Ano nga ba ang naiisip natin kapag napag-uusapan ang buwan ng Agosto? Bukod sa ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika, mayroon ding tayong dalawang holiday sa buwan na ito—ang Ninoy Aquino Day sa Agosto 21 at ang National Heroes’ Day sa Agosto 27. Ngunit alam niyo ba na lubos na espesyal rin ang August birth month para sa mga pinanganak at ipapanganak sa buwan na ito?
Narito ang 6 na rason kung bakit espesyal ang August birth month ayon sa mga eksperto:
1. Magiging malaki ang baby
Ayon sa isang pag-aaral, ang mga pinanganak mula Hunyo hanggang Agosto ay mas mabibigat ang timbang kaysa sa mga sanggol na ipinanganak sa ibang mga buwan. Ang mga bata na may mas mataas na birth weight ay kadalasang mas nagiging mabuti ang pangkalahatang lagay nito pagdating sa kalusugan kaysa sa mga ipinanganak nang mababa ang timbang.
2. Magiging matangkad sila paglaki
Bukod sa mas mabigat na timbang pagkapanganak, ayon sa pag-aaral, mas malaki rin ang chance na maging matangkad ang mga baby na may August birth month. Ito raw ay dahil summer sila ipinagbuntis ng kanilang mga nanay kaya mas na-expose ang mga ina sa araw na nagbibigay ng Vitamin D—ang vitamin na responsable sa bone development.
A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes) on
Ang aktor na si Dingdong Dantes ay ipinanganak ng Agosto 2.
3. Mas mababang tsansa na magkaroon ng bipolar disorder
Ayon sa isang pag-aaral noong 2012, ang mga pinanganak daw ng Agosto (pati na rin Setyembre) ay mayroong mas mababang tsansa na magkaroon ng bipolar disorder o ang mental illness na nagiging sanhi ng extreme mood swings. Ipinapalagay ng mga eksperto na dahil din ito sa Vitamin D bagaman wala pang kongkretong research ukol dito.
4. Pakiramdam nila na masuwerte sila
Sa lahat ng ipinanganak, ang mga may August birth month daw ang may pinakamataas na bilang ng nakakaramdam ng suwerte sa kanilang buhay. May kinalaman daw ang positive outlook nila sa buhay dahil sa klima na ipinanganak sila. Sa bansa natin, mas maganda ang panahon pagdating ng Agosto dahil hindi na masyadong maulan at hindi na masyadong mainit.
Agosto 12 naman ang birthday ng aktres na si Marian Rivera
5. Sila ang isa sa mga pinakamatanda sa klase nila
Ginagawang batayan ang birth month kapag papasok na ang bata sa eskwelahan. Karaniwan na start ng cut-off para sa edad ng bata ang Agosto. Ibig sabihin sa bawat school year, ang mga bata na pinangangak ng Agosto hanggang Hulyo ng susunod na taon ang mga magiging magkaklase. Dahil dito ang mga may August birth month ang mga magiging pinakamatanda sa kanilang batch.
Ayon sa isang pag-aaral ng National Bureau of Economic Research sa Amerika, ang mga bata na mas matanda sa klase ang mas may kakayahan nang gawin ang mga gawain kumpara sa mga mas batang mga kaklase nito. Ang mga older kids din daw ang mas malaki ang tsansa na magtapos ng kanilang pag-aaral.
SOURCES: Motherly, Heliyon, Semantic Scholar, NCBI
Kabuwanan mo na ba? Narito ang ilang mga kasagutan tungkol sa panganganak sa iyong August baby.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!