Bilang magulang, kinakailangan nating mahalin ng buo ang ating mga anak. Pero minsan, talaga namang sinusubok ang pasensya natin ng kanilang makulit na pag-uugali. Katulad na lamang ng isang nanay at ang kaniyang agresibong bata na anak. Humihingi na siya ng tulong at payo sa kapwa niya nanay dahil sa pagiging masirain sa gamit ng kaniyang 4-year-old na anak.
Mababasa sa artikulong ito:
- Kwento ng isang ina na may agresibong anak
- Payo ng ibang magulang
Ayon sa post ng nanay sa isang public platform, alam niyang hindi na tipikal na bata ang kaniyang anak lalo na sa edad nito. Dumating na siya sa punto kung “normal” pa ba ang ikinikilos ng kaniyang anak.
Agresibong bata | Image from iStock
Agresibong bata: “She is a diabolical and destructive maniac.”
Bago pa maging komplikado ang usapan, ayon sa user na si mynameisearnestine, 90% sigurado siya na ang kabataan ng kaniyang anak ay masaya at puno ng excitement. Minsan ay demanding ito at lumalagpas sa kaniyang boundary pero ang anak niya naman ay mapaglaro, madaldal at masiyahin.
“Almost as if one day she could be a full-fledged rational adult,” panimula ng nanay ayon sa kwento nito tungkol sa apat na taong gulang na anak.
Bukod pa rito, ibinahagi rin ng nanay na ang 5% ng kaniyang oras ay nakakainis ang kaniyang anak. Hindi niya maitatanggi na sakit ito sa ulo at palaging pasaway. Inaakala ng nanay na ang ugali na ito ay tipikal lang sa mga batang nasa edad niya.
BASAHIN:
5 mahahalagang bagay na natutunan ng anak na babae sa kaniyang ina
Ito ang dahilan kung bakit sinasaktan ng anak mo ang kapatid niya!
REAL STORIES: “Madaldal at matalino ng anak ko pero sobrang bossy niya! Anong gagawin ko?”
Isa sa rason kung bakit nag-aalala ang nanay na ito ay dahil ang natitirang 5% ay masyadong agresibo na ang kaniyang anak. Siya ang tipo na, “a diabolical and destructive maniac.” Dumadating na sa puntong nasasaktan na niya ang kaniyang kapatid.
Bukod pa rito, mahilig ding itago ng apat na taong gulang niyang anak ang mga gamit nito. Isama pa ang pagtakbo habang hinahampas ang mga bagay sa pader at “systematically dumping out all the toys in the playroom.”
“All the while just laughing, as if it is the funniest thing in the world. It’s the deliberateness of it all that partly freaks me out—it’s like she is (somewhat) in control of herself.” dagdag ng ina.
Agresibong bata | Image from iStock
“I also feel guilty about my parenting response to this.”
Kwento pa ng ina, may araw na hindi ito agresibong bata pero may araw din na magpapakita na naman ang kakaibang ugali nito. Dahil sa nararanasan, nais ng nanay na malaman kung hindi lang ba siya ang nakakaranas nito.
“I suppose I could have her evaluated, maybe for ADHD. But the behaviour[u]r is so off and on, that it doesn’t feel like something she is always struggling with.”
Oo, laging sinusubukan ng kaniyang anak ang pasensya nito. Ngunit biglang magulang, ibinahagi niyang nakakaramdam siya ng ng guilt para sa kaniyang anak. Hindi niya kailanman pinagbuhatan ng kamay ang kaniyang anak, maski na ang sigawan ito. May pakiramdam ang nanay na dahil sa pagiging “far from calm and collected” niya ay dito nabuo ang ugali ng kaniyang anak.
“And I definitely partially lose my cool. Sometimes when restraining her or carrying her I am been rougher than I should be. And a few times I have forcibly brushed her teeth when she refused to get ready for bed.”
Dagdag pa niya,
“And sometimes I fear that I am failing her. That I am giving her this sense that deep down she is unwanted. Because when she acts like this I really feel like I don’t want her. And that she will carry the scars of my rejection for the rest of her life.“
Dahil sa nararanasan, hindi niya maiwasang pagdudahan ang sariling kakayahan bilang magulang. Subalit naniniwala pa rin naman siya na malalampasan nila ang stage na ito.
Agresibong bata | Image from iStock
Payo ng ilang nanay
Para masagot at matulungan ang nanay, nagbigay ng kaniya-kaniyang payo ang kapwa nito magulang kung ang ugali na ito ay normal ba sa isang apat hanggang limang taong gulang. Narito ang kanilang sinabi.
1. “This story feels all too familiar.”
Ayon kay Reddit user Torgunde, may ibang bata talaga na susubukan ang iyong pagiging magulang. Ayon sa user, hindi siya nag-iisa sa ganitong pakiramdam.
2. “I think for me part of the terror is just having these moments where I feel like my entire parenting relationship is just called into question.“
May pagkakataon na nakakatakot kapag nalaman mong maaaring nakakaramdam ng pleasure ang iyong anak kapag nananakit o naninira sila ng gamit. Dagdag pa na “Like it makes me wonder if the rest of the time (the time where my daughter seems adjusted, where we are in a healthy relationship) is just an illusion.”
3. “Your reaction probably scares her and she wants to keep getting it so she can understand it better.”
Ayon naman kay reddit user clipclopdontstop, kung ginagawa lang nito ng kaniyang anak sa piling panahon, normal ito at hindi dapat ikabahala. Maaari rin na pinapag-aralan ng kaniyang 4-year-old na anak ang kanilang pasensya at kung hanggang saan it.
Isa pang user ang nagsabi ng kaniyang opinyon, “Kids also want to know that they are accepted no matter what they do, they test you so they can figure this out.”
“You need to set a clear limit and then say something like. ‘I love you always, no matter what you do or say.’ You are human and can’t react perfectly every time. But it’s worth trying to learn to regulate because that would likely improve her behaviour at lot,”
Magandang mga payo!
May karanasan ka rin ba katulad nito? Ibahagi ang iyong kuwento mula sa amin! I-click lamang ito.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Isinalin sa wikang Filipino ni Mach Marciano
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!