Ilang linggo na lang ang binibilang natin and before you know it, summer na naman! Kung ninanais niyo na magbawas ng pagkain sa pagpasok ng taon, tiyak na makakatulong ang recipe na ito sa inyo. Maaaring mabalik ang inyong “summer bod” sa pamamagitan ng pagdagdag ng gulay sa inyong mga lutuin.
At dahil tunay nating paborito ang adobo, kung saan halos wala na tayong pinipiling ingredient sa pagluto nito, puwedeng-puwede niyo gawin ang aming healthy adobong kangkong recipe with an added twist!
Adobong manok: Iba’t ibang paraan para lutuin ang classic Filipino dish na ito
Twice-cooked Adobong Baboy recipe: Level-up ang sarap ng Pork Adobo recipe na ito!
Can’t get enough of this adobo recipe
Adobong kangkong recipe
Ang ginamit naming adobong kangkong recipe na ito ay basic. Ngunit sa pagdagdag ng tokwa, siguradong magiging isa ito sa mga healthier ulam options na puwedeng pwede niyong ihain sa araw-araw.
Puwede din kayong magdagdag ng ibang karne tulad ng giniling o kaya naman atay ng manok for that needed protein sa inyong diet. At dahil ang version ng adobong kangkong recipe na ito ay hindi ang nakasanayan ninyong lutuin, siguradong mapapahanga ang inyong mga kasama sa tahanan kapag ito ay nasubukan.
Higit pa dito ang sanayin sila na kumain ng mga healthier options upang manatiling maging malakas ang kanilang resistensya, lalong-lalo na sa panahon ngayon na iniiwasan nating magkasakit gawa ng laganap na COVID-19 virus na nagdulot ng global pandemic.
Hindi man namin masiguro na makakapag-travel tayo agad sa beach ngayong taon para makapag road trip or swimming trip kasama ang buong pamilya, sinisiguro naming magiging masaya ang pagkain ninyo sa inyong munting tahanan kasabay ng mainit na kanin.
Puwede niyo itong lutuin as a main dish. Maaari niyo din gawing side dish ang adobong kangkong recipe na ito kasabay ng pritong isda o karne.
The secret ingredient: Tokwa!
Kung hindi niyo pa nasubukan kumain ng adobong kangkong dahil mas nakasanayan niyo ang gumamit ng karne, ang adobong kangkong recipe na ito ay inihaw na liempo, chicken inasal o kaya naman pork barbecue, kung san bumabalanse ang lasa ng asim, alat at tamis ng ulam! Mapapakanin ka talaga sa sarap! Di namin kayo huhusgahan kung mag-extra rice kayo.
At higit sa lahat, bukod sa napakadali makahanap ng ingredients (mahahanap ang lahat ng ito sa pinaka malapit na grocery or even sa mga online marts kung hindi kayo nagagawing lumabas ng bahay dahil kayo ay tuluyang naka-quarantine mode), ang adobong kangkong recipe with tokwa na ito ay hindi magiging masakit sa bulsa.
Adobong Kangkong with Tokwa recipe
*Para sa apat na katao ang recipe na ito
Ingredients:
- 1 malaki or 2 maliit na firm tokwa squares
- Vegetable oil for frying
- 2 bunch kangkong
- 3 cloves bawang
- 1 sibuyas na pula
- 1/4 tasang sukang puti
- ⅛ tasang toyo
- ⅛ tasang tubig
- ¼ teaspoon pamintang durog
- 1 tsp asukal
How to cook adobong kangkong:
- Hugasang maigi ang kangkong. Ibabad ito sa isang bowl na may tubig. Matapos ay hiwain lang ito ng malalaki dahil liliit pa ito habang niluluto.
- Hiwain ang tokwa into squares at initin ang mantika sa isang shallow pan. Prituhin ang tokwa squares on medium high heat hanggang sa maging golden brown at medyo crispy. Tanggalin ang mantika na ginamit sa pagprito at isantabi ang tokwa.
- Gamitin ang kaparehong shallow pan na pinagprituhan ng tokwa para igisa ang chopped na bawang at sliced ang sibuyas gamit ang medium low heat.
- Isunod na ilagay ang kangkong at igisa hanggang ng 1 minuto.
- Matapos ang 1 minuto, ilagay ang suka, toyo and laurel leaves.
- Ihalo ang asukal. Ang paglagay ng tubig ay optional kung sakaling maging sobrang asim o alat ng naihalong sauce.
- Haluin ang pinritong tokwa sa adobong kangkong at patayin ang kalan. Haluin lang nang tuluyan hanggang sa ma-absorb ng tokwa ang adobo marinade
- Ilagay sa serving dish at ihain.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!