4 na taon at 2 buwan na ang iyong anak, mapapansin mo na lumalawak na ang mundo niya.
Lagi na niyang kasama ang mga bago niyang kaibigan at marami na siyang natututunan. Marami na rin siyang mga tanong tungkol sa mga tao, relasyon, lahi at kasarian.
Dito natin titignan ang development at paglaki ng 4 na taon at 2 buwan na bata. Tandaan na ang bawat bata ay magkakaiba at nagdedevelop sa iba’t-ibang bilis kaya ito ay gabay lamang.
Development ng 4-taon at 2-buwan na bata: Physical
Ang iyong 50-buwan na anak ay mas tumitiwala sakaniyang physical ability. Gusto na niyang palawakin ang kaniyang skills sa skipping, pagtalon patalikod, pagtalon habang tumatakbo, at mas gusto rin niya gumawa ng mga bagay mag-isa. Mas magaling na rin ang kaniyang hand-eye coordination.
Pero kailangan mo parin siyang bantayan dahil minsan siya ay magiging masyadong matapang at baka ma-aksidente.
Ito ang iba’t-ibang skills na kaya nang gawin ng iyong anak:
- Kayang umakyat at bumaba ng hagdan ng isang paa bawat tapak
- Mabilis tumakbo
- Kayang sumalo, mag tapon, mag bounce at sumipa ng bola
- Marunong umakyat ng hagdanan at puno
- Kayang mag tiptoe
- Kayang tumalon at iwasan ang mga maliliit na bagay
- Marunong mag somersault
- Kayang tumayo gamit isang paa at tumalon
- Inaasikaso mag-isa ang kaniyang pagbibihis ng damit at pagpunta sa banyo
- Maayos ang paghawak ng lapis o krayola
- Kayang mangopya ng tatsulok, krus, at parisukat
- Kayang magpatong-patong ng 10 na block at mag string ng mga beads para gumawa ng kuwintas
Tips:
- Papuntahin ang iyong anak sa mga lugar na puwede siyang tumalon-talon at umakyat. Wag kalimutan na panoorin ang anak niyo habang siya ay naglalaro sa labas o pag malapit sa tubig.
- Palaruin niyo ang iyong anak kasama ibang bata. Dito nila matututunan ang value ng sharing at friendship.
- Madalas parin magka tantrum ang iyong anak kaya kapag papagalitan, sabihan mo rin ng kung ano dapat at hindi niya dapat gagawin.
- Turuan mo na siya tungkol sa road safety at traffic rules. Paalala mo sakaniya na lagi dapat nakahawak ang kamay kapag nasa parking lot at umiwas sa kalan.
- Paguguhit, painting, at paggamit ng child scissors ay mga gawain na mapapalakas ng kaniya motor skills.
- Bigyan ng isang oras lamang na screen time bawat araw sa bahay, eskuwelahan, o child care.
- Siguraduhin na ang iyong anak ay natutulog sa tamang oras sa higit na 10-13 na oras.
Kailan dapat pumunta sa doctor?
- Kapag madalas madapa habang naglalakad o tumatakbo
- Nahihirapan magsulat
- Kung hindi siya nakakaring ng bulong o laging nagpapaulit sa sinasabi ng iba – lagi sinasabi “What?”
- Kung siya ay nahihirapan kumain, magbihis, o pumunta ng banyo
- Kapag hindi siya nakakakita o mga mata niya ay nakatutok sa magkaibang direksyon
- Mayroon siyang kayang gawin dati na hindi na niya magawa ngayon
Development ng 4-taon at 2-buwan na bata: Cognitive
“Ma, saan nanggagaling ang mga baby?”
“Pa, gusto ko ng baby brother. Puwede ba natin siya bilin sa supermarket?”
Asahan na magtatanong ng mga awkward at nakakatawang tanong sa edad na ito! Ito ay dahil sinusubukan na niyang maintindihan lahat ng bagay na nangyayari sa paligid niya.
Naiintindihan na niya ang mga kabaligtaran (halimbawa: mataas/mababa), mahilig magbilang at nakikilala na niya ang mga nakikita niya.
Ito ang iba’t-ibang cognitive skills na kaya nang gawin ng iyong anak:
- Kayang sumunod sa tatlong magkakasunod na utos
- Naiintindihan ang ibigsabihin ng mga numero katulad ng “Mayroon tatlong aso.”
- Kayang mag sort ng mga bagay basa sa kanilang kulay o hugis
- Alam ang pagkaiba ng mas matangkad sa mas maliit at kayang ihambing kung ano ang mas mabigat
- Nasasabi kung ano ang pagkaiba ng umaga at gabi
- Kayang magbilang hanggang 10 at nagsisimula ng magbilang ng mga bagay habang hinahawakan sila
- Nakakaalala at nakakasabi ng apat na kulay
- May naalalang sight words
Tips:
- Samahan mo ang iyong anak maglaba at mag-fold ng damit para mag improve ang kaniyang sorting skills.
