50 pesos ulam recipe: 11 ulam recipes na swak sa budget ng pamilya

Ang mga ulam recipe na ito ay siguradong healthy rin para sa iyong pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nahihirapang mag-isip ng ulam na pasok sa budget para sa inyong pamilya? Subukan ang mga 50 pesos ulam recipe na ito na siguradong mai-enjoy nila. Mura man ay masarap pa rin!

50 pesos ulam recipe na pang pamilya

Food photo created by freepik – www.freepik.com

Sa ngayon kung saan nahaharap tayo sa matinding problemang pang-kalusugan na sasabayan pa ng pagtaas ng mga bilihin, ang tanging opsyon lang natin ay ang magtipid.

Bagamat may kahirapan itong gawin lalo pa’t sa araw-araw ay kailangan nating kumain, ito naman ay posible. Ang isang hakbang nga na maaaring gawin ay sa pamamagitan ng paghahanda ng mga ulam na hindi kamahalan.

Kaya naman para matulungan kang makatipid at makapaghanda ng masarap na ulam para sa iyong pamilya ay narito ang 50 pesos ulam recipes na siguradong magugustuhan nila. Kahit na ng iyong mga maliliit na anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

1. Tortang Sardinas | 50 pesos ulam recipe

Mga sangkap:

  • 1 latang sardinas
  • 2 pirasong itlog
  • 3 butil na bawang
  • 1 pirasong sibuyas
  • Mantika
  • Asin at paminta

Paraan ng pagluluto:

  1. Una ay i-drain ang sardinas saka ito durugin gamit ang tinidor. Itabi ang sauce dahil maari mo parin itong gamitin bilang pang-dagdag sarap sa mainit na kanin.
  2. Sa isang bowl ay haluin ang dinurog na sardinas at ang hiniwang bawang at sibuyas.
  3. Biyakin at ilagay dito ang dalawang pirasong itlog. Kung may available na harina ay maari ring haluan ito para sa dagdag na volume.
  4. Timplahan ng asin at paminta saka haluin.
  5. I-prito sa mantika ang pinaghalong mga sangkap depende sa laki o hugis na iyong nais.
  6. Maaring i-garnish sa ibabaw ng iyong nalutong tortang sardinas ang sauce nito para sa dagdag na lasa.

2. Ginisang Kalabasa

Image from Yummy.ph

Mga sangkap:

  • Piraso ng kalabasa
  • Bawang
  • Sibuyas
  • Mantika

Paraan ng pagluluto:

  1. Hiwain ang kalabasa sa mga kwadradong piraso.
  2. Sa kawali ay igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
  3. Ilagay ang mga hiniwang piraso ng kalabasa hanggang sa ito ay maluto.
  4. Timplahan ng asin at paminta.
  5. Para sa dagdag na lasa ay maari itong lagyan ng kaunting bagoong alamang. O kaya naman ay mga maliliit na piraso ng karne. Puwede rin itong lagyan ng dahon ng malunggay kung available sa inyong bakuran.

3. Ginisang corned beef na may itlog | 50 pesos ulam recipe

Mga sangkap:

  • 1 latang corned beef
  • 1 pirasong itlog
  • Bawang at sibuyas
  • Mantika

Paraan ng pagluluto:

  1. Igisa sa mantika ang bawang at sibuyas.
  2. Sunod na ilagay at igisa ang corned beef.
  3. Batihin ang itlog at timplahan ng asin at paminta.
  4. Saka ito ilagay sa ginigisang corned beef at halu-haluin.

4. Ginisang gulay o pakbet

Mga sangkap:

  • Hiniwang gulay na pampakbet
  • Bagoong alamang
  • Bawang at sibuyas
  • Mantika

Paraan ng pagluluto:

  1. Igisa sa mantika ang bawang at sibuyas.
  2. Sunod na igisa ang bagoong alamang. Tantyahin o i-base sa dami ng gulay na iyong lulutuin para hindi masyadong umalat. Hayaang maluto ang bagoong o mamula-mula.
  3. Ilagay ang hiniwang gulay. Halu-haluin sa loob ng isang minuto.
  4. Sunod na lagyan ng kaunting tubig para kumulo at tuluyan itong maluto.

5. Ginisang sardinas na may pechay

Mga sangkap:

  • 1 latang sardinas
  • 1 taling pechay
  • Bawang at sibuyas
  • Mantika
  • Asin at paminta

Paraan ng pagluluto:

  1. Igisa sa mantika ang hiniwang bawang at sibuyas.
  2. Sunod na ilagay ang sardinas kasama ang sauce nito. Pakuluin.
  3. Kapag kumukulo na ay ilagay ang hiniwang pechay sa maliliit na piraso. Lagyan ng kaunting tubig para maayos na maluto at para mayroon itong sabaw.
  4. Timplahan ng asin at paminta.

BASAHIN:

Pork Sisig Recipe: Pina-healthy ang classic Kapampangan dish 

Batchoy Tagalog Recipe: Sangkap At Paraan Ng Pagluto

Ito tamang pagluto ng itlog upang makaiwas sa Salmonella

6. Tortang hotdog | 50 pesos ulam recipe

Mga sangkap:

  • Hotdog
  • 2 pirasong itlog
  • Mantika

Paraan ng pagluluto:

  1. Hiwain ang hotdog sa maliliit na piraso.
  2. Batihin ang itlog at ihalo rito ang hiniwang piraso ng mga hotdog.
  3. Timplahan ito ng asin at paminta.
  4. Saka ito i-prito sa mantika depende sa hugis o laki na iyong gusto.

7. Adobong kangkong | 50 pesos ulam recipe

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Simply Bakings

Mga sangkap:

  • 2 tali ng kangkong
  • Bawat at sibuyas
  • Pack ng chicharon
  • Mantika
  • Pares pack ng toyo at suka

Paraan ng pagluluto:

  1. Tanggalin ang mga dahon ng kangkong saka hiwain o putul-putulin ang mga tangkay nito.
  2. Sa mainit na mantika ay igisa ang bawang at sibuyas.
  3. Sunod na igisa ang mga tangkay ng kangkong at lagyan ng kaunting tubig para maayos na maluto.
  4. Isunod ang mga dahon ng kangkong saka lagyan ng tamang dami ng toyo.
  5. Pakuluin ng bahagya at lagyan ng suka.
  6. Timplahan ng asin at paminta.
  7. Hayaang maluto at lagyan ng chicharon sa itaas kapag ihahain na.

8. Ginisang togue

Mga sangkap:

  • 1 balot ng togue
  • 1 pirasong kamatis
  • Bawang at sibuyas
  • Mantika
  • Pork cubes
  • Hibe o pinatuyong hipon

Paraan ng pagluluto:

  1. Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa mantika hanggang sa maluto.
  2. Sunod na igisa ang hibe hanggang sa mamula.
  3. Lagyan ng kaunting tubig at isunod ang pork cubes hanggang sa ito ay matunaw.
  4. Saka ilagay ang togue at hayaang kumulo.
  5. Timplahan ng asin at paminta hanggang sa ito ay maluto.

9. Ginisang monggo

Image from Panlasang Pinoy

Mga sangkap:

  • 1 balot ng monggo
  • 2 pirasong kamatis
  • Bawang at sibuyas
  • Mantika
  • Pork o shrimp cubes

Paraan ng pagluluto:

  1. Ibabad ang monggo ng 30 minuto sa tubig upang lumambot o humiwalay ang mga matitigas ng piraso nito.
  2. Maari rin itong hiwalay ng pakuluan sa tubig hanggang sa lumambot.
  3. Sa kawali ay igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
  4. Sunod na ilagay ang naluto at pinakuluang monggo.
  5. Lagyan ng pork o shrimp cubes para magkalasa.
  6. Timplahan ng asin at paminta.
  7. Para sa dagdag na lasa ay maari itong haluan ng dinurog na chicharon o dilis. O kaya naman ay dahon ng malunggay, alugbati o talbos ng kamote kung available sa inyong bakuran.

10. Tokwa with oyster sauce | 50 pesos ulam recipe

Mga sangkap:

  • 4 pirasong tokwa
  • Bawang at sibuyas
  • Mantika
  • Oyster sauce
  • Dahon ng sibuyas

Paraan ng pagluluto:

  1. Iprito sa mantika ang tokwa at hiwain sa maliliit na kwadrado piraso.
  2. Sa kawali ay igisa ang hiniwang bawang at sibuyas.
  3. Sunod na igisa ang hiniwang maliliit na piraso ng piniritong tokwa.
  4. Maya-maya ay ilagay na ang oyster sauce para magkalasa.
  5. Sunod na ilagay ang dahon ng sibuyas at halu-haluin.
  6. Isalang saglit sa apoy saka agad na hanguin dahil ito ay luto na.

11. Ginisang sayote

Mga sangkap:

  • 2 pirasong sayote
  • Kamatis
  • Bawang at sibuyas
  • Mantika
  • Hibe o dried na hipon

Paraan ng pagluluto:

  1. Balatan at hiwain sa maliit na piraso ang sayote.
  2. Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa mantika hanggang sa maluto.
  3. Sunod na igisa ang hibe hanggang sa mamula.
  4. Lagyan ng kaunting tubig at saka ilagay ang sayote. Hayaang kumulo hanggang sa maluto.
  5. Timplahan ng asin at paminta o seasoning para maging malasa.

Sana ay makatulong sa inyo ang mga 50 pesos ulam recipe na tampok sa artikulong ito. Ang mga nabanggit na recipe ay maaring pasarapin sa pamamagitan ng pagdadagdag ng sangkap na naaayon parin sa inyong budget.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement