Marami ang napapa-sana all sa masaya at kontentong buhay ni Andi Eigenmann sa ngayon. Alamin kung paano niya ito naabot at ano ang kaniyang nagagawa para ma-maintain ito.
- Tips ni Andi Eigenmann
- pagbubuntis ni Andi Eigenmann
- Pagiging ina ni Andi Eigenmann
Image from Andi Eigenmann’s Facebook account
Andi Eigenmann pregnancy update
Kahapon ay ibinahagi ni Andi Eigenmann na siya ngayon ay nasa 30th week na ng kaniyang pagbubuntis. Sa kaniyang Instagram account masaya niyang ipinakita ang kaniyang lumalaking tiyan. Ayon kay Andi, maliban sa nai-excite siyang ibahagi ang mga updates sa kaniyang pagbubuntis, ginagawa niya ito upang magkaroon ng memories habang ipinagbubuntis ang ngayon ay bunso niyang anak. Dahil ito ang nagsisilbing source of hope and strength ng kanilang pamilya sa gitna ng nararanasang pandemic.
“This time around, already 30 weeks into this pregnancy, just taking bump pics before it’s too late. Feels odd, but I’d really like to look back on this time with our youngest to come, to show that s/he was our main source of hope and strength that allowed us to find the silver lining no matter how dark these times have been.”
Ito ang pahayag ni Andi sa kaniyang Instagram account.
Ayon kay Andi, kakaiba ang pagbubuntis niya sa ngayon.
Bagama’t nitong nakaraang taon lamang isinilang ni Andi ang kaniyang pangalawang anak na si Lilo, sinabi niyang kakaiba ang pagbubuntis niya ngayon. Dahil kung ikukumpara sa naging karanasan niya sa pagbubuntis kay Eli at Lilo ay hindi niya nakikita ang glow sa kaniyang balat. Sa halip, napuno siya ng pimples na hindi niya naranasan ng magbuntis sa kaniyang 2 girls.
“Let’s look at my skin, it’s so bad. I swear I’ve been using the same products that I love. It has been working perfectly on my skin and just randomly I wake up I have all of these pimples on my face. It’s my first time to experience it. My previous pregnancies I had wonderful skin.”
Ito ang pahayag ni Andi sa isa kaniyang mga vlogs.
Paniniwala ni Andi, maaaring isa sa mga dahilan nito’y ang mga unhealthy food na kaniyang kinakain. Dahil magmula ng ma-stranded sila dito sa Maynila dahil sa pandemic ay napabayaan niya na ang healthy lifestyle na nakasanayan nila sa Siargao. Kaya naman sa ngayon ay sinisikap ni Andi na ibalik muli ang healthy habit at lifestyle ang nakagawian niya sa isla. Para sa ikakabuti ng kaniyang pagbubuntis at para narin sa mga anak niya.
Sa mga nagtatanong kung ano ba ang mga healthy habits na ito ng aktres, ito ay ang sumusunod na ayon kay Andi ay nakapagpabago ng buhay niya.
10 healthy tips na nakapagpabago ng buhay ni Andi Eigenmann
1. Cooking your own food.
Ang nangungunang tip ni Andi na dahilan upang mapanatili siyang happy at healthy ay ang pagluluto ng sarili nilang pagkain ng kaniyang mga anak. Dahil sa ganitong paraan ay nakakain niya ang mga healthy foods na dapat niyang kainin sa paraang mai-enjoy at nagagawa niya kasama ang kaniyang mga anak.
Tip pa ni Andi, hindi kailangang pilitin ang sarili na kumain ng mga pagkaing hindi mo gusto para maging healthy. Maraming paraan para gawing healthy ang isang pagkain. Tulad ng pagdagdag dito ng makukulat at masusustansiyang prutas at gulay.
2. Get moving.
Ang pangalawang healthy tip ni Andi ay ang pananatiling active. Sa katunayan, kahit nga malaki na ang kaniyang tiyan, ibinahagi ni Andi na hindi niya nalilimutang mag-exercise. Hindi lang nito pinapalakas ang kaniyang katawan, pinapaganda rin nito ang kaniyang pakiramdam.
“That’s number one thing that makes me feel better, it’s when I am exercising”, pahayag ni Andi.
BASAHIN:
LOOK: Phoemela Baranda, nasa 2nd trimester na ng pagbubuntis sa edad na 40!
