Karaniwang ang pagkakaron ng vaginal odor o ang kakaibang amoy ng vagina, pero marami sa mga kababaihan ay umiiwas na mapag-usapan ito. Kabado din ang iba na sintomas ito ng isang seryosong kondisyong medikal.
Mababasa sa artikulong ito:
- 9 na uri ng vaginal odor o amoy ng vagina at ang ibig sabihin nito tungkol sa iyong kalusugan
- Payo ng mga eksperto
Pero ayon sa mga doktor, walang dapat ikabahala, at hindi rin dapat ikahiya ang vaginal odor — maliban na lang kung may makikitang red flag.
Ayon sa American College of Obstreticians and Gyneacologists (ACOG), mayrong amoy na normal lang. Kung malakas ang amoy at sumisingaw kahit nakadamit, maaaring impeksiyon ang sanhi.
Halimbawa, ang malansang amoy ay maaaring abnormal at hudyat ng sakit. Kung ito ay may kasamang pangangati at vaginal discharge, kailangang ikunsulta agad sa doktor.
Ano nga ba ang mga vaginal odors o amoy ng vagina na dapat ikabahala? Pawis lang ba, o mayroon nang medical condition na dapat ikabahala?
Ayon sa mga eksperto ang amoy ng vagina na maituturing na normal ay ang sumusunod:
Talaan ng Nilalaman
Normal na amoy ng vagina
- Amoy ng vagina na bahagyang sour o tangy na dahil sa acidity ng pH level ng babae.
- Bahagyang matamis o bittersweet na dahil parin sa pH level ng babae.
- Amoy metal o lata na palatandaan na nalalapit na ang regla.
- Amoy ammonia na palatandaan na dehydrated ang isang babae.
- Mapanghi o mabahong aboy tulad ng body odor na palatandaan na stress ang isang babae.
Ang mga nabanggit na normal ng amoy ng vagina ay dahil sa mga activities o kinakain niya.
Samantala, ang mga hindi naman normal na amoy ng vagina ay ang sumusunod na palatandaan na rin na mas mabuting magpakonsulta sa doktor ang babaeng nakakaranas nito:
Abnormal na amoy ng vagina
- Malansang amoy ng ari o vagina.
- Mabahong amoy ng vagina.
Para mas maintindihan ang amoy ng vagina na hindi dapat at dapat ikabahala narito ang 9 na uri ng vaginal odor at ang mga ibig sabihin nila.
9 na uri ng vaginal odor at ang ibig sabihin nito tungkol sa iyong kalusugan
1. Musky
Ang amoy ng vagina o ari ay depende sa pisikal na gawain ng isang babae. May mga aktibo sa sports at sa gym, kaya madaling mag-amoy pawis.
Bagama’t normal ito, hindi ito kaaya-aya kaya’t parang gusto mong takpan ng amoy ng pabango, halimbawa. Hindi makakatulong ang anumang spray, pabango, deodorant, cologne o douche, bagkus makakasama pa ito.
Ito ay sanhi ng labis na pagpapawis. Makakatulong ang paliligo pagkatapos ng anumang gawain na pinapawisan ka tulad ng ehersisyo. Magsuot ng mga komportableng damit, lalo na ang cotton underpants.
2. Malansang parang isda
Ang malansang amoy ng ari o vagina ay palatandaan ng impeksiyon. Ilan sa kondisyon na maaring dahilang malansang amoy sa ari ng babae ay ang sumusunod:
Bacterial vaginosis
Palaging maghugas ng ari pagkatapos ng pakikipagtalik, kung napapansin na may masansang na amoy na ito. Dapat ding ikabahala kung may dumadaming discharge na kulay gray o grayish white. Ito ang sintomas ng bacterial vaginosis.
Ito ay isang mild infection ng vagina kung saan hindi balanse ang masama at mabuting bacteria. Nagagamot ito ng antibiotics, at kailangang iwasan ang ilang gawain tulad ng pagkakaron ng higit sa isang sexual partner at paninigarilyo.
Trichomoniasis
Kung may napapansing berdeng vaginal discharge, maaaring ito ay trichomoniasis. Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ito ay isang impeksiyon na may protozoan parasite na tinatawag na Trichomonas vaginalis.
