Ano ang postpartum hypothyroidism?
Labis kong hinahangaan ang mga babaeng gusto ang pagbubuntis. Ngunit para sa akin, ang siyam na buwang iyon, hirap ang pangunahing dulot sa’kin. Sobrang nahihirapan ang katawan kong gumaling. Kasama na rin dito ang pag-iisip at emosyon ko. Kaya naman looking forward ako ngayong patapos na ang aking pagbubuntis. Maamoy ko na naman ang mabangong amoy ng baby, mararanasan ang makulangan ng tulog pati na rin ang adjustment namin sa bahay.
Mababasa sa artikulong ito ang:
Sa unang mga linggo pagkatapos kong ipanganak si James, dito agad nagsimula ang lahat. Hindi kapani-paniwala ang naging panganganak ko. Lahat ng ipinagdasal ko, alam kong hindi mangyayari dahil hindi naging madali ang recovery ko.
Madalas kong hinahatid sa daycare ang panganay ko at isang araw bigla na lang akong nakaramdam ng kakaiba. Pagod na pagod ako noon. Akala ko normal lang ito dahil kasalukuyan pa ring nangangapa ang katawan ko sa bagong lifestyle kasama ang dalawang anak.
Ano ang postpartum hypothyroidism? | image from Supplied
Alam mong may kakaiba sa katawan ko
Sa aking six-week check, agad kong ipinaalam sa aking obstetrician na may kakaiba akong nararamdaman. Kaya naman agad niyang sinuri ang aking dugo. At ang naging resulta? Mayroon akong postpartum hyperthyroidism.
Para masuri ng maayos, nilipat nila ako sa isang endocrinologist. Dito siya nagsimulang magtanong ng kung anu-ano tungkol sa mga nararamdaman ko.
Lagi akong nalalagasan ng buhok. Naalala ko pa na lagi rin akong pagod na tila tumakbo sa isang marathon. Bukod pa rito, hindi ako makatulog ng maayos.
Tinanong niya pa kung nanginginig ang kamay ko, ang sabi ko naman ay hindi. Pagkatapos nito, tinignan nila ang blood pressure ko at agad silang nagulat. Kinuyom ko ang aking mga kamao para matigil ito ngunit bumalik din nang binuka ko ang aking mga palad. Mapapansin ang pag-aalala sa aking mukha at sinabi rin ng aking doktor na okay lang ito. Pero bakit ko nga ba hindi napansin ang malalang panginginig ko noon pa?
BASAHIN:
Hyperthyroidism sa mga bata: Sanhi, sintomas, at epekto
10 healthy tips na nakapagpabago ng buhay ni Andi Eigenmann
Mom confession: “Naalala ko pa ang nakakahiyang nangyari sa’kin noong may prenatal depression ako.”
Paliwanag ng aking doktor na ang sakit na ito ay kadalasang nagsisimula pagkatapos ng apat hanggang anim na buwan pagkatapos kong manganak. Sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan, ang thyroid ay sobrang aktibo sa panahon na ito. At bumabalik sa hindi pagiging aktibo pagsapit ng anim hanggang labindalawang buwan.
Sa usaping medication naman, posible ang beta-blockers. Ngunit paliwanag ng doktor na kung gagamitin ko ito, parang tinatakpan ko lang ang sakit ko. Sa paraang ito, mahihirapan ako na makakuha ng tamang dosage. Hindi naman problema sa akin ito dahil ayoko naman ng medication. Ang tanging ginawa na lamang ay regular na kinuhaan ako ng dugo para ma-monitor ang thyroid ko.
Pag-aalaga sa aking kalusugan
Sa sumunod na linggo, nagbasa ako ng maraming impormasyon tungkol dito. Nalaman kong ang diet ay may importanteng ginagampanang papel sa sakit na ito. Maaaring mabawasan ang mga sintomas nang hindi umiinom ng gamot. Kaya naman decaf coffee na ang aking iniinom at dinisiplina ang sarili sa asukal na kinakain. Binawasan ko na rin ang carbs sa aking diet at pinalitan ito ng gulay.
