Seafood Aligue Fried Rice recipe at iba't ibang paraan ng paggamit ng Aligue

Alam niyo ba na ang Aligue ay gawang Pinoy? Ang aligue o mas alam ng nakararami na ‘taba ng talangka’ or ‘crab paste'. Lutuin na ang Aligue fried rice

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Alam niyo ba na ang aligue ay gawang Pinoy? Kilala rin ito sa tawag na ‘taba ng talangka’ or ‘crab paste’ ay isang fermented dish na ginisa sa bawang at oil at isa sa mga paboritong rekado tulad ng bagoong.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Sangkap sa Seafood Aligue Fried Rice
  • Paraan ng pagluluto sa Seafood Aligue Fried Rice

Madalas makita ito na bottled sa inyong mga suking palengke o supermarkets, at madami na ring online sellers na gumagawa ng kanilang artisanal versions ng Aligue. Galing ito siyempre sa crab o Talangka.

Larawan mula sa iStock

Kaya naman isa sa mga paboritong paraan ng paghain nito ay ang paglagay nito sa ibabaw ng mainit na kanin, o mas kilalang Aligue Fried rice. Samantala, puwedeng-puwede niyo rin gamitin ang inyong creativity para gamitin ang aligue sa iba’t ibang paraan.

Isa na rito ang paglagay ng Aligue sa cooked pasta upang makagawa ng Aligue pasta. Puwede niyo rin siya gamiting sauce sa pritong seafood (isda or calamares) sa paraan ng paghalo ng nito sa mayonnaise.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

But wait, there’s more! Maaari niyo ring gamitin ang ito for soups and stews na nangangailangan ng intense crab flavor. Isa sa mga pinaka-unique na nakita naming ang paghalo ng aligue kasama ang iba’t ibang keso para makagawa ng baked cheesy dip, na puwedeng puwede niyo gawing easy appetizer or grazing plate along with some crackers or vegetable sticks sa inyong susunod na lunch o dinner.

Ngunit sa pagkakataong ito, maaari niyong mas gawing special ang weekday or weekend kasama ang buong pamilya at magluto ng Seafood Aligue Fried rice! Napakadali lang nito gawin dahil ang lahat ng sangkap ay sabay-sabay niyo na lulutuin – siguradong time saving ang recipe na ito para mas may oras ka to para alagaan ang inyong sarili at ang mga kids!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa iStock

BASAHIN:

Halaan soup o tinolang halaan swak sa mga breastfeeding moms pati na rin sa buong pamilya

Sinigang na Bangus sa Bayabas: Healthy Sinigang Dish ng mga Kapampangan

Ginataang tilapia: A simple yet yummy ulam for the family

Seafood Aligue Fried Rice recipe

*Para sa 4 na katao ang recipe na ito

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga sangkap sa seafood aligue fried rice:

  • 5 cups cooked rice
  • 1 tbsp butter
  • 1 tablespoon olive oil
  • ¼ cup taba ng talangka
  • 4 cloves garlic, minced
  • 1 small onion, chopped
  • 1 tomato, chopped
  • 200g steamed tahong without shell
  • 100g fresh squid rings
  • 200g fresh shrimp
  • Lemon na hiniwa into wedges
  • Chopped parsley
  • Salt, pepper at paprika to taste

 

Proseso ng pagluto ng Aligue Fried Rice:

Larawan mula sa iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  1. Gamit ang wok o kaya kaldero over a medium heat, initin ang olive oil at butter at gisahin ang garlic and chopped onions.
  2. Ihalo ang steamed tahong, squid rings at shrimp at lutuin hanggang sa maging tender ngunit hindi overcooked, mga tatlo hanggang limang minuto.
  3. Ilagay ang taba ng talangka at ang cooked rice at haluin ito ng husto.
  4. Ilagay sa serving dish at idagdag ang lemon wedges sa side.
  5. Lagyan ng chopped parsley sa ibabaw ng inyong aligue fried rice at ihain. Enjoy!

Sinulat ni

Nines Licad