Bago matapos ang taon, masayang ipinakilala ng singer-songwriter na si Aicelle Santos si baby Zandrine—ang kanilang first baby ni Mark Zambrano.
Sa Instagram post ng mang-aawit, ipinakita nito ang unang litrato ni baby Zandrine. Ibinahagi rin niya ang struggle na naranasan sa panganganak.
“Hello everyone! Just droppin’ by to say i came out of mommy’s tummy yesterday morning! I cried really loud, slept the whole day, had some of mommy’s milk and was up all night until 7am today! Fantastic!”
Hindi naman nito nakalimutang magpasalamat sa mga doktor at hospital staff na nag-asikaso sa kaniyang panganganak. “Our family is grateful for everyone’s well wishes. Lastly, we Praise and give thanks to our Lord Jesus Christ for a miracle that is me, ZANDRINE! Thank you Papa God! We love you. Love and blessings to all!”
Aicelle Santos and Mark Zambrano
Noong nakaraang taon lamang, buwan ng November, ikinasal sa El Jardin de Zaida sa bayan ng San Juan, Batangas ang celebrity couple na sina Aicelle Santos at Mark Zambrano. Ang kasalang ito ay intimate at hindi pa rin tukoy ang mga dumalo sa seremonya.
Sa post ng GMA News showbiz reporter na si Cata Tibayan, dito nalaman ng publiko na ikinasal na ang dalawa. “Such a lovely couple! Congratulations Mr and Mrs Zambrano,” pagbati ng reporter sa bagong kasal.
Matatandaang nagbigay ng sweet message si Aicelle sa asawa nito bilang pagdiwang ng Father’s day. Sa Instagram post nito noong June 21, makikita na abala si Mark sa pag-aayos ng kaniyang fish pond. Ang nasabing post ay may caption na,
“Ganyan po siya! Gabi-gabi niyang inaayos ang mga lotus sa pond niya, with gentle love and care! And you show this kind of love and more to us your baby esp when we have food cravings or when mommy gets really bad nausea. Mahal ko, i know you’ll be a great Father. Your heart says it all.❤ Ngayon pa lang babatiin na kita, and i know kinikilig ka whenever you hear this, Happy Father’s Day Daddy @markzambrano!”
–Aicelle Santos (@aicellesantos)
Hilig na ni Mark ang pag-aayos ng kaniyang pond gabi-gabi. Ngunit hindi pa rin nalilimutan ang daddy responsibility nito sa kanilang magiging first baby ni Aicelle.
Kilala bilang tanyag na singer at theater actress si Aicelle Santos. Unang nakilala ang singer-songwriter na si Aicelle nang ito ay sumali sa ginanap na contest ng ABS-CBN na Star in a Million Season 1 noong 2003.
Habang ang asawa naman nito na si Mark Zambrano ay kilalang journalist at TV host.
5 early signs ng pregnancy
1. Labis na pagkapagod
Maraming mga babae ang nag-aakalang buntis sila kapag lagi silang nakakatulog kapag 3 PM ng hapon. Kung ikaw ay puyat sa gabi, maaaring ito ang dahilan. Subalit kung ikaw naman ay may sapat na pahinga at dinadalaw ka na ng antok bago ang dinner time, maaaring ikaw nga ay buntis.
Payo ng NSW Health, ugaliing matulog ng mga buntis nang nakatagilid para maiwasan ang stillbirth dahil maraming ebidensya na “sleep position can halve the risk of a late-pregnancy stillbirth.”
2. Mood swings
Maraming babae ang nakakaranas ng mood swings sa unang mga araw ng kanilang pagbubuntis. Uulitin natin, ang pagbabago ng level ng hormones ng mga babae ang dahilan nito at natatagpuan na lang ang sarili na umiiyak sa pinapanood na basketball at nagagalit sa cooking show.
Ito ay isang sintomas ng buntis at masasabing normal. Ngunit kung ikaw ay nakakaranas na ng kakaiba, kailangan mo nang magpatingin sa eksperto.
3. Pagiging sensitibo ng nipples
Maraming babae ang nakakaranas ng pagiging sensitibo ang kanilang nipples dahil sa pagtaas ng kanilang hormones, estrogen at progesterone. Sa early pregnancy, ang suso ng babae ay nagsisimulang magkaroon ng extra fat at milk ducts dahilan para lumaki ito at nagiging sensitibo. Ang areolas ay nagiging maitim na nakikita sa unang linggo nito.
4. Cramps
Ito naman ay mahirap na sintomas. Maaari kasing ito ay pagkamalan na padating na ang iyong period. Ang ibang babae ay nakakaranas ng mahinang cramps sa unang week ng conception. Maaaring ito’y dahil sa implantation, paglaki ng uterus, o kaya naman sa corpus luteum cyst na naglalabas ng progesterone hanggang ang placenta ay umabot ng 12 weeks. Kung ikaw ay nag-aalala, ‘wag mahiyang magpatingin sa eksperto.
5. Pagkahilo
Parte rin ng morning sickness and pagkahilo at pananakit ng ulo. Ngunit kung ikaw ay hindi nakakaranas ng nausea pero pakiramdam mo ay gumagaan ang iyong ulo? Baka ikaw ay buntis na. Ito’y may kaugnayan sa pagtaas ng blood supply at pagbabago ng takbo ng circulatory system nila. Kasama na rito ang pagbaba ng blood sugar bilang early sign ng pregnancy.
Ang pagkain ng kaunti subalit madalas at pagsusuot ng komportableng damit ay isang magandang paraan para mabawasan ang pagkahilo. Kung nakakaramdam ka na ikaw ay mawawalan ng malay, humiga lang at humingi ng tulong medikal.
BASAHIN:
Coleen Garcia, ito ang ginamit para mawala agad ang rashes ni Baby Amari
Lara Quigaman’s advise to pregnant moms: Huwag kalimutan alagaan ang sarili
5 tips mula kay Andi Eigenmann kung paano magpalaki ng hindi materialistic na bata
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!