Ano ang gestational diabetes? 7 na epekto kay baby kapag mayroong gestational diabetes si mommy

Ano ba ang gestational diabetes? Madalas ay wala itong ipinapakitang sintomas ngunit maraming paraan para mapanatiling malusog at ligtas si baby at si nanay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Alamin dito kung ano ang gestational diabetes at iba pang mahahalagang dapat malaman tungkol sa kondisyon na ito.

Ano ang gestational diabetes?

Sa ika-24 na linggo ng pagbubuntis karaniwang nakikita ang gestational diabetes o mataas na lebel ng sugar sa dugo ng isang nagdadalantao. Ito ang uri ng diabetes na tanging mga nagbubuntis lamang ang maaaring magkaroon.

Ano ang gestational diabetes? | Image from Unsplash

Ano ang mga sintomas ng gestational diabetes?

Ayon sa Harvard Health, ang mga sumusunod ang mga posibleng sintomas ng gestational diabetes:

  • Mas madalas at mas maraming pag-ihi
  • Mauuhawin
  • Mabilis mapagod
  • Pagkahilo at pagsusuka
  • Pagbaba ng timbang kahit maganang kumain
  • Paglabo ng paningin
  • Pagkakaroon ng yeast infection

Ayon naman kay Dr. Kristen Cruz-Canlas, isang OB-Gynecologist, ang ipinapakitang sintomas ng gestational diabetes ay tulad rin sa diabetes kapag hindi buntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Mauuhawin, pwede panay ang pag-ihi, or magugutumin.”

Ito umano ang sintomas ng gestational diabestes ayon kay Dr. Cruz-Canlas. Bagamat, dagdag niya, madalas ay walang mapapansing sintomas ang kondisyong ito.

Kaya’t mahalagang ma-monitor ng OB GYN ang lebel o bilang ng blood glucose (blood sugar) ng isang babae sa oras na ito ay magdalantao. Ito ay upang malaman agad kung siya ay may gestational diabetes. At siya ay agad na matutulungang panatilihing malusog ang sanggol sa kaniyang sinapupunan.

Karaniwang nawawala ang ganitong uri ng diabetes pagkapanganak, ngunit kung hindi naagapan, maaari itong maging type 2 diabetes.

Ano ang sanhi ng gestational diabetes?

Ayon kay Dr. Edward Santos, MD, ang gestational diabetes ay dala ng mga pisikal na pagbabago ng isang nagbubuntis, na minsan ay hormonal, kaya’t nagiging resistant ang katawan sa insulin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang insulin ay isang uri ng hormone na galing sa pancreas, at nagbibigay lakas sa katawan na mag-metabolize ng glucose para magamit na fuel o enerhiya.

Kapag mababa ang lebel ng insulin, hindi nagagamit ng katawan ang insulin kaya’t tumataas ang lebel ng blood glucose.

May mga tinatawag na risk factors na nagiging nakakadagdag sa pagkakaroon ng Gestational Diabetes. Ang mga ito ay ang sumusunod:

  • Obesity o mabigat na timbang
  • Pagkakaroon ng gestational diabetes sa mga naunang pagbubuntis
  • Panganganak sa naunang sanggol na may timbang na 9 lbs pataas
  • Kapatid o magulang na may type 2 diabetes
  • Pagkakaroon ng polycystic ovary syndrome (PCOS)
  • Pagkakaroon ng pre-diabetes

Ano ang diagnosis ng gestational diabetes?

Ilan sa alam na risk factors nito ay obesity o sobra sa timbang, kung nagkaroon na ng gestational diabetes sa mga naunang pagbubuntis, kung may type 2 diabetes sa pamilya ng nagbubuntis, at pagkakaroon ng pre-diabetes.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Inaalam kaagad ng OB-Gyne kung may risk factor ang nagbubuntis, upang mapasailalim kaagad sa mga tests, lalo na kung ang pagbubuntis ay nasa 24 hanggang 28 na linggo.

Para makita kung ang pasyente ay may gestational diabetes, pinaiinom ito ng matamis o inuming may asukal. Tataas ang blood sugar level at isang oras pagkalipas, kukuha ng blood test upang makita kung paano tatanggapin ng sistema at katawan ang asukal.

Kung tumaas ang lebel ng blood sugar, at mas mataas sa nararapat (mula 130 milligrams per deciliter [mg/dL] o mas mataas), kakailanganin ng dagdag na testing.

