X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Andre Yllana sa pagiging solo parent ni Aiko Melendez: “Never kang naging kulang... sobra-sobra ka pa.”

5 min read

Aiko Melendez may heart-to-heart talk sa panganay na anak na si Andre Yllana. Narito ang mga nakakaantig na discoveries nila sa isa’t-isa.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Paano pinalaki ni Aiko Melendez ang anak nila ni Jomari Yllana na si Andre.
  • Aiko Melendez and son Andre Yllana relationship.

Paano pinalaki ni Aiko ang anak nila ni Jomari na si Andre

Mag-24 anyos na ang anak nina Aiko Melendez at Jomari Yllana. Ito ay si Andre Yllana na lumaki sa poder ng kaniyang inang si Aiko. Sa isa sa mga vlog episode ng aktres ay nagkaroon sila ng madibdibang pag-uusap na mag-ina.

Kuwento ni Aiko, very proud siya sa anak niyang si Andre lalo pa ngayon na pumapasok narin ito sa pag-aartista. Dahil kung mayroon daw siyang itinuro sa anak, ito ay pagiging humble na nakikita niyang naisapuso talaga ng panganay niya.

“Maraming mga anak ng artista na kapag yung mga parents nila may narating na sa industriya feeling nila gate pass nila yun. Si Andre hindi ganun. Ang feedbacks ng mga directors, napaka-humble mo, napaka-down to earth mo. So nakakaproud bilang magulang na sabihin na yung anak mo walang ere.”

Ito ang pagkukuwento ni Aiko tungkol sa anak.

Pero kung may isang bagay nga daw na talagang pinagpapasalamat ni Aiko ay ang lumaking isang mabuting bata si Andre kahit na broken family sila. Natanong niya nga ang anak kung nagalit ba ito kahit minsan dahil sa kinahinatnan ng pamilya nila. Ito ang naging sagot ni Andre kay Aiko.

“Hindi. Nandun pa ako sa side na naawa ako dahil nakita ko talaga kung paano mo kami ginapang ni Mini. Kahit ikaw lang mag-isa ginawa mo talaga yung best mo para makuha namin yung mga needs namin. Minsan nga hindi needs gusto lang namin nabibigay mo pa.”

Dagdag pa ni Andre, never niyang naramdaman na kulang siya kahit mag-isa lang ang ina niyang si Aiko sa pagtataguyod sa kanila ng kapatid niyang si Marthena. Sa katunayan ay sobra-sobra pa daw ang nagawa nito sa pagpapalaki sa kanila.

“Never kang naging kulang as a parent, sobra-sobra ka pa dahil saan ka nakakita ng ganun, single parent tapos you raised us kung sino kami ngayon. Kaya I’m very proud of you.”

Ito ang sabi pa ni Andre.

aiko melendez with kids andre yllana and marthena jickain

Larawan mula sa Facebook account ni Aiko Melendez

Pag-amin pa ni Andre, noong bata pa siya ay nagagawa niyang magsinungaling sa kagustuhang magkabalikan ang kaniyang mga magulang. May mga pagkakataon na sasabihin niyang gumaganda daw ang ina at nami-miss ito ng tatay niyang si Jomari matapos silang magkita. Pero sa pagdaan ng panahon ay na-realize niya na malabo na talang magbalikan pa ang mga magulang niya.

“Noong lumalaki ako, ako na rin nakakita na talagang hindi magwo-work ‘to.  Kahit na magkabalikan sila, hindi magiging masaya ‘to. Dahil may kaniya-kaniyang issues sila.”

Ito ang kuwento pa ni Andrei.

Sa ngayon ay may konting gap daw sa relasyon nila ng ama niyang si Jomari Yllana. Pero magkaganoon man ay hindi naman daw siya galit dito.

“Kasi may mga bagay na it’s too late na. Siguro nasanay na rin ako na parang wala siya”, sabi ni Andre.

Si Aiko hiling lang na sana maging maayos na ang relasyon ng anak at ama nitong si Jomari.

“Sana manumbalik kung ano man ‘yong nasimulan ninyo. I’ll be the happiest. Kasi ang nanay walang ibang wini-wish o pinagpe-pray kundi ang kasiyahan at kaligayahan ng anak ko.”

Ito ang sabi ni Aiko.

Aiko Melendez and son Andre Yllana relationship

aiko melendez with andre yllana

Larawan mula sa Facebook account ni Aiko Melendez

Si Andre binalikan rin ang isang pagkakataon noong bata pa siya na kung saan nakita niyang sobrang down ang ina. Ito rin ang pagkakataon na kung saan tumatak sa kaniya ang kantang “Later” na hanggang ngayon ay may kurot pa rin sa puso niya.

“Alam kasi ng anak yun kapag malungkot yung nanay. Nag-play ‘yong kanta na yun, isa nalang nasabi ko sayo nun. Sabi ko, ‘Mom, it’s okay to not be okay.’”

Sa huli, si Andre may mensahe para sa ina na kumumpleto daw sa buhay niya.

“Sorry kung nagbigay ako ng sakit ng ulo sayo. Thank you kasi kahit galing ako ng broken family hindi ko kailanman naramdaman na incomplete ako. Dahil yung missing pieces na hinahanap ko, tumayo ka dun sa mga missing pieces na yun tapos binuo mo kung sino ako ngayon. Thank you dahil pinalaki mo ako.”

Ito ang mensahe ni Andre sa ina niyang si Aiko Melendez.

Dagdag pa ni Andre, dahil sa karanasan ng kanilang pamilya may isang bagay siyang natutunan at gagawin niya sa oras na magkaroon na siya ng sarili niyang pamilya.

“Gusto ko complete family, ayoko ng broken family. Growing up nakita ko yung hirap pag nag-lolong ka for a father. Siguro yung mindset ko talaga is to be the best father I could be.”

Ito ang sabi pa ni Andre.

Si Aiko may mensahe rin sa anak na nagsisimula na ngayon sa career niya sa pag-aartista.

“Tandaan mo ang nanay mo will always be your number one fan.”

Ito ang sabi naman ni Aiko sa anak.

Maliban kay Andre, si Aiko ay may isa pang anak na si Marthena. Ito ang naging anak nila ng dating karelasyon na si Martin Jickain.

aiko melendez with marthena jickain

Larawan mula sa Facebook account ni Aiko Melendez

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Andre Yllana sa pagiging solo parent ni Aiko Melendez: “Never kang naging kulang... sobra-sobra ka pa.”
Share:
  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.