Misis hindi maabot ang climax sa pagtatalik dahil sa kondisyon na kung tawagin ay anorgasmia

Hindi nasisiyahan sa sex o hindi nag-oorgasm? Dapat mong malaman ang tungkol sa kondisyon na orgasmia na tampok sa artikulong ito.

Anorgasmia, narinig mo na ba ang salitang ito? Kung hindi ka nasisiyahan sa sex tulad ng dati maaaring ang kondisyon na ito na ang nararanasan mo.

Misis, hindi nasisiyahan sa sex tulad ng dati

Photo by Jeffrey Czum from Pexels

Marami nga talaga sa atin ang na-stress dahil sa COVID-19 pandemic. Pero isang misis ang hindi inakalang pati ang vagina niya ay maapektuhan sa mga nangyayari sa ating paligid. Dahil ang very energetic at active na sex life niya noon ay tila nawalan na ng gana. Hindi tulad ng dati hindi na siya nasisiyahan sa sex at nahihirapan ng abutin ang climax o langit sa pagtatalik.

Nanlumo ang misis sa naranasan niyang ito. Mabuti na lang at napaka-understanding ng kaniyang mister at sinabing maaaring ito’y dahil sa stress siya. Kaya naman ang misis nag-research at nakita ang salitang anorgasmia. Isang kondisyon na tumutugma sa nararanasan niya.

Ano ang anorgasmia?

Ayon sa Mayo Clinic, ang anorgasmia ay ang medical term na tumutukoy sa hirap na maabot ang orgasm matapos ang maraming beses na sexual stimulation. Ito rin ay tinatawag na delayed orgasm o failure na maabot ang orgasm sa pagtatalik. Ang kondisyon na ito, ayon sa mga pananaliksik ay mas madalas na nararanasan ng mga babae kumpara sa mga lalaki.

Mga uri ng anorgasmia

May iba’t ibang uri ang anorgasmia na nakadepende sa kung paano o hindi naabot ng isang tao ang orgasm. Ang mga ito ay ang sumusunod:

Lifelong anorgasmia – Ito ay ang uri ng anorgasmia na kung saan ang isang tao ay hindi na nag-o-orgasm sa pagtatalik.

Acquired anorgasmia – Ito ang uri ng anorgasmia na kung saan nahihirapan lang ang isang tao na maabot ang climax sa pagtatalik na hindi niya naman nararanasan noon.

Situational anorgasmia – Ito naman ang uri ng anorgasmia na kung saan naabot lang ang orgasm sa ilalim ng partikular ng kondisyon o circumstances. Tulad ng pagsasagawa ng oral sex, masturbation o pakikipagtalik lang sa iisang tao.

Generalized anorgasmia – Ito naman ang uri ng anorgasmia na kung saan hindi nag-o-orgasm sa kahit anong sitwasyon, kondisyon o kahit kaninong partner na makakatalik.

Photo by Andrea Piacquadio from Pexels

Dahilan kung bakit ito nararanasan

May iba’t ibang itinuturong dahilan kung bakit nararanasan ng isang tao ang kondisyon na ito. Ang mga ito ay ang sumusunod:

  • Mga seryosong karamdaman tulad ng multiple sclerosis at Parkinson’s disease. Sinasabing ang epekto nila sa psychological well-being ng isang tao ang nagdudulot nito.
  • Gynecological issues o pagdaan sa gynecologic surgeries tulad ng hysterectomy o cancer surgeries. Kung ito ang sanhi ng anorgasmia, ang lack of orgasm ay maaaring sabayan ng uncomfortable o painful intercourse.
  • Pag-inom ng mga gamot o medications na nakakaapekto sa orgasm. Tulad ng mga gamot sa high blood, antipsychotic drugs, antihistamines at antidepressants.
  • Pag-inom ng alak at paninigarilyo.
  • Pagtanda o aging na nakakaapekto sa ating sexuality tulad ng pag-memenopause.
  • Mental health problems tulad ng anxiety o depression.
  • Poor body image.
  • Stress at financial pressures.
  • Past sexual o emotional abuse.
  • Relationship issues.

Paano ito malulunasan?

Photo by Ketut Subiyanto from Pexels

Ang lunas sa anorgasmia ay nakadepende sa dahilan o sanhi nito. Pero ang pangunahing paraan na ipinapayo sa karamihan ng mga babaeng nakakaranas nito ay ang pagbabago sa kanilang lifestyle at pagsailaim sa therapy.

Makakatulong din ang pag-aaddress sa mga relationship issues na posible ring dahilan ng kondisyon.

Isang paraan rin upang ma-overcome ang kondisyon na ito ay ang pagkakaroon ng increase sexual stimulation. Makakatulong ang pagsasagawa ng self-stimulation o paggamit ng vibrator. Mas mabuting gawin ito ng mag-isa upang malaman mo kung saan o kung paano ang hagod na dapat gawin na magpapa-satisfy sa ‘yo. Saka ito i-share sa partner mo.

May mga babae ring gumagamit ng clitoral vacuum na nakakapag-improve ng blood flow at nakakadagdag ng sexual stimulation.

Puwede ring subukan ang ibang sexual positions kasama ng iyong partner. O kaya naman ay sumailalim sa couples counseling o sex therapy. Ito ay upang mas malinawagan sa sex at madagdagan ang iyong kaalaman tungkol dito.

May estrogen therapy din para sa mga babaeng nakakaranas na ng menopausal symptoms. Puwede ring gumamit ng alternative medicines o natural herbs para maibsan ang sintomas ng kondisyon. Tulad ng paggamit ng mga produktong may L-arginine na sinasabing nakakatulong na ma-improve ang sex lives ng mga babae.

Sa kaso ng misis na tampok sa artikulong ito ay nakatulong sa kaniya ang muling pagbabalik sa normal ng lahat. Dahil nabawasan ang stress na nararanasan niya. Bumalik din siya sa pag-iehersisyo at naglaan ng mas maraming oras sa pagtulog at pagpapahinga sa gabi. Dahil nga rito ay muling nanumbalik ang excitement at satisfaction niya sa sex na hindi niya lang labis na ikinasaya kung hindi pati na rin ng mister niya.

Source:

Kidspot, Mayo Clinic, NCBI

 

BASAHIN:

STUDY: Kawalang gana sa sex hindi umano basehan sa pagkakaroon ng masayang relasyon

Wala ng sexy time? 5 tips upang hindi kayo mahuling nagtatalik ng inyong anak

Mga posisyon ng halikan para sa mas mainit na pagtatalik