- Sangkap sa pagluluto ng Afritadang baboy
- Paraan ng pagluluto ng Afritadang baboy
- Recipe ng Afritadang baboy
Afritadang baboy, ulam na malinamnam
Nasubukan niyo na ba pumunta sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas at maki-fiesta? Simula pa lang sa paggising umaga ay makakakita na tayo ng mga taong parada sa kalye at nakasuot ng magagarbong damit, pagsasayaw at pagkanta, at pagpapasalamat sa mga biyayang natanggap sa paraan ng pagbukas ng pinto sa mga bisita upang maghain ng masasarap na lutong bahay.
Marahil madami din sa ating mga Pilipino ang siguradong naaalala ang mga panahon kung saan maaari tayong lumabas ng walang suot na face masks at shield at gawin ang mga bagay na ito, ang dumalaw nang walang pag-aalinlangan sa ating mga kamag-anak, kung saan madalas nakahain ang iba’t ibang klaseng putahe na patok na patok sa mga bisita.
Ilang halimbawa na lang ng mga putahe ito ay ang kaldereta, menudo, at afritada na madalas hinahain dahil napakadali nito lutuin at ikagigiliwan ng mga bisita. At madalas umuuwi tayong busog at may pabaon pa!
Hindi man naging madalas ang pagkakataon makapagbonding dahil sa pandemic na nararanasan pa rin natin hanggang ngayon, mas minabuti nating mag-ingat ang buong pamilya. Ngunit huwag niyo itong gawing hadlang para gawing fiesta mode pa rin ang meal time sa loob ng inyong munting tahanan with some classic afritadang baboy!
Tulad na lang ng afritada manok recipe natin nung nakaraan, halos magkapareho lang ang paghanda ng mga ingredients at paraan ng pagluto ang afritadang baboy maliban sa ibang sangkap. At kung gusto niyo mas lalo maging fiesta mode at kid-friendly ang inyong afritada, huwag niyo kalimutan lagyan ng carrots, bell peppers at sliced hotdogs.
Bata man o matanda, sure na magiging hit ito sa hapagkainan kasabay ang bagong sinaing! Subukan niyo ang recipe na ito at namnamin ang sarap ng afritadang baboy!
BASAHIN:
Inihaw na tilapia: Sangkap at recipe
Chopsuey Recipe: Ang healthy all-veggie ulam ng pamilyang Pilipino
Crispy Pata Recipe: Ang crunchy crispy pork knuckle na love ng mga Pinoy!
Afritadang baboy recipe
*Para sa apat na katao ang recipe na ito
Mga sangkap sa afritadang baboy:
- 1/2 kilo pork kasim
- 1 medium na patatas
- 1 bell pepper (maaaring gumamit ng green or red)
- ½ tasang green peas, drained
- 1 medium na carrot
- 2 pieces hotdog
- Vegetable oil for frying (optional ito, pwede pa ring gumamit ng iba pang mantika)
- 1 sibuyas
- 3 cloves bawang
- 2 laurel leaves
- 3 tasang tubig
- 1 200ml pack tomato sauce
- Patis
- Asin at paminta
- Asukal
Paghahanda sa mga sangkap:
- Linisin ang pork kasim at hiwain ito in serving pieces.
- Hiwain ang carrot, patatas at bell peppers.
- Katulad ng carrtos, hiwain din ang bawang, sibuyas na panggisa.
- Hiwain ang hotdogs sa maliliit na piraso.
- Ihanda na ang mga natitirang ingredients bago magsimulang lutuin ang afridatang baboy.
Proseso ng pagluluto ng afritadang baboy:
- Mag-init ng vegetable oil o mantikang inyong napili sa isang kaldero at ilagay ang patatas at carrots. Timplahin ng isang pinch ng asin at papulahin ito. Kapag pumula na ito. Hanguhin at itabi muna.
- Sangkutsahin ang pork kasim ngunit hindi maluto ng husto. Itabi ang sinangkutsang baboy at ang soy sauce marinade.
- Gamit ang parehong kaldero, lagyan ito ng konting vegetable oil o manitkang inyong napili. Igisa ang sibuyas, bawang at laurel mga mga 1 minuto.
- Ibalik sa kaldero ang hinawang mga hotdog at sinangkutsang baboy. Gisahin ito sa kaldero.
- Dahan-dahang ibuhos at tubig, pork cube at tomato sauce. Takpan ang kaldero at i-simmer ito on low heat ng mga 30 hanggang 40 minuto. Bantayan at haluin ito ng mga ilang beses upang maiwasang itong dumikit sa kaldero.
- Pagkatapos nito, ilagay na ang nalutong patatas, carrots, bell pepper at green peas at ituloy ang pag simmer ng mga 15 minuto.
- Ilagay ang gata Lagyan ng patis at asukal upang timplahin ang sarsa depende sa inyong panlasa.
- Ilagay sa serving dish at ihain.
Kaya ano pang hinihintay, subukan na ang easy to cook Afritadang baboy na ito. Paniguradong ma-eenjoy ng buong pamilya!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!