Bagama’t ang mga sintomas ng sakit ay iba iba sa bawat tao, karamihan sa mga naapektuhan ng parasite na ito ay hindi alam na may impeksiyon sila.
May gamot para dito, kaya’t dapat ikunsulta sa doktor bago pa lumala. Maaaring magreseta ng antibiotic para dito.
Vaginitis
Isa rin sa dahilan ng malansang amoy sa ari ng babae ay ang vaginitis. Madalas itong nararanasan ng mga buntis. Ito ay dahil sa kondisyon sa imbalance sa vaginal bacterial levels niya.
Maliban sa malansang amoy lalo na matapos makipagtalik, ang vaginitis ay sinasabayan rin ng iba pang sintomas tulad ng pagkakaroon ng manipis na kulay white o gray na discharge.
Paalala: Mas mabuting magpatingin agad sa doktor sa oras na may sintomas sa ari na nakakabahala. Ito ay para makasigurado para sa kaligtasan ng pagdadalang-tao.
Ang iba pang maaring dahilan ng hindi kaaya-aya o malansang amoy sa vagina ay ang sumusunod:
- Rectovaginal fistula – isang kondisyon na kung saan nagleleak sa vagina ang dumi mula sa rectum. Ito ay nagdudulot ng masamang amoy sa vagina.
- Vaginal cancer – Ang vaginal cancer ay nagdudulot rin ng malansang amoy sa vagina na sasabayan ng heavy o malakas na discharge.
- Cervical cancer – Tulad ng vaginal cancer, ang cervical cancer ay nagdudulot rin ng malansang amoy ng vagina na sasabayan din ng malakas na discharge.
- Hindi agad na pagpapalit ng napkin o tampons sa tuwing may regla – Kung may regla at hindi nakapagpalit ng napkin o tampons sa tamang oras, ito ay magdudulot rin ng malansa at mabahong amoy sa vagina.
3. Bleach o chlorine
Ang paggamit ng condoms o lubricant ay maaaring maging sanhi ng amoy sa ari ng babae—amoy na parang bleach o chlorine. Walang dapat ikabahala, ayon sa mga doktor. Siguraduhing bago ang mga condom at lubricant na gagamitin sa susunod.
Tandaan, huwag piliting linisin ng douche o anumang solution ang loob ng ari, nang hindi kinukunsulta sa doktor. Ang amoy ay hindi nanggagaling sa loob ng ari. Lalong hindi ito sintomas ng anumang medical condition.
Hugasan ng maligamgam na tubig at mild soap ang ari sa tuwing pagkatapos makipagtalik, lalo kung gumagamit ng condom o lubricant. Kung hindi maalis ang amoy, ikunsulta agad sa doktor.
4. Amoy yeast o amag
Tila ba amoy yeast o ng amag ang iyong vagina?
Tandaan na natural na may yeast o amag ang ari. Pero kung dumadami kaysa normal na bilang dahil sa artificial lubrication, spermicide o paggamit ng antibiotics, o minsan pa ay dahil sa pagbubuntis, maaaring maging sanhi ito ng yeast infection.
Ayon sa ACOG, ang yeast infection ay sanhi ng sobrang pagdami ng yeast sa ari ng babae dahil sa paggamit ng lubricants, spermicides, o antibiotics (nasisira ng mga ito ang “good” bacteria ng vagina), o pagbubuntis.
Kapag may ganitong kondisyon, may makapal na discharge o lumalabas sa ari na kulay puti at parang cottage cheese. Pangangati ng ari at mahapding vulva ang karaniwang nararamdaman kapag may yeast infection.
Ang pinakaepektibong solusyon ay isang anti-yeast na gamot na maaaring ireseta ng doktor. Inilalagay ang gamot sa loob ng ari, o kaya binibigay na parang tableta. Kapag napansin nang kakaiba ang lumalabas sa ari, ikunsulta agad sa doktor.
5. Metallic
Kung may amoy na parang metal o lata ang ari, maaaring hudyat ito na magkakaron na ng buwanang dalaw. Madalas kasi, ang menstrual blood ay humahalo sa natural na amoy ng healthy vagina, kaya’t nangangamoy na parang lata o metal.
Maaari ding dahil din ito sa semen ng lalaki na pumapasok sa ari kapag nagtatalik.
