Aicelle Santos on being pregnant with second baby: “Napakadaming emosyon ng buntis habang nag-aalaga ng makulit na 2 year old!”

Panganay nila Aicelle at dating GMA News reporter na si Mark Zambrano magsisimula narin daw pumasok sa playschool.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aicelle Santos ibinahagi ang pakiramdam sa pagiging buntis sa kaniyang second baby habang nag-aalaga ng isang toddler. Ayon kay Aicelle, mahirap pero fulfilling ang experience na ito.

Mababasa dito ang sumusunod:

Pagbubuntis ni Aicelle Santos sa kaniyang second baby

Larawan mula sa Facebook account ni Aicelle Santos

Nitong Hunyo ay ibinahagi nina Aicelle Santos at GMA News former reporter Mark Zambrano na sila ay buntis sa kanilang second baby. Ito ay ginawa nila sa pamamagitan ng isang Instagram video na kung saan kasama nila ang kanilang panganay na si Zandrine na 2-years-old sa ngayon.

Sa video ay ibinahagi ng dalawa kung gaano sila ka-busy sa kani-kanilang career habang inaalagaan din ang kanilang panganay na si Zandrine. Ang pregnancy reveal ay ginawa nila sa dulo ng video kung saan pinakita ni Aicelle sa mga viewers ang kaniyang baby bump.

Samantala, sa latest IG post ni Aicelle ay ibinida niya ang lumalaki niyang tiyan. Kasabay nito ang nararamdaman niya sa ngayon habang nagbubuntis at nag-aalaga ng isang toddler.

Larawan mula sa Facebook account ni Aicelle Santos

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aicelle sa kaniyang pagbubuntis habang nag-aalaga ng isang toddler

 

Ayon kay Aicelle, nasa kalagitnaan na siya ng pagbubuntis. Habang ang anak niya namang si Zandrine ay magsisimula naring pumasok sa school. Mahirap man umanong magbuntis habang may inaalagaang toddler pero ayon kay Aicelle ay fulfilling naman at masaya siya sa buhay ng may pamilya lalo na sa pagiging ina.

“In my very Momma Era. ❤ Nagamit din ang "era" sa post! We are halfway through our pregnancy and i'm feeling all the movement of this little human inside. Si Ate Zandrine naman, about to start playschool!”

“Haaay... Napakadaming emosyon ng buntis habang nag-aalaga ng makulit na 2 year old! Matindi!! Gayun pa man, lubos na nagpapasalamat sa biyaya ng buhay at saya na hatid ng mga anak!”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang sabi pa ni Aicelle sa kaniyang Instagram post.

Larawan mula sa Facebook account ni Aicelle Santos

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement