TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Mom Confession: "Gusto kong ibato ang baby ko sa pader..."

5 min read
Mom Confession: "Gusto kong ibato ang baby ko sa pader..."

Ano nga ba ang postpartum depression pagkatapos manganak? Isang aktres ang nagbagi ng kaniyang naranasang depresyon sa una nitong anak. | Lead image from Freepik

Ang pagkakaroon ng anak ay isang biyaya. Nagbibigay ito ng saya at pag-asa sa lahat ng mga magulang subalit hindi natin maaalis ang katotohanang, nakaka-stress din talaga ang magkaroon ng anak.

Kahit ang mga artista’y nararanasan ito. Isa na riyan ang artista mula sa Taiwan na si Kate Pang. Sa kaniyang Instagram account, dito niya ibinahagi na “there are tears people don’t see” sa pagiging nanay.

Si Kate Pang ay ikinasal sa Singaporean actor na si Andie Chen, 37 years old. Matapang niyang ibinahagi ang pagkakaroon ng postnatal depression noong ipinagbubuntis niya ang kaniyang unang anak na si Aden.

Mom Confession: Gusto kong ibato ang baby ko sa pader...

Ano ang postpartum depression? | Image source: Instagram / kandiefamily

Ayon sa aktres, mas pinili niyang mag-stay sa kaniyang kapatid. Pagiging miserable ang kaniyang nararamdaman dahil hindi niya mabigyan ng sapat na gatas ang kaniyang anak kaya umiiyak ito.

“I felt miserable every day in confinement because Aden would cry for milk after waiting for more than an hour but I did not have much breast milk to give.”

Katulad ng ibang magulang, hirap din siya na patulugin ang kaniyang anak. Kung mapatulog man niya, wala pa rin siyang pagkakataon na magpahinga. Hirap na hirap siyang makakuha ng dalawang oras na tulog. Ang tanging naging pahinga lang nito ay nang ma-ospital ang kaniyang anak ng tatlong araw dahil sa jaundice.

Subalit pagkatapos nitong mailabas sa ospital, hindi pa rin siya makapaglabas ng sapat na gatas. Habang ang crack at dumudugong nipples nito ay nakapagdagdag ng hirap sa kaniya.

“I was filled with fear whenever I had to breastfeed or shower,” ito ang sinabi niya sa kaniyang post. “People who have never experienced cracked nipples before will never be able to understand how painful it is.”

Labis na labis ang takot at hirap na nararanasan ng aktres. Hirap siyang sumabay kumain dahil hindi siya makaupo sa nararanasang haemorrhoids dala ng panganganak nito.

Kuwento pa ng isang aktres na isang gabi,  iyak ng iyak si Aden at hindi niya malaman kung ano ang dahilan. Isa lang ang tumatakbo sa kaniyang isipan at ito’y ihampas ang ulo ng kaniyang anak sa pader para matapos na.

“I remembered one day in the middle of the night. Aden was crying and I didn’t know why. I was just really exhausted, and I only recalled an image appearing in my head, one where I threw Aden against the wall, and it would all be over,” Ayon kay Kate.

“I actually wanted to murder my child.”

Napasigaw na lang siya ng malakas at hindi na napigilang umiyak. Paulit-ulit niyang sinasabi na hindi na niya kaya. Habang ang kapatid naman nito ay kinuha si Aden sa kuwarto at naiwan siyang umiiyak sa loob ng kuwarto.

Dahil sa tulong ng kaniyang kapatid, paghingi ng tulong sa ibang nanay at breastfeeding support group, matapos ang isang buwan dito na lumuwag ang dibdib ng aktres. Nabibigyan na niya ng sapat na gatas ang anak at ibang pangangailangan nito. “I finally saw the light,” ito pa ang kaniyang ibinahagi.

Dahil sa naranasan niya, alam nito na madami pang nanay ang nakakulong sa sakit at pagkawala ng pag-asa.

“I sincerely pray that every mother can enjoy the happiness a child brings. All the hardship experienced is just a small episode in life.”

Nagbigay siya ng paalala na kailangang pagtuunan ng pansin ang postnatal depression signs sa mga nanay at ‘wag kakalimutang alaagaan din sila. Hindi lang makikita sa pagsigaw ang stress kung hindi pati na rin sa pagiging tahimik ng mga ito.

