Adobo flakes sandwich: Easy cheesy merienda recipe

Naghahanap ba kayo ng meryenda on a budget? Bakit hindi niyo subukan ang aming mabilis at madaling gawin na meryenda hack na Cheesy Adobo Flakes Sandwich gamit ang natirang adobong baboy o manok.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naghahanap ba kayo ng meryenda on a budget? Bakit hindi niyo subukan ang aming easy Cheesy Adobo Flakes Sandwich gamit ang natirang adobong baboy o manok!

  • Recipe ingredients
  • Paano lutuin ang recipe na ito

Adobo flakes | Photo: iStock

Mas sumasarap habang tumatagal

Bukod sa tunay na napakalinamnam ng adobo, isa sa mga magagandang katangian nito ang pagkakaroon ng matagal na shelf life.

Ibig sabihin ay matagal ito bago masira kahit nasa room temperature lang ito. Ideally, hindi na ito kailangan ilagay sa fridge. Ang mga sangkap kasi ng adobo (tulad ng suka) ay nakakatulong upang ma-preserve ang karne.

Habang tumatagal, mas nagde-develop ang lasa nito. Lalo na kung ihain siya ilang araw matapos niyang maluto.

Kung kaya’t masasabi natin na ang adobo ang isa sa mga pagkaing Pinoy na nakakasigurong mas sumasarap habang tumatagal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Adobong kangkong with tokwa recipe: Ang vegetarian adobo

Adobong manok: Iba’t ibang paraan para lutuin ang classic Filipino dish na ito

Twice-cooked Adobong Baboy recipe: Level-up ang sarap ng Pork Adobo recipe na ito!

Plus, masasabi din natin na ang adobo ay super versatile upang makagawa ng iba’t iba pang dishes mua sa mga leftovers nito. Nandiyan na ang adobo fried rice, adobo burrito at adobo tacos. Isang paborito na putahe mula dito ang adobo flakes.

Ang pag-gawa ng flakes ay napakadali at magbibigay ng panibagong experience kung hindi niyo pa ito nagagawang lutuin. Karaniwang inihahain ito ng almusal na may kasamang sinangag at pritong itlog. May iba na gustong kainin ito kasama ang kesong puti.

But alam niyo ba na maaaring gamitin ang adobo flakes bilang sangkap para sa merienda recipes?

Puwede pa itong gamitin bilang palaman ng tinapay! Tulad na lang ng aming recipe para sa cheesy adobo flakes sandwich.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Adobo Sandwich

Naging inspirasyon namin para gawin ang recipe na ito ang flying saucer sandwiches. Paborito namin itong kainin noong bata pa kami.

Ginagamitan ito ng flying saucer sandwich press upang mapitpit ito. Nagiging hulis bilog ang sandwich na mistulang UFO (unidentified flying object).

But dahil high-tech na ngayon, mayroon ng mga electric sandwich makers! Maaari niyo ding gamitin ang inyong handy oven toaster. Puwede rin ang gumamit ng kawali upang initin ang mga hinandang sandwiches.

Pasarapin pa lalo adobo flakes sandwich at gawing mas cheesy. Maaari niyo rin itong lagyan ng mga gulay, katulad ng kamatis, cucumber or pickled carrots.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya tara na’t mag merienda at subukan ang aming easy-to-make recipe gamit ang tirang adobo.

Enjoy!

Maaaring gawing flakes ang tirang chicken o pork adobo.

Cheesy Adobo Flakes Sandwich

*Para sa apat na katao ang recipe na ito

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ingredients:

Para gawin ang adobo flakes:

  • 2 tasang adobo (maaaring gumamit ng baboy o manok)
  • 2 tablespoons oil
  • Leftover adobo sauce

Para gawin ang adobo flakes sandwiches:

  • 2 tablespoons adobo sauce
  • ½ tasang mayonnaise
  • 8 sliced bread (maaaring gumamit ng pan de sal, sliced white or whole wheat bread)
  • Butter
  • Cheese slices or cheese spread

Maaaring gawing adobo flakes ang tirang adobong baboy| Photo by Eiliv-Sonas Aceron on Unsplash

Paraan ng pagluto ng adobo flakes:

  1. Himayin ang natirang adobo upang maging flakes. Tiyakin na nahiwalay ang buto sa karne bago ito lutuin.
  2. Painitin ang mantika sa kawali gamit ang low heat. Lutuin ang adobo meat ng mga 10 hanggang 15 minuto. Haluing mabuti hanggang sa lumabas ang natural nitong mantika at tuluyang lumutong. Ihango at isantabi.
  3. Gamit ang kaparehong kawali, ibuhos ang natirang adobo sauce. Pakuluin gamit ang low heat hanggang sa lumapot ito. Isantabi at ihanda kasama ang mga susunod na ingredients upang maihanda na ang mga sandwiches.

Paraan ng pag-assemble ng sandwich:

  1. Sa isang bowl, ilagay ang adobo flakes, mayonnaise at adobo sauce. Haluin.
  2. Ihanda ang tinapay at lagyan ng butter sa bawat side.
  3. Lagyan ng adobo filling ang unang slice tinapay. Lagyan din ng cheese ang ibabaw bago ipatong ang pangalawang slice. Gawin ito para sa tatlo pang sandwich.
  4. Gumamit ng electric sandwich maker o kaya naman oven toaster upang tustahin ang hinandang sandwiches. Maaari ring initin sa kawali at tustahin ang mga sandwiches hanggang sa maging golden brown on each side.

 

Main photo by Jordan Nix on Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Nines Licad