Sii Emma Reavley, isang ina mula sa UK, ay nagbahagi ng larawan ng kaniyang anak matapos nitong magkaroon ng hand foot and mouth disease o HFMD. Ito ay upang magkaroon ng awareness ang mga tao sa sakit na ito, at para na rin maging maingat ang mga magulang.
Hand, foot, and mouth disease inakalang bulutong lang
Kuwento ni Emma, napansin raw niya na tila maraming mga pulang marka ang kaniyang anak 2-anyos na anak na si Emily. Mabilis raw itong kumalat sa katawan ng bata, dahilan upang dalhin siya sa ospital.
Ayon naman sa mga doktor, ay simpleng kaso lang raw ito ng bulutong, o chickenpox. Kaya’t niresetahan lang ng gamot si Emily, at pinauwi na.
Ngunit sa halip na gumaling ay tila lalo pang lumala ang karamdaman ng bata. Umabot pa raw sa 39 degrees ang temperatura ni Emily, kaya’t dinala nila ulit siya sa ospital.
Sa pagkakataong ito, na-diagnose ng mga doktor na hindi bulutong ang kaniyang sakit, kundi HFMD. Ito raw ay dahil si Emily na ang pangatlo nilang pasyente na nagkaroon ng HFMD sa araw na iyon.
Halos dalawang linggo raw si Emily sa ospital, at bagama’t gumaling rin siya, mayroon pa rin siyang mga peklat na nakuha dahil sa sakit.
Matindi raw ang naging kaso ni Emily
Ang kaso raw ni Emily ang pinakamalala na nakita ng mga doktor.
Ayon sa mga doktor na tumingin kay Emily, malala raw ang kaso niya ng HFM. Ito ay dahil kalat na kalat ang sakit sa buo niyang katawan, pati raw sa loob ng bibig at sa lalamunan ay mayroong mga butlig-butlig.
Umabot pa nga raw sa isang punto na nahihirapan nang lumunok si Emily dahil sa pamamaga ng lalamunan.
Habang nasa ospital raw ay naka-quarantine pa si Emily, dahil lubhang nakakahawa ang kaniyang karamdaman. Awang-awa ang kaniyang ina sa kalagayan ng anak, ngunit nagpapasalamat siya at gumaling rin ang bata.
Dahil dito, inuudyok ni Emma na maging mapagmatyag ang ibang mga magulang, at huwag basta-basta balewalain ang mga sintomas na nararamdaman ng kanilang mga anak.
Source: Daily Mail
Basahin: Hand Foot and Mouth Disease (HFMD): Gabay para sa mga magulang
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!