- Palaruin mo siya ng mga simpleng laro katulad ng Spot the Difference, Tray Game, o Under the Cups para mag-improve ang kaniyang memory skills.
- Pagawan mo siya ng building o construction games katulad ng mga jigsaw puzzle.
- Pagtuloy ang pakipagusap at pagtanong para mapagisipan niya ang mga nakikita at ginagawa niya. Ang pagbabasa ay isa sa mga mabuting paraan para mapaisip siya at matuto ng mga bagong salita.
Kailan dapat pumunta sa doctor?
- Kung hindi niya kaya sumunod sa dalawang magkakasunod na utos
- Madaling ma-distract at nahihirapan mag concentrate sa ginagawa niya ng 5 minuto
- Hindi tama ang paggagamit ng “me” at “you”
- Mali ang pagsabi ng kaniyang first at last name
- Hindi naiintindihan ang “magkapareho” at “magkaiba”
Development ng 4-taon at 2-buwan na bata: Social at Emotional
Lumalawak na ang mundo ng iyong anak at mahilig na siya makilaro sa ibang mga bata. Naiintindihan na rin niya ang mga nararamdam ng ibang tao.
Gusto na rin niya magpayabang sa kaniyang mga kaibigan kaya lalo siyang mag-iingay at maghambog.
Normal sa 50-buwan na bata ang maging masunorin tapos biglang matigas ulo. Pero ngayon ay mas kontrolado na niya ang kaniyang mga emosyon.
Kapag sa pretend play, mas gusto na niya maglaro ng mga gender-based games katulad ng pagiging “tatay”.
Ito ang iba’t-ibang social at emotional na mga development magkakaroon ang iyong anak:
- Mas nakakainindi na siya sa damdamin ng ibang tao. Marunong na siya mag-share at take turns
- Gusto laging nanalo sa mga laro at madalas nagtatampo kapag natalo
- Madami na ang kaniyang nararamdaman katulad ng pagseselos, katuwaan, galit at takot.
- Mahilig sa mga joke at natatawa sa iba’t-ibang bagay
- Dumadami na ang kaniyang mga kaibigan at sa edad na ito ay magkakaroon na siyang “best friend”
- Nagsisinungaling para hindi mapagalitan kahit na alam niya na mali
- Mahilig kumanta, sumayaw at umarte
- Alam ang pagakiba ng fantasy at reality
Tips:
- Ang pagkakaroon ng maayos na routine ay makakatulong sa iyong anak sa pagkaintindi ng oras at time management.
- Mabuti na papasukin mo ang anak mo sa preschool. Dito siya makakahanap ng mga kaibigan at mag develop ng skills katulad ng independence, responsibility, at confidence.
- Ang pag plano ng mga playdates ay makakatulong rin sa kaniyang social skills.
- Turuan ang iyong anak na magingat sa mga estranghero.
Kailan dapat pumunta sa doctor?
- Kung hindi kayang makipaghiwalay sayo
- Kapag ayaw niya makipaglaro sa ibang bata
- At ayaw rin kumuusap sa kahit kanino
- Kung hindi siya interasado sa pretend play
- Kapag siya nagpapakita ng masyadong agresibong pag-uugali
- Nahihirapan parin siya habang kumakain, natutulog, o pagpunta ng banyo
- Hindi alam ang pagakiba ng fantasy at reality
Development ng 4-taon at 2-buwan na bata: Speech and Language Development
Sa ganitong edad, mahilig na makipagusap sayo ang iyong anak at madami na rin siyang tatanungin sayo. Sa ganitong paraan, marami siyang malalaman tungkol sa mundo at sa mga taong nakikilala niya.
Malinaw na ang mga sinasabi niya at kaya na niyang gumamit ng 5-6 na salita.
Mapapansin mo rin na madalas siyang nakikipag away pero isa ito sa nakakatulong sa kaniyang critical thinking skills.
Ito ang iba’t-ibang language skills na kaya nang gawin ng iyong anak:
- Gusto niya ang mga kanta na may rhyming words
- Malinaw magsalita pero nahihirapan parin sa ‘s’, ‘w’ at ‘r’
- Nagtatanong ng ‘bakit’, ‘kelan’ at ‘paano’ pati na rin nagtatanong kung ano ang ibigsabihin ng mga ibang salita
- Nagkuwekuwento na kalahati totoo at kalahating hindi
- Gumagamit ng mga pangungusap na mayroong higit pa sa limang salita
- Kumakanta o kayang mag recite ng poem
- Kayang sabihin ang kaniyang first at last name
Tips:
- Gumamit ng kumpletong mga pangungusap at mga “grown up words” kapag kausap ang iyong anak para mag develop ang kaniyang language skills.
