Baby Kidlat nina Cong TV at Viy Cortez enjoy sa first time swimming sa La Union

Isinama nina Cong TV at Viy Cortez ang kanilang baby Kidlat sa outing sa La Union. Ito ang first time ng kanilang anak na mag-swimming.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isang masayang outing sa La Union ang ibinahagi nina Viy Cortez at Cong TV sa kanilang mga fan kung saan kasama nila si baby Kidlat. Ito raw ang first time ng kanilang baby Kidlat na makapag-swimming.

Baby Kidlat ni Cong TV, Viy Cortez first time mag-swimming

Ngayong 9-month old ang baby ng social media influencers na sina Viy Cortez at Cong TV, nagkaroon na ng lakas ng loob si mommy Viy na isama sa swimming ang kaniyang anak.

Sabi ni Viy Cortez sa kaniyang vlog, matagal na raw pinayagang mag-swimming si baby Kidlat pero ngayon lang sila nagkaroon ng lakas ng loob ni Cong TV.

Screenshot mula sa vlog ni Viy Cortez

Hindi lang swimming sa pool ang pinaranas ng vloggers sa kanilang anak, kundi maging swimming sa dagat. Biro pa ni Cong, parang Olympian athlete daw ang anak sa galing nitong lumangoy.

Bukod sa swimming, pinatapak din ni Viy sa damuhan ang anak at nakakatawa ang reaksyon ng bata dahil first time din daw nitong umapak sa damo. Itinaas ni Kidlat ang kaniyang isang paa na tila nabibigla sa texture ng damo sa kaniyang talampakan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram ni Viy Cortez

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sabi ni Viy, “Ang saya kapag may unang anak, ‘yung mga first time makikita mo.”

Nang buhatin naman ni Cong si baby Kidlat sa dagat ay tila ninerbyos naman si Viy. Safe naman at naging masaya ang Team Payaman at pamilya ni Cong TV sa naging outing ng mga ito.

Safety tips kung magsu-swimming kasama ang anak

Kung nais mo ring isama ang iyong anak sa swimming, tandaan ang mga sumusunod na paalala:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Huwag iiwang walang kasama ang bata kapag nasa tubig o malapit ito sa tubig.
  • Tiyakin na may adult supervision kung mag-swimming ang mga bata.
  • Huwag hahayaang mag-swimming ang anak kung masama ang panahon o kumikidlat.
  • Magdala ng first aid kit, phone at emergency numbers at pag-aralan kung paano mag CPR.
  • Huwag payagang mag-dive ang bata o tumalon sa tubig na mas mababa sa 9-feet

Sinulat ni

Jobelle Macayan