6 na pagkain na hindi dapat ibigay sa baby, ayon sa mga eksperto

Pagdating sa nutrisyon ng iyong anak, mahalaga na dapat laging maging maingat. Kaya siguraduhin na iwasang bigyan ang iyong anak ng kahit ano sa 6 na uri ng mga pagkaing ito!

Ang pagkain ay isa sa mga pinakamalaking bagay na maaaring makaapekto sa kalusugan ng isang tao – kaya kailangan nating maging maingat at alamin kung ano ang mga pumapasok sa ating mga katawan, lalo na sa katawan ng ating mga anak.

Upang lumaking malusog, kailangang pakainin ng mga magulang ang kanilang mga sanggol ng mga tamang uwi ng pagkain na makapagbibigay sa kanila ng sustansiya na kailangan ng kanilang mga katawan.

Ngunit, maaaring hindi alam ng ilang magulang ang mga dapat at hindi dapat ibigay sa kanilang mga anak.

Huwag mag-alala mommies at daddies! Narito ang listahan ng mga pagkain na inirerekomenda ng mga eksperto na HINDI DAPAT IBIGAY sa iyong sanggol:

1. Hilaw na Pagkain

Ang ilan sa atin ay maaaring mas gusto kumain ng pagkain na hilaw tulad ng sushi. Ngunit, masarap man ang mga ito, hindi maganda na bigyan mo ang iyong sanggol ng kahit anong pagkain na hilaw, lalo na ang mga may naglalamang itlog at manok.

Siguraduhin na ang karne na kinakain ng iyong anak ay luto dahil ang pagkain ng hilaw na karne ay maaaring maging sanhi ng maraming sakit, at maaaring bigyan ang iyong mga anak ng salmonella na siyang isang nakamamatay na sakit.

2. Pagkain na may Maraming Asin

Sa unang taon ng iyong anak, dapat mas mababa pa sa isang gram bawat araw ang nakakain niyang asinna siyang sapat na para sa kaniyang araw-araw na pangangailangan. Para sa mga batang 1-3 taong gulang, 2 grams o mas mababa pa rito ang kanilang kailangan pagdating sa pagkain ng asin.

Ito ay dahil ang kanilang mga kidneys ay hindi pa handa sa sodium, kaya ang pagbibigay sa kanila ng maaalat na pagkain ay maaaring makahamak sa kanilang mga bato.

Siguraduhin na suriin ang asin na nilalaman ng mga pagkain kapag ikaw ay namimili para sa iyong sanggol, at sa tuwing nagluluto ka ng kanilang pagkain ay panatilihing kaunti lamang ang ilalagay na asin.

3. Maasukal na Pagkain

Ang matatamis na pagkain ay higit na ipinagbabawal sa mga sanggol at bata. Ang masyadong maraming asukal para sa mga bata’t sanggol ay pinaniniwalaang nagdudulot ng cardiovascular disease, at saka mga problema sa timbang kapag sila’y tumanda.

Kaya ang dahilan kung bakit, pagdating sa matatamis na pagkain, mas mabuting iwasang bigyan ang iyong mga anak hangga’t hindi pa sila mas matanda sa 2 taong gulang. Imbis na kendi, o matatamis na inumin, puwede mo silang bigyan ng fruit juice, o fresh fruit.

4. Honey

Nakakalusog man ang pagkain ng honey, mas maganda kung iwasan mo munang ibigay ito sa iyong sanggol dahil maaaring naglalaman ito ng bacteria spores galing sa Clostridium botulinum, na maaaring manatili sa tiyan ng iyong anak at maging sanhi ng infant botulism na isang nakamamatay na sakit,

Pagdating sa pagkain ng honey ,mas mabuti na maghintay hanggang ang iyong anak ay mas matanda sa isang taong gulang, upang matiyak na ang kanilang immune system at ang kanilang tiyan ay kakayanin na ang iba’t ibang uri ng bacterial infections.

5. Gatas ng Baka

Ayon sa American Academy of Pediatrics, sa unang taon ng mga sanggol, ang mga uri ng gatas na dapat nilang iniinom ay breastmilk at baby formula lamang. Ang rason kung bakit ang gatas ng baka ay hindi dapat ibigay sa isang sanggol ay dahil ito ay kulang sa sustansiya na kailangan ng katawan ng isang lumalaking sanggol.

Para sa mga mas matandang bata,  mas makakabuti na bigyan sila ng whole milk imbis na reduced fat milk dahil kailangan ng mga katawan nila ng maraming sustansya habang nalaki.

6. Mga Pagkain na maaaring maging Choking Hazard

Iwasang bigyan ang iyong anak ng kahit anong uri ng pagkain na maaaring mabulunan ng mga bata. Kabilang dito and mga maliliit na kendi, popcorn, chewing gum, tiny slices of raw veggies, hard candies, at sticky peanut butter.

Dapat mo ring iwasan na bigyan ang iyong mga anak ng pagkain na mas maliit sa half an inch dahil maaaring lunukin nila at at maging sanhi ng pag-choke.

Importante na laging bantayan ang iyong anak, lalo na kapag sila ay nakain, para tiyak na maiwasan ang choking incidents.

 

Inedit at isinalin mula sa orihinal na Ingles ni Nikki Camarce.

BASAHIN: 5 na pagkain na pumipigil sa pagtangkad ng iyong anak