hindi siya makatulog ng ilang araw. Doon bigla umanong naisipan ng dancer na mag-propose na sa kaniyang girlfriend.

“Tuwing matutulog ako siyempre lagi naman na mag-pe-pray ka bago matulog. Hanggang sa nagulat ako na parang may biglang kumalabit sa akin na siguro tinanong ko na din si Lord tapos hindi ako nakatulog.”

“Biglang pumasok sa isip ko na ayun nga, mag-propose. Hanggang isip ako ng isip. Pinag-pray ko ng pinag-pray. Hanggang sabi ko ito na talaga yung sign na gagawin ko na ‘to.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang sambit ni Zeus Collins hinggil sa nangyari bago niya napagdesisyunang mag-propose sa kaniyang girlfriend na si Pauline. Aniya, hindi niya naisip na gagawin niya iyon sa harap ng maraming tao, ngunit ‘yon daw ang gustong gawin ng Panginoon kaya ito nangyari.

Biro pa ni Zeus Collins, nakaramdam din daw siya ng kaba dahil baka ‘no’ ang isagot ng kaniyang girlfriend.Tatlong taon na silang magkarelasyon ni Pauline. Ayon kay Zeus, hindi nila inasahan na mauuwi sa pag-iibigan ang kanilang pagkikita.

Ayon kay Zeus, nagkakilala sila ni Pauline sa isang restaurant noong graduation nito. Lumapit daw sa kaniya ang pinsan ni Pauline para magpa-picture.

Dahil mag-isa lang siya noon, niyaya na niya sina Pauline na umupo sa parehong table niya. Doon nagsimula ang kanilang magandang pagtitinginan.

Ayon kay Zeus Collins, nagustuhan niya sa kaniyang girlfriend ang pagiging simple nito, mabait at maka-Diyos.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Binahagi naman ng Nice Print Photography ang ilang larawan mula sa naging sweet proposal ni Zeus Collins sa kaniyang girlfriend na si Pauline.

Larawan mula sa Instagram account ng Nice Print Photo

 

BASAHIN:

LOOK! Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey engaged na

McCoy de Leon humuhugot ng lakas kina Elisse Joson, Baby Felize: “Tanggal talaga pagod mo.”

Chito Miranda sa pagbabalanse ng work at family time: “Magsipag para makapag-semi retire ka ng maaga.”

Mga bagay na dapat tandaan bago magpasyang magpakasal

Hindi biro ang pag-aasawa, kaya nga sikat at parating sinasabi ang kasabihang, “Ang pag-aasawa ay hindi katulad ng mainit na kanin na kapag isinubo mo at napaso ka ay puwede mong iluwa.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Marami ang dapat isaaalang-alang at dapat tandaan bago tuluyang magpasya na magpakasal na. Ito ang ilan sa mga ito:

  • Planuhin ang magiging takbo ng inyong finance at kung paano ninyo masu-sustain ang gastusin nang magkasama.
  • Pag-usapan ang plano ng pagkakaroon ng pamilya at ilan ang parehong gustong maging anak base sa lifestyle na mayroon kayo.
  • Siguraduhing kilala na ang isa’t isa maging ang pamilya ninyo upang magkaroon ng security sa pagsasama.
  • Tiyaking may bahay nang matitirhan o kaya naman ay lugar na kung saan magsasama kayong dalawa.
  • Pag-usapan ang iba’t ibang plano ninyong dalawa sa buhay para sa future maging ang plano ng bawar indibidwal.
  • Um-attend sa mga classes na patungkol sa pag-aasawa.
  • Maging open-minded sa isa’t isa at ibukas ang boundaries ninyo kahit pa kayo ay mag-asawa na.
  • Bumuo ng relasyon na may pag-uunawaan at pagmamahal sa inyong dalawa.

 

Sinulat ni

Ange Villanueva