Ano ang postpartum hypothyroidism? | image from Supplied
Ilang araw ang nakalilipas, umiyak ako ng todo. Ito ay hindi dahil sa lumabas na diagnosis kundi dahil hindi ko makontrol ang aking emosyon.
Kinailangan kong bumalik sa aking OBGYN para maibalik ang mirena sa akin. Ngunit habang nag iintay sa waiting room, hindi ako mapakali. Tumataas ang anxiety ko. Hindi ako makahinga at lumalakas ang tibok ng puso ko. At pagkatapos ng aking sadya sa doktor, agad akong napaiyak.
Pinakalma naman ako ng gynecologist ko at sinabing,
“Your anxiety is from your thyroid. Don’t worry.”
Nagsimulang dumami ang pimple ko katulad noong ako ay nasa high school. Pinagpapawisan din ako ng todo kahit na malamig ang panahon. Idagdag pa ang lumalalang panginginig.
May pagkakataon pa nga na habang pinapalitan ko ng diaper si James, sobrang nanginginig ang kamay ko. Kaya naman agad kong tinawagan ang asawa ko ngunit hindi rin ako maka-dial ng maayos dahil dito. Natakot ako ng sobra.
Sa sumunod na check up, nakita kong may pagbabago sa kondisyon ko. Binaggit ko naman sa aking doctor ang diet na ginagawa ko pero parang hindi siya sang-ayon dito.
Hindi ko na lang siya pinansin at nagsimula na lang mag-switch ng diet para sa aking ‘under-active thyroid’. Tinigil ko na ang mga pagkaing may gluten, kape at asukal. Ipinalit ko sa aking diet ang isda pati na trin ang prutas na avocado. Alam ko sa sarili ko na hindi na aktibo ang aking kondisyon. Hindi na ako nanginginig, natigil na ang paglalagas ng aking buhok at normal na ang pagpapawis ko.
Ang aking kondisyon
Isang araw, bumisita ang mga kaibigan ko sa aming bahay. Kilala na namin sila ng ilang taon at ang iba rito ay matalik kong kaibigan. Ngunit hindi ko napigilang magtago sa isang kwarto at umiyak dahil sa takot na makipag-usap sa kanila. Ayokong pumunta sila sa bahay. Gusto ko lang makasama ang asawa at ang mga anak ko. May pagbabago talaga sa aking sarili. Hindi ko ugaling pumunta sa mga party pero mahal ko ang mga kaibigan ko.
Ano ang postpartum hypothyroidism? | Image from Supplied
Siniguro naman sa akin ng asawa ko na kakain lang sila at aalis din ng mabilis pagkatapos ng ilang oras. Ramdam ko ang pagiging awkward ko sa mga oras na ‘yon. Ang mga luha ko ay nagbabadyang pumatak kaya naman tahimik lang ako na nakaupo. Isang kaibigan ko ang nakapansin na mayroon akong pinagdadaanan pero pinili rin niyang ‘wag na akong abalahin para tanungin.
Pagkaalis ng mga kaibigan ko sa bahay namin, gumaan ang pakiramdam ko. Agad kong naisip ang ibang babae na nakakaranas din ng kalagayan na nararamdaman ko. Mahirap sa ibang nanay na akala nila ay postnatal depression ang kanilang nararanasan ngunit ito ay dahil sa thyroid pala nila.
Ilang mga nanay pa ba ang kailangang maranasan ang mapagod?
Pagkatapos ng sampung buwan, sa wakas ay bumalik na sa normal ang thyroid ko. Sa loob ng sampung buwan na iyon, asawa ko lang ang nakakaintindi sa pinagdadaanan ko. Kahit ibang kamag-anak ko ay hindi alam ang nangyari sa akin. Pati sa mga kaibigan ko, hindi ko ito ipinaalam.
Sa panahon natin ngayon, marami na ang nadidiskubreng bagay. Kaya naman bakit ang kondisyong ito ay hindi napag-uusapan ng mga propesyonal sa kanilang libro o blog tungkol sa pagbubuntis? Hanggang kailan magiging mahirap na pag-usapan ang topic na ito kasama ang kaibigan o ibang tao?
This article was first published in KidSpot and republished on theAsianparent with permission.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Translated in Filipino by Mach Marciano
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!