- Kausapin mo siya tungkol sa mga nagawa at napuntahan niya. Tanungin mo sakaniya kung anu-anong nagawa at nakita niya. Makinig ng maigi habang nagsasalita siya.
- Kuwentuhan mo siya ng mga naranasan mo nung bata ka pa.
- Pagtuloy mo ang pagbabasa sa iyong anak. Dalin mo siya sa mga library o bookstore. Papiliin mo siya ng kung ano gusto niyang basahin.
- Ang pagbabasa, pagkuwekuwento, pagkanta at pag-recite ng mga nursery rhyme ay makakatulong sa pagsasalita, pagiisip at imahinasyon niya.
- Habang nagbabasa, tanungin mo siya kung anu-ano nangyayari sa kuwento.
Kailan dapat pumunta sa doctor?
- Hindi malinaw ang pagsalita at hindi naiintindihan
- Hindi gumagamit ng mga pangungusap na higit tatlong salita
- Mali ang paggamit ng ‘me’ at ‘you’
- Hindi kayang sabihin ang first at last name niya
- Madalas ay hindi pinapagusapan kung ano nangyari sa araw niya
Development ng 4-taon at 2-buwan na bata: Health at Nutrition
Depende sa kanyang edad, laki, at activity level, ang iyong 50-buwan na anak ay kailangan ng 1,200 hanggang 1,800 calories bawat araw.
Ang mga babae sa edad na ito ay may taas na 98 cm hanggang 104 cm at 14.6 kg hanggang 17.5 kg na timbang. Para sa mga lalaki may taas sila na 99.5 hanggang 105.4 cm at 15 kg hanggang 17.7 kg na timbang.
Siguraduhin na ang kaniyang meal plan ay may:
- Grains (isang slice ng tinapay, maliit na mangkok ng pasta, cereal, o kanin)
- Prutas at gulay (1 baso ng gulay, 2 baso ng raw leafy greens, isang malaking kamatis, o dalawang karot at isang kalahati ng mansanas o isang saging)
- Karne (1-3 kutsara ng karne, manok, o isda at 4-5 kutsara ng dry beans, peas o 1 itlog)
- Gatas (1 baso ng gatas o yogurt, 1½ ounces ng natural cheese o 2 ounces ng processed cheese)
Tips:
- Samahan mong kumain ang iyong anak.
- Ipakita mo sa iyong anak na kumakain ka ng mga prutas, gulay, at mga whole grains na pagkain. Sinasabi na ang eating habits ng mga bata ay nakukuha nila sakanilang mga magulang sa edad na ito.
- Bawasan ang pagbigay ng mga pagkain at inumin na mayaroong sugars, solid fats, o asukal.
- Ang pinakamabuting painumin sa iyong anak ay tubig at gatas.
- Pakainin mo siya ng mga prutas na sariwa, canned, frozen o kaya dried fruits imbes na fruit juice.
- Kapag gusto niya ng juice, siguraduhin na 100% juice at walang added sugars ang iinumin niya.
- Magingat sa mga pagkain na maliit at matigas katulad ng mani at popcorn. Ingat rn sa mga pagkain na puwede siyang ma-choke katulad ng sticky foods.
- Huwag pilitin ang iyong anak ubusin ang pagkain niya.
- Papiliin mo siya ng kung gaano karami ang kakainin niya. Sa edad na ito, dapat alam na niya kung busog na siya.
- Asahan na makalat parin siya kumain.
- Habang kumakain, isarado ang TV at iwasan ang paggamit ng telepono.
- Kung nagaalala ka na konti lang ang kinakain niya, bigyan mo siya ng daily multivitamin para sa edad niya. Ito ay nakakapuno sa kaniyang nutrient gaps at nakakatulong sa kaniyang brain development, immune system at energy level.
Siguraduhin din na ang iyong anak ay may mga bakuna para na:
- four doses of diphtheria, tetanus, and pertussis (DTaP) vaccine
- three doses of inactivated poliovirus vaccine (IPV)
- three or four doses of Haemophilus influenzae type B (Hib) vaccine
- one dose of measles, mumps, and rubella (MMR) vaccine
- three doses of hepatitis B vaccine (HBV), one dose of chickenpox (varicella) vaccine
- two or three doses of rotavirus vaccine (RV)
- four doses of pneumococcal conjugate vaccines (PCV, PPSV)
- one or two doses of hepatitis A vaccine (HAV).
- flu vaccine (yearly)
Magingat sa mga sakit na common flu, chicken pox, measles, mumps, at mga posibleng food allergy.
Kailan dapat pumunta sa doctor?
Kapag ang iyong anak ay underweight o masyadong maliit para sakaniyang edad, pumunta na sa pediatrician.
Paalala na lahat ng mga bata ay magkakaiba at iba’t-iba ang bilis ng pag develop.
Source: CDC, WebMD