Mom Confession: Gusto kong ibato ang baby ko sa pader...

Ano ang postpartum depression? | Image source: Instagram / katepang311

Ano ang postpartum depression?

Ang postpartum depression ay nararanasan ng mga nanay na pagkatapos nilang manganak. Ito ay halo-halong matinding emosyon katulad ng anxiety, mood swings, labis na pagiging emosyonal o kaya naman hirap sa pagtulog. Sa madalas na pagkakataon, ito’y mahirap pigilan.

Nagsisimula ang baby blues tatlong araw pagkatapos manganak ng isang babae at umaabot ng ilang linggo.

Saka lang nagiging postpartum depression ito kapag tumagal ang nararanasang kundisyon ng isang nanay na halos tumatagal ng taon. Nararanasan ang postpartum depression bago, habang at pagkatapos manganak ng isang babae.

Ayon sa isang pag-aaral na pinublish sa British Journal of Psychiatry sa National Institute for Health Research, nasa 25% ng mga kaso ng postpartum depression ay nagsisimula sa pagbubuntis.

Sintomas ng baby blues

Nararanasan ito ng ibang nanay pagkatapos nilang manganak. Kadalasan tumatagal ito ng 2 linggo. Narito ang sintomas:

  • Hirap sa pagtulog
  • Pagiging malungkutin
  • Pag-iyak
  • Sobra-sobrang emosyon
  • Iritable
  • Hirap sa pagkain
  • Pagkawala ng concentration
  • Anxiety
  • Mood Swings

Sintomas ng postpartum depression

Napagalaman din na mataas ang rating ng depression sa 8 months ng pregnancy. Mahirap malaman kung ang nararanasan mo ba’y matatawag nang depression. Ngunit kapag nakita mo na ang mga sintomas ng postpartum depression, kailangan mo nang magpatingin sa iyong doktor.

ano-ang-postpartum-depression

Image from Unsplash

Kadalasang napagkakamalang baby blues ang postpartum depression. Pero malalaman mong postpartum depression na ito dahil mas malala at mas matagal na mararanasan ito. Mararanasan ito bago, habang o pagkatapos manganak. Kadalasan itong tumatagal ng taon.

Partner Stories
Ayala Malls Cinemas Premieres “Indiana Jones And The Dial Of Destiny”
Ayala Malls Cinemas Premieres “Indiana Jones And The Dial Of Destiny”
Finally! A DHA supplement you won’t have to remind your child about – he’ll ask for it!
Finally! A DHA supplement you won’t have to remind your child about – he’ll ask for it!
WATCH: The Medical City shows what it means to be a partner in health and in sickness
WATCH: The Medical City shows what it means to be a partner in health and in sickness
Experience The Future of Play at the new LEGO® Certified Store at the Shangri-La Plaza
Experience The Future of Play at the new LEGO® Certified Store at the Shangri-La Plaza

Narito ang sintomas ng postpartum depression na dapat mong bigyang pansin:

  • Malalang mood swings
  • Sobra-sobrang pag-iyak
  • Hirap makihalubilo sa baby
  • Pagiging malungkutin o miserable sa araw-araw
  • Sobra-sobrang magalit
  • Umiiyak palagi kahit sa maliit na bagay
  • Iritable at galit sa halos lahat ng bagay
  • Pagkawala ng interes sa mga bagay na dati ay nag e-enjoy ka
  • Hirap sa pagtulog o sobra-sobra ang pagtulog
  • Overeating o pagkawala ng appetite
  • Sobrang pagkapagod
  • Lack of concentration
  • Nawawala ang connection sa baby at nakakapag-isip ng malulungkot na mga bagay
  • Pagkawala ng connection sa asawa at pamilya
  • Thoughts of self harm
  • Suicidal thoughts

 

This article was first published in AsiaOne and translated with theAsianparent Singapore with permission.

 

BASAHIN:

Anu-ano ang sintomas ng postpartum depression at paano ito malalampasan?

6 na hindi dapat sinasabi sa mga ina na nakakaranas ng postpartum depression

STUDY: General anesthesia sa c-section sanhi ng postpartum depression

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Tunay na kuwento
  • /
  • Mom Confession: "Gusto kong ibato ang baby ko sa pader..."
Share:
  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko