“You didn’t become a monster. It was me, who turned you into a monster.”
Iyan ang linya ni Mr. Cha habang nakatitig siya sa dati niyang asawa.
Husbands, kung ang mga asawa niyo ay mas masahol pa kay Hulk at kay Valentina, mag-isip-isip din kayo. Yes, it takes two to tango pero ‘wag niyo kakalimutan ang important truth na ito.
“Your wife is your reflection. The kids is the reflection of you marriage.”
-
Be considerate.
-
Stand on your conviction.
-
Go the extra mile.
-
Be kind.
-
Sacrifice.
-
Prioritize your wife.
-
Bring out the best in her.
-
Keep your promises.
-
Make her dreams come true.
-
Be faithful.
-
Be a man of integrity.
Hindi perfect si Mark ang aking asawa. May mga weaknesses and shortcomings din siya BUT I can boldy and confidently say that He is doing his very best.
Sure akong hindi ako si Bibong Pinay kung hindi siya ang napangasawa ko. Malaki ang bahagi niya kung anong klaseng asawa, nanay at babae ako ngayon.
Kaya naman sa mga husband diyan ang pagiging mabuting asawa at dapat niyong isipin at gawin. Kung parang hindi niyo bet ang asawa niyo ngayon, ask yourselves, “Anong ginagawa mo para maging best version siya ng kaniyang sarili?”
Here are some practical tips para hindi maging monster ang mga wifey ninyo:
1. Don’t meet halfway
Sabi nila dapat daw sa adjustment 50/50. Meet umano sa gitna para fair. NO. As the man and the head of the family, meet her kung asan siya.
Mag-a-adjust ang mabuting asawa hindi dahil napilit mo kundi she was moved by your great love for her. Huwag ka na magbilang ng mga nagawa mo, sacrifices mo, etc.
If you truly love her, you will do everything (whatever it takes, whatever the cost) to express that love to her.
BASAHIN:
5 na rason kung bakit HINDI mo dapat binibigay ang password mo sa asawa mo
REAL STORIES: “Hindi ako tinutulungan ng asawa ko pagkatapos kong manganak”
Bakit may lumalanding asawa? Ito ang 7 posibleng dahilan niya
2. Die to yourself
No reservations. Give your all. Its all or nothing. Hindi pagpapakamartir ‘yan. ‘Yan talaga ang instruction ni Lord sa mga husband.
“Husbands, love your wives, just as Christ loved the church and gave himself up for her.”
—Ephesians 5:25
Like what I’ve said, Mark is not perfect pero kahit ganun, I can say that because of his unconditional love for me, I feel like I am married to Christ.
3. Make her beautiful
Don’t provoke her. Alamin mo mga pet peeves niya. Ang pagiging mabuting asawa ay alam kung ano ang nakakasakit sa kniyang misis at gagawin niya ang kaniyang makakaya para huwag magawa ang mga bagay na iyon.
Lumalabas ang mga panget naming ugali when our husbands don’t listen. Nagiging bitter kami, rebellious, selfish, war freak, impatient at kung ano-ano pa.
Make her beautiful inside by leading her closer to GOD. Pray for her and with her. Find and connect to a spiritual family/community where you can both grow in your relationship with GOD. Read the Bible together. Be a man of faith.
Make her beautiful physically. How? Huwag mo alilain at katulungin. Huwag ibigay sa kaniya ang responsibility ng pagpo-provide financially for the family.
Kung tumulong siya thank her BUT don’t make her feel na parang wala na siyang choice. It is your responsibility not hers. Nakakalosyang talaga ‘yung nagtatrabaho na isya tapos sa bahay at mga anak siya pa rin tapos kakalabitin mo pa sa gabi.
Kung housewife siya, ‘wag mong isiping wala siyang trabaho at nakahilata lang siya maghapon. FYI lang, minsan ihi lang pahinga niyan may kasama pang audience sa loob.
Walang sahod ‘yan at sariling pera. Bigyan mo naman ng pampa-parlor, pambili ng salawal, pambili ng pagkain na gusto niya, pang-lazada, etc. ‘Wag mo na hintaying manghingi pa siya sa ‘yo.
4. Be a Dad
Everyone can be a Father but not everyone can be a Dad. Dalawa kayong mag-alaga, magturo, magdisiplina, gumabay at mag-asikaso sa mga anak ninyo.
Don’t be an absentee father. Kaya sila nagiging monster minsan dahil pagod na pagod sila gampanan ang role ng tatay at nanay na dapat dalawa niyong ginagawa.
Tandaan, dalawa niyong binuo ang mga munting supling niyo, dalawa rin dapat kayo na kumakalinga dito.
Apat lang ‘yan pero alam kong super bigat ‘yan at super hirap. Pero super din naman ang grace and strength na kayang ibigay ni Lord para magawa niyo ang mga ito.
Promise gawin niyo ito, magugulat kayo sa mga changes na makikita nyo sa mga asawa nyo pati na rin sa marriage niyo.
Look at your wife now. Monster na ba siya?
Orihinal na inilathala ni Bibong Pinay sa kaniyang Facebook page