Maaaring normal ang maging resulta, ngunit kailangan nang i-monitor ng doktor ang blood sugar level mula dito, dahil may mataas na panganib na ng pagkakaroon ng gestational diabetes.

Lahat ng nagbubuntis ay dapat dumaan sa testing para sa GD, mula sa ika-24 hanggang ika-28 na linggo ng pagbubuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ang normal na blood sugar ng buntis?

Paano mo malalaman kung ano ang tamang blood sugar para sa iyo kapag nagdadalangtao ka? Ito ang nirerekomenda ng American Diabetes Association na tamang taas o bilang ng blood sugar para sa mga buntis:

  • Bago kumain: hindi tataas sa 95 mg/dL
  • Isang oras pagkatapos kumain: hindi tataas sa 140 mg/dL
  • Dalawang oras pagkatapos kumain: hindi tataas sa 120 mg/dL or less

 

Photo by Nataliya Vaitkevich from Pexels

Epekto ng diabetes sa sanggol

Madalas naman na malusog at ligtas ang mga batang pinanganak ng inang may GD. Ngunit minsan ay may mga epekto din ito sa bata. Ang mga maaaring maging epekto ng gestational diabetes sa sanggol ayon kay Dr. Cruz-Canlas ay ang sumusunod:

  • Maaaring mas maging malaki ang sanggol kaysa sa normal.

Dahil sa gestational diabetes, maaaring maging mas malaki ang sanggol kaysa normal, na nagiging dahilan ng komplikasyon sa panganganak. Ang kondisyon na ito ay tinatawag na fetal macrosomia na maaaring dahilan naman na siya ay makaranas ng dystocia.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Kapag may diabetes, o na-diagnose ito during pregnancy, ang isa sa mga risk is magkakaroon ng fetal macrosomia. Akala mo ang cute-cute ni baby sobrang laki, more than 4 kg ang timbang niya.”

Ito ang pahayag ni Dr. Cruz-Canlas.

  • Mas at risk si baby na makaranas ng dystocia o hirap sa panganganak sa pamamagitan ng vaginal delivery.

Dagdag ni Dr. Cruz-Canlas, hindi maganda kung sobrang laki si baby. Dahil ito ay maaaring maging dahilan para siya ay makaranas ng dystocia. Pahayag niya,

“Hindi maganda ‘yon kase unang-una at risk ito for dystocia. Iyon yong abnormal labor, hirap mag-vaginal delivery”

  • Maliban sa maaaring maging malaki si baby ay maaari ring masyadong marami ang tubig na nakapalibot sa kaniya.

Ang kondisyon na ito ay tinatawag na polyhydramnios. Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng labis o sobrang amniotic fluid na nakapaligid sa sanggol.

Ito ay maaaring makasama sa sanggol at sa babaeng buntis. Dahil ito ay maaring magdulot ng premature contractions, longer labor, hirap sa paghinga at iba pang problema sa panganganak.

Maaari rin itong magdulot ng komplikasyon sa fetus, tulad ng anatomical problems, malposition o kaya naman ay pagkamatay.

  • Maaaring maging mababa ang blood glucose level ng mga sanggol na ipinanganak ng inang may gestational diabetes.

Dahil sa extra insulin na pino-produce ng pancreas ng mga sanggol habang nasa loob ng sinapupunan ng kaniyang ina, siya ay maaaring maipanganak na may mababang blood glucose level. Ang kondisyon na ito maaaring makaapekto sa growth process ng brain cells ng sanggol.

  • Mas at risk na maging obese at magkaroon ng type 2 diabetes ang sanggol na ipinanganak ng inang may gestational diabetes.

Ang baby na ipinanganak ng inang may gestational diabetes ay mas at risk rin na maging obese at magkaroon ng type 2 diabetes sa kaniyang paglaki.

Ano ang gestational diabetes? | Image from Unsplash

  • Maaari ring makaranas ng respiratory distress syndrome ang sanggol na ipinanganak ng inang may gestational diabetes.

Ang respiratory distress syndrome ay isang kondisyon na kung saan nakakaranas ng breathing difficulties ang sanggol o hirap sa paghinga pagkapanganak.

  • Mas at risk rin siya na makaranas ng jaundice at still birth.

Maliban sa mga nabanggit ay maaari ring makaranas ng jaundice ang sanggol na ipinanganak ng isang buntis na may gestational diabetes.

Ito ay ang kondisyon na kung saan may mataas na level ng bilirubin sa katawan ang sanggol. Ito ang nagdudulot ng panininilaw sa kaniyang balat at puti sa mata.

Kung ang gestational diabetes ay mapabayaan ito ay maaring mauwin rin sa stillbirth o ang pagkamatay ng sanggol sa loob ng sinapupunan.

Mahalagang humingi ng payo mula sa OB-Gyne para sa isang nutrition plan para magamot o maiwaksi ang gestational diabetes.

Epekto ng diabetes sa ina

Samantala, para sa mga ina na may gestational diabetes ang maaaring maging epekto sa kaniya ay ang sumusunod:

  • Ang panganganak ng Cesarean (C-section) ay dahil sa malaking sanggol o mabigat na timbang nito.
  • Kapag may gestational diabetes, may panganib na magkaroon ng preeclampsia, kung saan may mataas na presyon ang ina at mataas ang bilang ng protina sa ihi nito, na parehong health risks.

Paano maiiwasan ang gestational diabetes?

Ang pananatili ng sapat na timbang at pagkain ng masustansiyang pagkain ay makakatulong sa pagwaksi ng gestational diabetes. Isang panganib para sa mga ina ay ang pagkakaroon ng type 2 diabetes pagkapanganak, kaya’t ito ang isang binibigyang pansin.

Ang pananatili ng tamang bilang o lebel ng glucose ay mahalaga para maiwasan ang komplikaston ng GD. Ang pagkakaroon ng nutritional modification o nutritional plan para sa isang nagbubuntis ay susi sa pagwaksi ng GD.

Patuloy na i-monitor ang blood glucose levels sa bahay pagkatapos ng bawat kain, o hanggang 4 na beses sa isang araw. Tamang pagkain at ehersisyo ay kailangan din ng katawan. Minsan, ipinapayo ng OB-Gyne ang insulin therapy, ang tanging opisyal na medikasyon para sa GD.

Sa tulong din ng isang nutritionist, maaaring magplano ng masustansiya at ligtas na meal plan para sa pasyente. Maliliit na portion at mas madalas na pagkain, sa halip na 2 o 3 mabibigat na pagkain sa isang araw. Bawasan ang carbohydrates, iwaksi ang asukal, at kumain ng complex carbohydrates na may fiber. Sariwang prutas at gulay at whole-grain products ang mahalaga.

Ayon sa Healthline, narito ang ilang halimbawa ng pagkaing pampababa ng blood sugar ng buntis:

  • broccoli
  • pagkaing mataas sa protein pero mababa sa fat tulad ng isda at seafood
  • kalabasa
  • mani o nuts
  • okra
  • beans
  • berries
  • avocado
  • oats
  • citrus fruits
  • yogurt
  • itlog

Tandaan, mayroong mga pagkaing hindi nirerekomenda para sa mga buntis, gaya ng ibang uri ng isda, at itlog na hindi luto nang husto. Kaya naman makipag-ugnayan dapat sa iyong OB-GYN kung anong mga pagkain ang pwede mong kaining na makakatulong sa pagbaba ng iyong blood sugar.

Marami mang bawal kainin, tandaan na huwag na huwag pa ring magpapalipas ng gutom dahil ito ang pangunahing sanhi ng pagtaas blood sugar levels.

Mahalagang paalala

Dagdag pang payo ni Dr. Cruz-Canlas, higit sa lahat ay dapat regular na nagpapacheck-up kahit na nagbabalak palang magbuntis. Ito ay para masigurong malusog ang katawan at mabawasan ang komplikasyon ng pagdadalang-tao.

“Kung nagpa-plan pa ang po tayo na magbuntis, yung tinatawag na pre-conception care. At kung mayroon kayong diabetes kailangan po nasa optimum level nung Hp1c niyo. Sa monitoring dapat 6.5%,” aniya.

Kaya naman para makaiwas sa mga komplikasyong dala ng gestational diabetes, mas makakabuti kung makikipag-ugnayan ka sa iyong OB-GYN at susundin ang kaniyang payo kung ikaw ay buntis o mayroon kang diabetes at nagbabalak kang magbuntis.

 

 

Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.