Mom confession: “'Yong paghinga niya lagi kong tinitignan habang natutulog baka mamaya hindi na pala humihinga.”

Anong pinaka-praning moments mo bilang isang ina? Kung bagong panganak, baka may postpartum anxiety ka na!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakaranas ka ba ng anxiety sa pag-aalaga ng baby o iyong sobrang praning ka sa pagbabantay sa kaniya. Kung oo, ay narito ang ilan sa mga bagay na dapat mong malaman tungkol sa postpartum anxiety.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Inang nakaranas ng anxiety sa pag-aalaga ng baby niya.
  • Ano ang postpartum anxiety?
  • Paano malulunasan ang postpartum anxiety?

First-time mom nakaranas ng anxiety sa pag-aalaga ng baby niya

Ang pagiging mommy ay isang challenging na role para sa first-time mom na si Myra Oliva-Chua mula sa Cainta, Rizal. Dahil sa pagiging ina ay marami siyang natutunan at marami umano siyang experience na nakakatawaero. Pero sabi ng maraming mommies na napagtanungan niya ay valid naman.

Halimbawa, ayon kay Mommy Myra, dahil sa CS siya at tulog sa buong operasyon niya ay praning siya na kung anak niya ba talaga iyong hawak niya noong nagising siya. Dahil baka daw tulad ng mga telenovela ay napalitan ito at hindi pala totoong anak niya.

Pero maliban sa mga nakakakatuwang moment na ito, ang pagiging praning ni Mommy Myra ay nararanasan niya pa rin umano hanggang sa ngayon habang inaalagaan ang 1 ½ month old baby niya na si Myron Mikael.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Myra Oliva-Chua

Mommy: Kapag hindi namin mapatahan si baby, iniisip ko parang ang sama kong magulang.

“Iyong paghinga niya lagi kong tinitignan habang natutulog baka mamaya hindi na pala humihinga.

Iyong natutulog siya ng sobrang haba, halos mag-5hours. Iniisip ko kung normal ba ‘yon? Baka masama na ‘yon. Gigising pa ba to?

May time na hindi namin mapatahan si baby lalo na kung napadede na, napalitan na ng diaper, wala namang kabag. Iniisip ko parang ang sama kong magulang.

Tapos kapag nagpupu siya. Conscious ako kung ano kulay. Kapag nag-green ‘yong pupu niya from yellow. Kapag sobrang dami rin ng pupu nya sa isang araw baka nagtatae agad naiisip ko.”

Ilan lamang ito sa mga worries o anxiety sa pag-aalaga ng baby na naranaransan ng 31-anyos na si Mommy Myra. Tulad ba niya ay naranasan mo rin ang mga ito?

BASAHIN:

Mainitin ang ulo at madaling magalit mula ng manganak? Maaaring senyales na ito ng postpartum rage

6 confinement food recipe na makakatulong sa iyong postpartum immunity

STUDY: Postpartum depression, maaaring tumagal ng 3 years pagkatapos manganak

Ano ang postpartum anxiety?

Ang mga nabanggit na worries o pag-alala ni Mommy Myra ay normal umano na maramdaman ng mga new parents, ayon sa mga eksperto.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sintomas ito ng kondisyon na kung tawagin ay postpartum anxiety. Base sa statistics, ang postpartum anxiety ay nararanasan ng 10% ng mga babaeng bagong panganganak. Kung saan minsan ay maaaring kasabay rin ng postpartum depression na kanilang nararanasan.

Masasabi ngang nakakaranas ng postpartum anxiety ang isang bagong panganak na babae kung siya ay nagpapakita ng mga sumusunod na sintomas.

  • Madalas o hindi mawala-walang pag-aalala.
  • Pag-iisip na magkakatotoo ang mga bagay-bagay na kinatatakutang mangyari.
  • Hirap na makatulog lalo na sa tuwing mahimbing na natutulog si baby.
  • Pag-iisip ng negatibo at padalos-dalos.

Photo by RODNAE Productions from Pexels

Maliban sa mga nabanggit ay maaari ka ring magpakita ng mga pisikal na sintomas tulad ng mga sumusunod.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Fatigue o labis na pagkapagod
  • Heart palpitations
  • Hyperventilation
  • Sweating o pagpapawis
  • Nausea o pagsusuka
  • Shakiness o pangangatog ng katawan
  • Hot flashes o mainit na pakiramdam

Sino ang mataas ang tiyansang makaranas ng postpartum anxiety?

Ang mga babaeng nakaranas ng miscarriage o stillbirth ay mas mataas ang tiyansang makaranas ng postpartum anxiety. Ganoon rin ang mga babaeng may history ng eating disorder.

May history ng intense mood-related symptoms o kaya naman ay namatayan ng anak. Ito naman ay pansamantala lang at maaring malunasan sa tulong ng mga sumusunod na paraan.

Paano malulunasan ang postpartum anxiety?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

People photo created by pressfoto – www.freepik.com 

  1. Kung nakakaranas ng sintomas ng postpartum anxiety, ay mabuting magpatingin o makipag-usap na agad sa iyong doktor. Ito ay upang mapayuhan ka niya ng mga paraan upang malunasan ang iyong nararanasang kondisyon.
  2. Huwag mahiyang magsabi sa mga tao sa iyong paligid sa iyong nararamdaman. Tulad sa iyong asawa, pamilya o mga kaibigan.
  3. Bawasan ang pag-inom ng inuming nagtataglay ng caffine. Tulad na lamang ng mga tsaa, kape, chocolate, soda at energy drinks. Ang mga ito ay maaring makadagdag pa sa anxiety na iyong nadarama.
  4. Lumabas at mag-liwaliw. Maglakad-lakad o mamasyal sa park o kaya naman ay mag-exercise araw-araw.
  5. Subukang makagawa o makatapos ng task kada araw. Para magkaroon ka ng accomplishment na magbibigay sa iyo ng fulfilling feeling sa buong linggo.
  6. Mag-concentrate sa kung anong mayroon ka sa ngayon at huwag munang alalahanin ang ibang mga bagay.
  7. I-enjoy ang iyong kapaligiran. Kumain ng mga gusto mong kainin. Manood ng mga movies na gusto mo o makinig ng mga music na makakapagparelax sayo.
  8. Maging realistic at hayaan ang iyong sarili na magkamali bilang isang magulang. Para magawa mo ng maayos ang isang bagay ay kailangan mo muna itong matutunan. Huwag ma-disappoint sa iyong sarili. Magtanong kung may mga bagay kang hindi alam o hindi ka sigurado.
  9. Humanap ng isang lugar sa kung saan puwedeng mag-relax at lumagi rito sa mga oras na nakakaramdam ka ng anxiety.
  10. Huwag basta gumawa ng desisyon kung nakakaranas ng anxiety. Mag-relax, maging kalmado at huwag maging padalos-dalos.

Source:

Kidspot, Healthline, Postpartum