Alin man sa dalawa ang dahilan, nagiging sanhi ito ng pagbabago sa pH balance ng ari. Hugasan lang ang ari nang mabuti, at mawawala din ang amoy. Ang ganitong amoy ay hindi dapat ikabahala.
6. Matamis
Kakaiba o minsan bihara na ang amoy ng vagina ay matamis. Subalit sa lahat ng mga amoy ng ari, ito ang hindi ikinababahala ng marami.
Matamis nga naman, kaya walang masama hindi ba? Ang kinakain sa araw araw ang maaaring sanhi ng amoy na ito.
Kapag kumakain ng prutas na citrus tulad ng pinya, orange, at grapefruit, napapatamis ang amoy at lasa ng vaginal fluids. Kung hindi masaya sa amoy na ito, itigil lang ang labis na pagkain ng mga nabanggit.
7. Bawang o sibuyas
Katulad ng amoy na nakukuha sa citrus fruits, may amoy na nakukuha din sa gulay tulad ng sibuyas, bawang, asparagus, at curry, halimbawa.
Hindi ito kasing kaaya-aya ng amoy ng prutas, kaya’t nakababahala. Ang magandang balita? Hindi ito sintomas ng anumang kondisyon.
Tulad ng sa prutas, kailangan lang bawasan ang pagkain ng mga nasabing gulay.
8. Kemikal o ammonia
Ang ihi natin ay may ammonia. Mas nagiging prominente ito kung hindi umiinom ng sapat na tubig sa buong maghapon o kung hindi hinuhugasan ang ari ng mabuti.
Dumadagdag ang konsentrasyon ng ammonia sa katawan, kaya naman may naiiwang amoy kapag umiihi. Ang isa pang maaaring sanhi ay bacterial vaginosis (BV).
Tulad ng nabanggit, ang BV ay sanhi ng hindi balansend masama at mabuting bacteria. Bukod sa malansang amoy, may amoy ammonia din.
Para matanggal ang amoy, uminom ng hindi bababa sa 10 baso ng tubig sa araw araw, at hugasan ng mabuti ang ari tuwing pagkatapos umihi.
9. Nabubulok na karne
Kapag naiiwan nang matagal ang mga feminine hygiene products sa ari, nangangamoy din ito. Ganoon din kapag hindi napapalitan ang sanitary napkin o tampons ng higit sa dapat na oras kapag may regla, nag-iiwan ito ng masangsang na amoy.
Isa na rin sa dahilan ay kapag nababad ang tampon o napkin sa ari, may namumuong mga bad bacteria. Kapag hindi natanggal agad ang tampon, maaaring magkaroon ng toxic shock syndrome.
Ganito din ang mangyayari kapag gumagamit ng mga sex toys na ipinapasok sa ari. Siguraduhing walang naiiwan sa loob ng ari pagkatapos gamitin ang mga ito.
May mga insidenteng nangyari kung saan nakaamoy ang isang babaing bagong panganak ng mabahong amoy, na parang nabubulok na karne sa loob ng ari. Pinatingin ito agad sa doktor, at nalamang may naiwan na gauze bandage sa loob, mula sa panganganak nito.
Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng mabahong amoy sa vagina?
Para maiwasan ang mabahong amoy sa vagina, narito ang mga hakbang na dapat laging gawin:
- I-praktis ang good hygiene sa pamamagitan ng regular na paliligo o paghuhugas at gumamit lang mild na genital wash tulad ng Mama’s Choice Refreshing Feminine Wash para sa iyong vagina.
- Gumamit lang ng light at breathable na damit lalo na ng mga undergarments. Ito ay upang maiwasan ang labis na pagkakulob at pagpapawis.
- Ugaliin ang laging pag-inom ng tubig para manatiling hydrated at maiwasan ang mabahong amoy sa iyong ari.
- Protektahan ang iyong vagina sa tuwing nakikipagtalik laban sa mga impeksyon o STD. Gumamit ng condoms na siguraduhing bago at hindi pa expired. Ganoon rin ang lubricant na mas mainam ang mga unscented at unflavored para maiwasan ang vaginal irritation.
Isinalin sa wikang Filipino ni Anna Santos Villar orihinal na artikulo
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.