TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Mag-asawa patay sa aksidente habang bina-byahe ang bangkay ng anak

2 min read
Mag-asawa patay sa aksidente habang bina-byahe ang bangkay ng anak

Isang aksidente sa motorsiklo ang bumawi sa buhay ng mag-asawa habang dala-dala sa byahe ang bangkay ng kanilang sanggol.

Malungkot na pangyayari ang sinapit ng mag-asawa sa Zamboanga del Norte. Namatayan na ng anak ay na aksidente pa sa sinasakyang motorsiklo na siya ring ikinasawi ng mga ito.

Aksidente sa motorsiklo: Mag-asawa pumanaw nang sumalpok sa truck

Trahedya ang nangyari sa mag-asawang sakay ng motorsiklo sa Zamboanga del Norte. Ayon sa report ng GMA News, aksidente sa motorsiklo ang ikinasawi ng mag-asawa. Sumalpok daw kasi ang sinasakyang motorsiklo ng mga ito sa pick-up truck habang binabaybay ang Leon B. Postigo.

aksidente sa motorsiklo

Image by freepik

Ang nakakalungkot pa sa istorya ng mag-asawa, ay dala-dala pala ng mga ito sa kanilang byahe ang bangkay ng kanilang anak na sanggol.

Ayon sa ulat, nasawi ang baby matapos na mabilaukan at bumyahe ang mag-asawa kasama ang labi ng anak pauwi sana sa kanilang bahay sa Sindangan.

aksidente sa motorsiklo

Image by rawpixel.com on Freepik

Ang trahedya ng pamilya

Sa ulat ng awtoridad, may dalawa pang kasama ang mag-asawa na sakay naman ng kasunod na motorsiklo.

Kwento ng mga ito, nasagi ng motor na minamaneho ng mister ang kasunod pang motorsiklo, kaya nawalan umano ito ng kontrol. Dahilan para mapunta sa kabilang lane ang mga ito at napasalpok sa kasalubong na pick-up truck. Malala ang injury ng dalawa dahil sa nangyari.

aksidente sa motorsiklo

Image by rawpixel.com on Freepik

Ngunit, tumalsik man mula sa pagkakabangga ay nanatili namang yakap-yakap ng ina ang walang buhay na katawan ng kaniyang anak.

Ligtas man sa nasabing aksidente sa motorsiklo ang dalawa pa nilang kasama, sa kasamaang palad ay nasawi ang mag-asawa.

Nagawa pa umanong itakbo sa ospital ang mga ito pero idineklara na ring dead on arrival.

Minabuti ng pamilya ng mga nasawi na huwag nang magsampa ng kaso. Ang tanging hiling na lamang ng mga ito ay matulungan sana sila sa mga gastusin sa burol at sa pagpapalibing sa mag-anak na kanilang kapamilya.

KAMI

Partner Stories
IKEA Philippines reduces prices on 430 products  starting March 1
IKEA Philippines reduces prices on 430 products starting March 1
Eden Melt Sarap has Melt-in-your-Mouth Goodness
Eden Melt Sarap has Melt-in-your-Mouth Goodness
Toddler Approved! Here’s what you can do with your babies in Singapore
Toddler Approved! Here’s what you can do with your babies in Singapore
Boost your child’s day with a morning dose of yummy whole grains from his favourite cereals
Boost your child’s day with a morning dose of yummy whole grains from his favourite cereals

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jobelle Macayan

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Balita
  • /
  • Mag-asawa patay sa aksidente habang bina-byahe ang bangkay ng anak
Share:
  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • 12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

    12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • 12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

    12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko