Nakabubuti ba ang strong personality ng bata na mahilig magkontrol ng mga bagay-bagay?
Mababasa sa artikulong ito:
- Kwento ng isang tatay na mayroong anak na mahilig kontrolin ang mga bagay
- Pag-alam sa ugali ng bossy na bata
- Parenting technique
Pansin mo bang may ugali ang iyong anak na hilig kontrolin ang lahat ng bagay? Naku! Parents, maaaring mahirapan ka kapag hindi ito inaksyunan agad. Magkakaroon ng pagkakataon na mahihirapan siyang kontrolin ang isang sitwasyon kasama na ang kaniyang emosyon.
BASAHIN:
6 parenting mistakes kung bakit lumalaking walang respeto ang isang bata
Uri ng disiplina sa batang umiiyak kapag natatalo sa isang bagay
#AskDok: Ano ang mga palatandaan na may behavioral problem na ang isang bata?
Katulad na lamang ng nangyari sa isang tatay na ito! Lakas loob niyang ibinahagi ang sariling karanasan sa internet at humingi ng payo sa kapwa niya magulang tungkol sa anak niyang gustong kontrolin ang lahat ng bagay!
Isang tatay na may limang taong gulang ang nag-post sa Reddit at humihingi ng payo sa ibang magulang. Kwento niya na sobrang daldal ng kaniyang anak at mahilig magtanong. Dagdag pa niya na ang kaniyang anak ay “little bossy at school by telling his classmates don’t do this and don’t do that.”
Dahil sa ganitong ugali, wala nang gustong makipaglaro sa kaniya na classmate nito. Labis ang pag-aalala ng tatay kaya naman humingi na ito ng payo sa ibang magulang.
“Sobrang daldal at talino ng anak ko pero bossy siya! Anong gagawin ko?”
Ayon pa sa naturang post, ang mga bata sa ganitong edad ay padalos-dalos at alam na ng kaniyang anak ang mga katanggap-tanggap sa lipunan. Ngunit sa kabilang banda, nag-aalala ang kaniyang asawa na kapag patuloy na iniiwasan siya ng kaniyang mga kalaro, baka ito ay magkaroon ng negatibong epekto sa kanilang anak.
“My son is academically very advanced and intelligent. Intelligent kids tend to be more bossy!”
Marami namang magulang ang nagbigay ng komento at payo sa tanong ng tatay kung paano kontrolin ang kanilang anak. May ibang nagsabi na hayaan lang ang anak nilang tumayo sa sariling mga paa. Habang ang payo naman ng iba na kausapin ng masinsinan ang kanilang anak at ipaintindi ang sitwasyon.
Strong personality ng bata | Screengrab from Reddit
1. Hayaang harapin mag-isa ang sitwasyon
Ayon sa isang user na si roselle3316, “Honestly, I’d let him ride out this situation mostly on his own. It’ll help him grow as a person and navigate his social skills.
If it leads to him bullying others (unknowingly) or others bullying him, then that’s grounds for you needing to become involved.
Right now, it just sounds like a young boy trying to find his place in the social structure that exists in school classes, even this young. His “group” so to speak.”
Dagdag pa niya na, “If you do want to talk with him just to appease your wife (and it might not be a bad idea), maybe have a private conversation with him about how these things make him feel when nobody wants to play with him and brainstorm ways (let him lead) about how to approach kids.
Things they can talk about (maybe he is really into monster trucks or dinosaurs or barbies) and become friends. This would keep you in the loop by keeping that communication open. Also, it’s much less invasive than going directly to the school.”
2. Sabihin sa kaniya na ‘Hindi’
Ayon naman sa user na si Goatf*****rxtreme, “A lot of times either kids don’t get to do this with adults or adults accommodate what they want. He needs practice playing with somebody who is going to tell him no and not just do what he wants.”
Dagdag naman ng user na si AbjectEra, madaldal at maligalig din ang kaniyang mga anak. Minsan kapag sobra na, sinasabihan niya itong tumahimik o magpahinga sa pagsasalita. “My thinking—I can tell them nicely. Kids won’t be so kind as they get older,”
Strong personality ng bata | Screengrab from Reddit
Strong personality ng bata: Parenting technique
Ang bawat komento ay nagtataglay kaniya-kaniyang opinyon. Subalit ang tanong, kailan nga ba ang tamang panahon para makialam na ang mga magulang?
