Emosyonal na ikinuwento ng isang mommy kung paano siya nasasaktan na nakikita niyang ayaw makipagkaibigan sa anak niya ang mga bata sa kanila.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- “Umiyak ang anak ko dahil ayaw makipaglaro sa kaniya ng ibang bata.”
- Help your kids improve their social skills
“Umiyak ang anak ko dahil ayaw makipaglaro sa kaniya ng ibang bata”
Larawan ni jcomp mula sa Freepik
Masakit para sa parents na makitang nalulungkot at anak, lalo kung malaman na ayaw ng ibang bata makipagkaibigan dito. Ganito ang ibinahagi ng isang mommy patungkol sa kanyang little one.
Emosyonal at mangiyak-ngiyak na ikinwento si Kat Kamalani nang malaman niyang wala palang kaibigan ang kanyang anak. Salaysay niya sa isang Tiktok video, nasaksihan niya raw mismo ito sa pagitan ng kanyang anak at inakala niyang mga kaibigan nito.
Nakita niya raw kung paano pinagtabuyan ng ibang bata ang anak niyang babae,
“Tumingin ako sa bintana namin at doon ko nakitang sumesenyas ang mga bata na ayaw siyang kalaro ng mga ito. Kaya lumabas ako at narinig ko na hindi pwede makipaglaro ang anak ko sa kanila dahil lang sa ayaw nila.”
Sinabi niya ito sa video habang nilalabanan ang pag-iyak dahil sa sakit na marinig ito. Dagdag niya, lalo raw masakit ang kanyang naramdaman nang nagtanong ang kanyang anak.
“Sobrang lungkot niya at iyak siya nang iyak habang tinatanong kung bakit hindi siya gusto at ayaw rin siya kalaro ng mga akala niyang kaibigan niya.”
Halos hindi niya raw alam kung ano ang dapat na i-respond sa tanong ng anak niya na ito,
Ayaw makipagkaibigan sa anak ko ang mga kalaro niya | Larawan ni jcomp mula sa Freepik
“Hindi ko man lang alam kung ano ang isasagot. Sinabihan ko na lang siya na lahat ng tao ay nagkakamali. Pinaalala ko rin na may mga tao na hindi ka talaga iti-treat nang maayos at wala ka nang control sa actions nilang ito.”
Dahil sa labis na lungkot na naramdaman niya dahil sa nangyari, hindi niya na naiwasang magtanong pa ng advice sa iba pang parents. Hiningi niya ang payo ng mga ito kung tama ba ang ginawa niya at kung ano ang ginagawa nila kung sila ang nasa kalagayan na katulad niya.
“Para sa akin, tama naman ang paraan kung paano mo ito hinandle. Lagi ko ring sinasabi sa mga anak ko na hindi mo makokontrol ang ginagawa o sasabihin ng ibang tao kaya mas mabuti pang iwan mo na lang ang sitwasyon.”
Sa isang parent, sinisigurado niya raw na hindi nagiging ganito ang kaniyang anak sa iba pang bata,
“Mahirap nga ‘yan, tama rin naman ang ginawa mo. Sa akin, lagi kong pinapaalala sa mga anak kong babae na, ‘huwag ninyong gagawan ng masama ang ibang bata, tandaan niyo kung gaano kasakit ito para sa kanila.”
“Sinasabi ko sa anak ko na hindi lahat ay kaibigan mo, kaya nga mahalagang maging mabuti sa lahat ng tao upang hindi nila maramdaman ang ganitong pakiramdam.”
Help your kids improve their social skills
Help your kids improve their social skills | Larawan mula kay tirachardz sa Freepik
Naku-curious ka rin ba kung bakit walang friends ang iyong anak? Napapansin mo rin bang nahihirapan siyang mag-build ng friendship sa iba pa niyang mga kaedad? Baka kailangan mo nang tulungan ang anak na ma-improve ang kanilang social skills sa pamamagitan ng mga tips na ito:
Ask first.
Una sa lahat, dapat alam mo kung bakit wala siyang kalaro o kaibigan. Tanungin kung mayroon bang bagay na nakaka-bother sa kanya o nahihirapang gawin kaya hindi siya nakikipag-socialize. Mula dito pwede mong hanapan ng paraan kung paano siya matutulungan sa isang partikular na bagay.
Support their interest.
Lumalabas ang natural self nila kung nasa environment sila kung saan ito ang kanialng interest. Alamin kung anong hobbies o activities ang gusto nila at subukang isali sila sa clubs or organizations. Dito kasi nila mami-meet ang same children na mayroong same interest with them .
Practice how to socialize.
Kung talaga hirap ang bata kung paano simulan ang pakikipag-usap sa iba pang bata, maaari mo siyan tulungan sa pamamagitan ng role playing. Dito pwede kang magpanggap na kaklase o kalaro niya at hayaan siyang mag-approach. Obserbahan kung paano siya nakikipag-usap at gabayan siya kung paano mag-iistart ng conversation.
Be the best role model.
Mas madali niyang mai-practice ang pakikipagsocialize kung nakikita niya ito sa inyo. Maging role model para sa anak kung paano dapat nakikipag-usap sa ibang tao at nagbubuild ng relationship.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!