Zsazsa Padilla na-operahan dahil sa iniindang kondisyon. Pagbabahagi ng singer, mula ng pagkabata ay iniinda niya na ang kondisyon na akala nila noon ay pabalik-balik lang na UTI.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Health condition ni Zsazsa Padilla.
- Zsazsa dumaan sa surgery dahil sa sakit sa pangatlong pagkakataon.
Health condition ni Zsazsa Padilla
Sa Instagram ay ibinahagi ng singer na si Zsazsa Padilla ang kondisyon na matagal ng nagpapahirap sa kaniya. Kuwento ng singer, bata palang siya ay hirap na siya sa pag-ihi at pabalik-balik ang UTI niya. Dagdag pa ang hilig niya rin sa pagpipigil ng ihi lalo na sa tuwing nawiwili sa kakalaro.
”It has bothered me for as long as I can remember. I was often scolded as a child “kasi pinipigilan mo wiwi mo” and I thought while sitting on “maligamgam” water in a small planggana that it was partly true since I’d rather be playing in the streets and holding my pee than going to the bathroom!”
Ito ang pagbabahagi ni Zsaza sa kondisyon niya.
Ayon sa singer, ang kondisyon resulta ng abnormal na laki ng isa sa ureter niya na huli narin daw natukoy. Kaya naman imbis na ma-operahan agad, si Zsaza naging routine ang pag-inom ng antibiotics dahilan para ngayon ay magkaroon na siya dito ng resistance dito.
“I was born with a mega ureter. My left ureter was the size of a sausage when it should be a thin tubular structure with a 3 to 4 mm diameter. My right one is normal.”
Ito ang sabi pa ni Zsazsa.
Zsazsa dumaan sa surgery dahil sa sakit sa pangatlong pagkakataon
Mula noong 2007 ng matukoy ang tunay na dahilan ng kondisyon ni Zsazsa ilang beses na siyang na-operahan. Ngunit pabalik-pabalik parin ang infection na nararanasan niya at hindi na tumatalab halos lahat ng antibiotics na ibinibigay sa kaniya. Kaya naman, kamakailan lang ay sumalang sa pangatlo niyang operasyon si Zsazsa dahil sa kondisyon. Pagpapasalamat niya, ang surgery ay naging successful at sana tuloy-tuloy na ang paggaling niya.
“My body is a map of all the surgical battles it’s been through. This is my third surgery with regard to the left side of my kidney. In 2012, after Dolphy died, I had a growth taken out so a partial nephrectomy was performed on my left kidney.
By the grace of God, I pray that it continues to function so that I may be healthier.”
Ito ang sabi pa ni Zsaza Padilla tungkol sa kinahaharap na kondisyon.