#TAPTalks: Ryza Cenon, nagbahagi ng struggles niya bilang new mom
5 tips mula kay Andi Eigenmann kung paano magpalaki ng hindi materialistic na bata
3. Early to bed, early to rise.
Ang habit na ito ay itinuro daw sa kaniya ni Philmar. Noong una ay hindi niya ito maintindihan o ma-appreciate. Pero noong makita niya ang benefits na ibinibigay nito ay kinasanayan niya na ito at itinuturo narin sa kaniyang mga anak.
“When I sleep early, I wake up early. I got to enjoy my mornings. I got to enjoy these fun slow mornings with my family and more time so hindi ako rush.”
Ito ang pagbabahagi ni Andi sa isa sa mga benepisyo ng pagtulog ng maaga maliban sa mabuti ito para sa ating kalusugan.
4. Practice gratitude.
Ayon kay Andi, isa sa kaniyang sikreto kung bakit very contented at happy siya sa kaniyang buhay ay dahil thankful siya sa bawat bagay na nararanasan niya. Maliit man ito o malaki kung titingnan dapat daw natin itong pasalamatan. Tulad nalang ng pagiging buhay pa rin hanggang ngayon sa gitna ng pandemic na ating nararanasan.
Andi Eigenmann with daughters Eli and Lilo/Image from Andi Eigenmann’s Instagram account
5. Kindness goes a long a way.
Isa umano sa natutunan ni Andi noong mga panahong hinahanap niya pa ang kaniyang sarili ay ang kahalagahan ng pagiging mabuti. Sapagkat hindi natin alam kung ano ang magiging impact ng ipinapakita nating kabutihan sa ating kapwa. Maaaring ito ay makapagbago ng araw o buhay niya na babalik naman sa atin at magiging good karma.
Subalit dagdag pa ni Andi, magkaiba ang pagiging mabuti sa mabait. Isang bagay na nais niyang ituro at ilagay sa isip ng kaniyang mga anak.
“I rather have my daughter be strong and not please everybody. But as long as she knows she has a good heart and she is a nice person.”
6. Take the time to rest or relax.
Mahalaga para kay Andi na makapagpahinga o mag-relax para maalis ang mga stress sa buhay. Ginagawa niya ito sa pamamagitan ng medidation na nagagawa niya sa creative na paraan sa tulong ng pagsusulat sa ng journal.
“Journaling is a form of meditation for me. It’s really therapeutic, my me time and I really enjoy it. It’s because it’s a chance to not only like release my creative juices by writing down my thoughts but I got to reflect as well.”
Ito umano ang epekto sa buhay at kalusugan ni Andi ng kaniyang pagsusulat sa journal.
7. Organize.
Ang pag-oorganize ay isa umano sa natutunan ni Andi ng siya ay magsimulang mamuhay ng mag-isa. Noong una’y hindi niya ito alam gawin, ngunit noong dumating sa Philmar ay natutunan niya na.
“Si Philmar, he is such a neat freak. He loves cleaning and just like everything around him tidy even himself, always put together. Konti lang mga damit niyan pero lahat pinili yung quality that really influenced me.”
Kaya naman sa ngayon, ayon kay Andi ay isinasama niya sa schedule niya ang paglilinis ng kanilang bahay at paligid. Para masigurong lahat ay nasa ayos o organized. Kasi kapag organized umano ang inyong bahay, ay organized din ang iyong isip at iyong buhay.
Andi Eigenmann with boyfriend Philmar Alipayo/ Image from Andi Eigenmann’s Instagram account
8. Get out there.
Ito umano ang dahilan kung bakit pinili ni Andi na manirahan sa isla. Kapag nasa labas siya kasama ang kalikasan ay mas nai-enjoy niya ang kaniyang sarili. Isang bagay na naniniwala siyang very therapeutic. Nakatutulong umano ang mga activity na ginagawa niya outdoors tulad ng surfing noong nasa madilim na bahagi siya ng kaniyang buhay.
9. Focus on yourself.
Naniniwala si Andi na kapag nag-focus ka umano sa pagmamahal sa iyong sarili ay mas madali mong maibabahagi ang pagmamahal na ito sa iyong kapwa. Kaya naman dapat ay magbigay tayo ng oras na mahalin ang ating sarili. Iwasang ikumpara kung sino ka sa iba o kung anong meron sila na wala ka.
10. Be authentic.
Huling tip ni Andi, kapag naging totoo ka sa iyong sarili o sa ibang tao ay mas madali mong magagawa ang mga nauna pang tips. Kaya naman mas madali mo ring makakamit ang genuine happiness na hinahanap mo. Ang pahabol niyang tip ay ito, “Who you are, who just being you is enough.”