Angeline Quinto nanganak na, sinalubong si Baby Sylvio: "Love at first sight."

Isinilang na ni Angeline Quinto ang kanyang healthy baby boy nitong Miyerkoles ng gabi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa wakas ay nasulyapan na ni Angeline Quinto ang kanyang baby matapos niyang manganak. Masayang binahagi ni Angeline ang kanyang pagsalubong kay Baby Slyvio.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Angeline Quinto nanganak na
  • Pregnancy journey ni Angeline Quinto

Angeline Quinto nanganak na

Ipinanganak na ni Angeline Quinto ang kanyang baby boy matapos niyang manganak nitong Miyerkoles, April 27.

Sa Instagram story ng sikat na singer, makikita ang pag-hello ni Angeline sa kanyang anak na si Baby Slyvio.

"10:22 PM, 27 April 2022. Hello!!! Baby SYLVIO."

Saad pa ni Angeline Quinto, "love at first sight" ang kanyang naramdaman nang masulyapan sa unang pagkakataon ang kanyang baby.

Bago ang panganganak ay nag-hint na si Angeline na isisilang na ang kanyang baby sa isang Instagram post.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"Ready to pop!!"

Ito ang nakasulat sa baby bump ni Angeline Quinto bago siya tuluyang manganak.

Larawan mula sa Instagram story ni Angeline Quinto

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pregnancy journey ni Angeline Quinto

Sa isang vlog ng singer at aktres na si Angeline Quinto, masayang ibinahagi nito ang kuwento kung paano niya nalamang buntis siya, kuwento sa likod ng gender reveal party sa vlog ng komedyante at kaibigang si Vice Ganda sa kanyang YouTube channel.

Isinama niya rin sa vlog ang first heartbeat sa ultrasound ng kanyang magiging panganay na anak.

Nauna raw naisip ni Angeline Quinto ang kanyang nanay nang makitang positibo siya sa pregnancy test, at sa kanya niya rin ito unang sinabi.

Mas nauna pa raw ang kanyang takot kung papaano sasabihin sa mga tao sa paligid niya na buntis siya kaysa sa ideya na magiging nanay na siya. Sa kabila ng takot, naramdaman niya raw agad ang pagtanggap ng mga tao sa kanyang pagbubuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"Napakagandang blessing niyan, Angge," pagpapayo sa kanya ng nanay niya kaya nagkaroon siya ng lakas ng loob.

Larawan mula sa Instagram account ni Angeline Quinto

Ibinahagi ni Angeline Quinto, na naiyak raw siya sa tuwa sa first ultrasound ng kanyang baby.

"Angeline, Angge, magiging mommy ka na."

Nang sabihin daw ito ng doktor ay sobrang bilis ng tibok ng puso niya dahil sa halo-halong emosyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ibinahagi niya rin noong panahong nawala ang nanay niya ay nakita niya kung paano unti-unting nawala ang heartbeat nito. Natuwa rin siya na may panibago naman daw siyang heartbeat na pinakikinggan, at iyon nga ay galing sa kanyang sinapupunan.

Nagbigay rin siya ng heads-up na every month daw siyang magbibigay ng update sa kanyang baby.

Inalala niya rin ang una hanggang tatlong buwan ng pagbubuntis kung saan naging maselan siya. Nakaranas daw siya ng pagdurugo at spotting ng ilang araw. Dahil dito, niresetahan siya ng mga doktor ng gamot at simabihang balansehin ang trabaho at pagbubuntis.

Dahil din daw sa mga kasama niya sa bahay, kaya nalaman niyang naglilihi na siya.

"Hindi ko napapansin na ang dami ko nang ayaw tapos ang dami kong pinipili at tsaka gustong kainin."

Nasusuka raw siya sa tuwing naaamoy ang bawang sa tuwing ito ay niluluto. Ayaw niya rin sa lahat ng karne ng baka, kahit pa paborito niya naman ito bago pa man magbuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kabilang daw sa pinaglihian niya ay puting kanin, buko, singkamas, at ice cream na vanilla.

Larawan mula sa Instagram account ni Angeline Quinto

 

BASAHIN:

Angelica Panganiban sa pregnancy at pagiging soon-to-be-mom: “Ito na ang role na gusto kong gampanan.”

Bettina Carlos on ectopic pregnancy: "Kahit sabihin nila na 'Hindi pa tao 'yan'. For us, it was real."

Anne Clutz walang nakita sa pregnancy ultrasound: “Lord, kayo na pong bahala. Kinakabahan talaga ako.”

Ikinwento rin ni Angeline Quinto sa isa pang vlog, na naghanda raw si Vice Ganda ng surprise dinner sa kanyang birthday. Wala raw siyang kaide-ideya na kinausap na ni Vice Ganda ang kanyang team para planuhin ang sorpresang party para sa gender reveal ng kanyang baby.

Sabi ni Angeline, una niya raw narinig ang heartbeat ng kanyang pinakamamahal na anak sa third ultrasound nito. Sa pagkakataong ito rin niya nalaman ang kasarian ng kanyang anak.

"Sa third ultrasound na ito mga ka-twinkle, dito ko po unang narinig 'yung heartbeat ni baby."

"At mismong si baby na po ang nag-reveal kung ano ang gender niya."

Sa kanyang vlog, makikitang ipinakilala niya ang dalawang doktor na nag-ultrasound sa kanya. Biniro niya pa ang mga ito tungkol sa paglipat daw ng ulo ng kanyang anak mula noong pangalawa niyang ultrasound.

Ipinakita rin sa video ang mismong ultrasound ng baby kung saan mapapanood na gumagalaw ang bata sa loob ng kanyang tiyan. Dito rin ipinarinig na ni Angeline, ang heartbeat ng bata sa mga sumusubaybay sa kanyang YouTube channel.

Pagbibiro din ni Angeline na para raw matangos ang ilong ng bata at sana ay sa kanya raw nagmana. Ipinakita namang mabuti ng doctor ang features ng ilong ng kanyang anak. Kita na rin daw halos lahat ng parte ng katawan ng bata sa ultrasound.

Malinaw na ring nakikita ang bibig at kamay ng anak ni Angeline Quinto. Sunod naman nilang nakita ang ari ng bata, kaya nakumpirma kung ano ang kasarian nito.

"Lalaki nga!" excited na pagkakasabi ni Angeline Quinto.

Sinulat ni

Ange Villanueva