STUDY: Nagpapababa ng chance na makabuo ang inumin na ito

Iwasan ang sobra-sobrang pag-inom ng softdrinks kung nagbabalak na magkaroon ng baby ngayong taon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano nga ba ang sanhi ng pagkabaog?

Mababasa sa artikulong ito:

  • Pag-aaral tungkol sa kung ano ang sanhi ng pagkabaog na konektado sa labis na pag-inom ng soft drinks
  • Maaaring makapagdulot ng infertility ang artipisyal na pampatamis
  • Epekto ng soda sa katawan ng tao
  • Alternatibong inumin bukod sa soft drinks

Ramdam mo na ba ang init ng panahon? Lalo na sa tanghali! Tirik na tirik ang araw at naanisin mo na lamang kumain ng ice cream o uminom ng malamig na inumin katulad na lamang ng soft drinks.

Ano ang sanhi ng pagkabaog? | Photo by Food Photographer David Fedulov on Unsplash

Sa katunayan, kilalang inumin ang soft drinks sa ating bansa bukod sa mga instant juice na madaling itimpla. Hilig na ng mga Pilipino ang pag-inom ng soft drinks pagkatapos kumain o kaya naman inumin kapag merienda. Pantanggal man ito ng uhaw, hindi pa rin natin maiaalis ang katotohanang hindi healthy para sa katawan ang softdrinks.

Pag-aaral tungkol sa kung ano ang sanhi ng pagkabaog

Mula sa pagbigat ng timbang, pagkakaroon ng diabetes, high blood sugar at sa malalang kaso, ang simpleng pag-inom ng soft drinks ay maaaring maging konektado sa kamatayan.

Ilan lamang ito sa mga masasamang epekto ng labis labis na pag-inom ng soft drinks. Dumagdag pa sa usaping ito ang isang pag-aaral na kailangan mong malaman.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa bagong report na inilabas, nalaman na ang sobra-sobrang pag-inom ng soda ay maaaring makaapekto sa fertility ng isang tao. Sa ibang salita, ang pagkakaroon mo ng baby ay maaaring maapektuhan.

Ang pag-aaral na ito ay kinabilangan ng iba’t ibang babaeng sumasailalim sa fertility treatment at kung gaano kadalas silang umiinom ng soft drinks.

BASAHIN:

#AskDok: 5 pagkain na ipinagbabawal sa buntis

Pagbibisikleta, pagsusuot ng brief at paggamit ng smartphone, nakakaapekto sa sperm count ng lalaki

STUDY: Mas mabuting hindi uminom o kumain ng kahit anong may caffeine ang isang buntis

Maaaring makapagdulot ng infertility ang artipisyal na pampatamis

Ang mga artipisyal na pampatamis na pangunahing sangkap ng soft drinks ay gawa sa kemikal at mataas ang tiyansa na maging dahilan ito ng pagbaba ng iyong fertility level.

Aspartame ang tawag sa artificial softener na makikita sa inuming ito. Target nito ang endocrine glands na maaaring magdulot ng hormonal imbalance sa babae.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa pag-aaral, ang pag-inom ng isang soda sa isang araw ay maaaring umabot ng 20-25% ang tiyansa nang pagbaba ng conception sa parehong babae at lalaki.

Dagdag pa rito ang maaaring maging komplikasyon kung ikaw ay kasalukuyang sumasailalim sa fertility treatment katulad ng intrauterine insemination (IUI) o In vitro fertilisation (IVF).

Isa ring pag-aaral ang konektado rito.

Ang pag-aaral na isinagawa noong 2018 ng Boston University School of Public Health ay nagsasabing umaabot ng 25% ang pagbaba ng conception ng mga babaeng umiinom ng isang bote ng soda sa isang araw. Samantala, nasa 33% naman ang pagbaba ng fecundability sa kalalakihan.

Hindi rin nalalayo ang epekto ng pag-inom ng energy drinks sa fertility ng babae at lalaki.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ang sanhi ng pagkabaog? | Image from iStock

Epekto ng soda sa katawan ng tao

Apat na beses na mas bumababa ang fertility level ng mga lalaki kumpara sa mga babae sa pag-inom ng soda. Ang sobrang pag-inom ng nasabing inumin ay maaaring pumatay sa sperm at ovum nila. Ang carbonated soft drinks ay mayaman sa rin sa caffeine na siyang pagpapababa ng pagdudugo sa mga babae.

Isa pang pag-aaral ang konektado sa usaping ito na nakalimbag sa American Journal of Epidemiology. Sinasabi nilang ang mataas na pagkonsumo ng soda ay nagpababa sa kalidad ng sperm ng lalaki.

Iba pang masamang epekto ng soda

  • Isa sa kilalang downside na epekto ng soda ay ang pagtaba. Ito rin ang isang dahilan ng obesity na sinamahan pa ng fast food.
  • Ang sobra-sobrang pag-inom ng soda ay maaaring magpataas ng tiyansa ng insulin resistance. Ang soft drinks ay nakakapagtaas ng blood sugar na siyang nagiging dahilan ng Type-2 diabetes.
  • Masama ang epekto ng soft drinks sa ngipin ng isang tao. Maaari nitong maalis ang enamel sa ngipin na siyang responsable sa pagprotekta laban sa acidic substances. Bukod dito, puwede ring maapektuhan ang bone strength at lahat ng organ ng iyong katawan.
  • Ang sobrang pagkonsumo ng soft drinks ay maaaring may masamang dulot sa lebel ng iyong hormones. Kabilang dito ang oestrogen na siyang maaaring magdulot ng infertility sa kababaihan.

Alternatibong inumin bukod sa soft drinks

Hindi pa huli ang lahat. Maaaring simulan na ang pag-alis paunti-unti ng soft drinks sa iyong diet. Narito ang ilang alternatibong inumin na maaaring ipalit sa soda:

1. Iced tea

Sa halip na isang basong soda, uminom ng natural katulad ng iced tea. Maraming uri ng inumin na maaari mong subukan at paniguradong pasok ito sa iyong taste buds. Wala rin itong calories!

2. Lemonade

Ito na ata ang pinaka-healthy na inumin na maaari mong piliin. Hindi rin kukupas ang benepisyong taglay ng freshly-squeezed lemonade na maaari mong gawin sa loob ng bahay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Sparkling water

Masasabi nating healthy para sa ating katawan ang sparkling water kumpara sa matamis na soda. Maaari itong mabili sa bote o can.

Ano ang sanhi ng pagkabaog? | Photo by mohammad dawleh on Unsplash

4. Fruit juice

Kung matamis naman ang hanap mong inumin, bakit hindi mo subukang gumawa ng juice mula sa prutas? Maraming benepisyo ang dala sa iyong katawan ng natural na tamis na hindi gawa sa delikadong kemikal.

5. Coconut water

Makikita mo na kahit saang tindahan ang coconut water. Available na ito sa supermartket at ibang lugar. Natural na pinagkukuhaan ito ng potassium at electrolytes. Masasabing mas maganda itong inumin dahil ito ay walang asukal o fat.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa mga couple na nagpaplanong magkaroon ng baby, mas mabuting tigilan muna ang pag-inom ng softdrinks ngayon. Gawing pamalit na inumin ang mga halimbawang inumin sa taas.

Madaming benepisyong taglay ang mga inuming ito sa inyong katawan. Maaari ring samahan ng itlog o green vegetables ang inyong diet dahil ito ay maganda sa conception.

Tandaan na ang pag-aaral na ito ay tungkol sa sobra-sobrang pagkonsumo ng soft drinks. Maaari pa rin namang uminom ng softdrinks ngunit pag-aralan na kontrolin ang sarili sa inuming ito.

Bukod dito, kailangan mo rin ng sapat at regular na tulog, iwasan ang stress, magkaroon ng regular na ehersisyo at panatilihin ang pH level sa iyong katawan. Lahat ng ito ay malaki ang maitutulong sa pagkakaroon ng baby. Kung ikaw ay may ibang concern, bumisita lamang sa iyong gynaecologist.

 

Translated with permission from theAsianparent Singapore

Isinalin sa wikang Filipino ni Mach Marciano

 

News Source:

Tribuneindia.com

Sinulat ni

Mach Marciano