Pag-alam sa ugali ng bossy na bata
Kung hindi mababago ang ganitong ugali ng isang bata, maaaring kapag tumagal, ito na ang kanilang maging “default habit”. Kaya naman parents, kailangan mong magbaon ng tripleng pasensya at pag-iingat sa pagkontrol sa iyong anak.
Ang unang dapat gawin ay alamin ang ugali ng iyong anak, kung siya ba ay madaldal lang o talagang bossy.
- Ang iyong anak ay may “dominant at controlling personality”
- Ayaw niyang sinasabihan siya ng dapat niyang gawin
- May posibilidad na inisin o manghamak siya ng iba ng pisikal
- Lagi siyang sinasabihan ng “masama”,”makulit” at “bossy”
- Humihindi siya sa lahat ng bagay
- Ayaw magpalit o maghubad ng damit kapag sinasabihan mo
- Sinisigawan ka niya at sinasabihan ng “Hindi ‘yan ang tama!”
Kung napansin mong may ganitong ugali ang iyong anak, ‘wag itong hayaan na tumagal pa. Sa halip, gumawa na ng aksyon. Gayunpaman, hindi ito madali gaya ng iniisip mo. Kaya naman naglista kami ng ilang paraan na makakatulong sa ‘yo:
1. Maging matigas pero mabait
‘Wag maging harsh sa iyong anak. Subukang ipaintindi sa kanila na hindi tama ang kanilang ginagawa. Oo, importante ang maging mahigpit pero tandaan na maging mabait din.
Hindi mo kailangang sumigaw. Sa halip, umupo ng kalmado at ipaliwanag ang mali sa aksyon na ipinapakita ng iyong anak.
2. Maging consistent
Kailangang maging consistent ng mga magulang kung gusto nilang kontrolin ang bahay. Kung ngayon ay nakita mong nagpapakita na naman ng hindi katanggap-tanggap na ugali ang iyong anak. Dapat ay kinabukasan ay hindi mo na ito papalagpasin. Maging ehemplo sa iyong anak.
Strong personality ng bata | Image from Shutterstock
3. Palakasin ang kanilang loob
Kailangan ng iyong anak ng pampasigla o mga salitang nagsasabi na kaya nila ang isang bagay. Nagbibigay ito sa kanila ng self-confidence na makakatulong sa kanilang pagkatao.
4. Gumamit ng positibong mga salita
Mag-focus sa kayang gawin ng iyong anak sa halip na hindi kaya nilang gawin. Imbes na sabihin na, “Wala munang manonood ng TV hangga’t hindi mo nililinis ang kwarto mo.” Sabihin ang, “Pwede kang manood ng TV pagkatapos mong gawin ang homework mo.”
5. Purihin sila
Purihin ang iyong anak sa pagiging mabait. Sabihin sa kanila na, “Salamat sa pagtulong sa ‘kin na maghugas.” o “Ang galing mo ngayon. Keep it up.” Ang pagiging positibo ay nakakatulong sa pag-motivate sa mga bata.
6. Bigyan ng reward sa pagiging mabuti
Maaaring gumawa ng sticker chart na nagpapakita ng isang ugali. Gawin itong tracker sa buong linggo. Maaaring ito ay simpleng paraan sa pagiging mabuti. Makakatulong ito para ma-motivate ang iyong anak sa pagiging “mabait na bata”.
7. I-motivate ang iyong anak na gumawa ng mga gawaing bahay
Kailangan talaga ng iyong anak ng paminsan-minsang pag-udyok sa kanila na gawin ang isang bagay. “Hindi ko magagawa ang task na ito kung hindi dahil sa tulong mo.” I-motivate sila sa mga bagay na magaling o hilig nilang gawin.
Kung nais nilang tulungan kang magluto o linisin ang garden, hayaan lang sila.
8. Kontrolin ang iyong galit
Kung may anak kang mahilig kontrolin ang mga bagay, hindi mo sila matutulungang kontrolin ang sarili kung hindi mo rin ito kayang gawin sa ‘yo. Importanteng kaya mong kontrolin ang sariling emosyon at ‘wag maging sarcastic sa iyong tono. Maging positibo na makakatulong sa paglaki ng iyong anak.
Ang kombinasyon ng mga paraang ito ay makakatulong sa iyong anak. Hayaan mo rin silang subukan ang mga bagong bagay na walang gabay mo. Ngunit ang mahalaga, ‘wag silang bigyan ng entitlement at panatilihin ang pagiging humble.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Isinalin sa wikang Filipino ni Mach Marciano
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!