Ang pagbubuntis ay isang pagbabagong karanasan at ang mga unang buwan pagkatapos ng kapanganakan ay ang pinakamahirap para sa mga bagong ina.
Nagsisimula ka pa lang matuto tungkol sa pagiging magulang at walang anumang paghahanda ang makapaghahanda sa iyo para sa tunay na mga pagsubok ng motherhood.
Habang nasa recovery mode pa rin ang iyong katawan, sinusubukan mong makasabay sa paiba-ibang pattern ng pagtulog ng iyong bagong panganak. Magigising sila sa kalagitnaan ng gabi at kailangan mo ring gumising, paulit-ulit, para alagaan sila.
Ang kakulangan sa tulog ay nag-iiwan sa iyo ng pagod sa lahat ng oras at kaunti na lamang ang natitira para sa pangangalaga sa sarili. Ikaw ay mas mabagal, pagod, at mas vulnerable sa sakit. Kahit na ang mga ordinaryong gawain ay maaaring parang isang masyadong nakakapagod na gawain.
Ang tanging maaari natin gawin ay subukang gawing mas organisado ang iyong buhay. At iyon mismo ang gustong ibigay ng bagong baby sleep app sa Pilipinas na free download mula sa theAsianparent app.
Ang mga tool ay partikular na idinisenyo, sinubukan at na-verify ng mga nanay na katulad mo. Sila ay nilikha para sa iyo. Isang produkto na ipinagmamalaki naming tinatawag na #ForMomsByMoms.
Basahin ang baby sleep app sa Pilipinas review na ito para sa mga karagdagang detalye.
Ano ang Baby Sleep Tracker – baby sleep app sa Pilipinas na free
Tinutulungan ka ng baby sleep app sa Pilipinas free download ng theAsianparent na subaybayan ang cycle ng pagtulog ng iyong sanggol.
Ilang oras ng tulog ang nakukuha ng iyong anak? Kailan sila magigising? Nakukuha ba nila ang kinakailangang dami ng tulog? Ang sleep tracker ay makakatulong sa pagsagot sa mga tanong na ito.
Kapag na-log mo ang kanilang mga gawi sa oras ng pagtulog, makikita mo ang mga pattern at gawi sa mas simple at mas makabuluhang paraan.
Kasabay nito, nagkakaroon ka ng pagkakataon na ayusin ang iyong oras ng pagtulog, kung kailan lalabas ng bahay, maligo, kumain o magbasa ng libro at ang kabuuan ng iyong daily schedule kasama ang iyong bagong silang na sanggol.
BASAHIN:
STUDY: Kausapin agad si baby pagkasilang niya — posibleng nakaiintindi na ito
STUDY: Hindi pagtulog ng baby sa gabi, hindi dapat ikabahala
Pag-iyak at hirap sa pagtulog ni baby, maaaring sintomas na ng kondisyon na silent reflux
Para sa mga mapagmahal na ina: Baby sleep app sa Pilipinas na free
Ang theAsianparent ay malawakang nakipagtulungan sa ating mga ina upang lumikha ng sleep tracker. Iyon ay dahil ang mga nanay lamang ang makakaunawa sa kanilang pinagdadaanan sa mga buwang ito pagkatapos ng panganganak.
Iyan ay mahalagang insight na isinama namin sa aming baby sleep app sa Pilipinas na free download para sa kapakinabangan ng mga bagong ina.
Walang oras sa pagiging ina at iyon ang dahilan kung bakit mas karapat-dapat ang mga nanay sa isang baby sleep app sa Pilipinas free na para mismo sa inyo.
Deserve mo ng mas maraming oras para sa sarili mo. Karapat-dapat kang gumugol ng mas maraming oras sa pagrerelaks pagkatapos gampanan ang lahat ng iyong mga responsibilidad. At ang bawat haligi ng suporta na makukuha mo ay makakatulong sa mapanghamong paglalakbay na ito ng pagiging magulang.
Baby sleep app sa Pilipinas na free download mula sa theAsianparent Philippines
Ang app ay naglalayong i-streamline ang iyong buhay sa kabila ng mga hamon. Ang kailangan mo lang gawin ay i-download ang app nang libre mula sa alinman sa Google Play Store o sa iOS App Store at tingnan ang aming sleep tracker.
Mahalagang tumuon sa pangkalahatang kalusugan ng iyong sanggol, ngunit kinakailangan din para sa mga ina na magkaroon ng magandang pagtulog sa gabi.
Ngunit pagdating sa pagsubaybay sa pattern ng pagtulog ng iyong anak, magagamit ang baby sleep app sa Pilipinas free. Habang tinutuklasan mo pa rin kung paano gumagana ang lahat tungkol sa pagiging ina, nilalayon ng tool na kunin sa iyo ang kahit isang pasanin.
Sumabay sa pagtulog ni baby gamit ang Baby Sleep app sa Pilipinas na free download
Ang paggamit ng baby sleep app sa Pilipinas free download ay isang simpleng proseso. Ang kailangan lang ay ang iyong pag-feed ng data sa app. Narito ang lahat ng data na hihilingin sa iyo ng app:
- Ang oras ng pagsisimula ng pagtulog
- Ang oras ng pagtatapos
Ganiyan lamang ka-simple. Kinakailangan mo lamang maglaan ng halos isang minuto upang ma-feed ang data ngunit kung ano ang makukuha mo bilang kapalit ay malayong mas mahalaga. Makakatulong ito na ayusin ang iyong buhay sa napakaraming paraan.
Bakit kailangan ng mga ina ng Baby Sleep app sa Pilipinas?
Ang sleep tracker ay makakatulong sa pagpapagaan ng iyong mga alalahanin at kumilos bilang isang tulay sa pagitan ng iyong sariling mga konklusyon at kung ano ang kailangang malaman ng doktor.
Bilang bagong ina, okay lang na maging paranoid tungkol sa mga bagay na ito, at nilalayon ng sleep tracker na bigyan ka ng mga tamang insight para matulungan kang maunawaan kung ano ang kalagayan ng iyong sanggol.
Narito ang ilang dahilan kung bakit dapat gamitin ang aming Baby Sleep App sa Pilipinas na free download:
- Madaling pagsubaybay sa mga pattern ng pagtulog ng iyong sanggol
- Suriin ang mga pattern na may lingguhan at buwanang pattern chart
- Kumuha ng ekspertong pagsusuri at isang personalized na plano sa pagtulog
- Magkaroon ng isang lugar upang isulat ang anumang mga tala na gusto mong matandaan
- Nagbibigay ito sa mga nanay ng higit na kalidad ng pagtulog
Ilang oras ng pagtulog ang kailangan ng iyong anak
Habang nagsisimulang lumaki ang iyong anak, patuloy na nagbabago ang pattern ng pagtulog niya. Gayundin ang mga oras ng pagtulog niya.
Ang mga bagong silang na sanggol ay nangangailangan ng humigit-kumulang 14-17 oras ng pagtulog araw-araw sa unang tatlong buwan.
Ang ilang mga sanggol ay natutulog pa nga ng hanggang 18-19 na oras sa isang araw. Ito ay may mga pahinga lamang para sa pagpapasuso tuwing dalawa hanggang tatlong oras.
Mula 4-11 buwan, ang isang sanggol ay nangangailangan ng humigit-kumulang 12-15 oras ng pagtulog. Ito ay bumababa sa 11-14 na oras para sa mga batang nasa pagitan ng edad na 1 at 2 taon. Sa pagpasok ng mga bata sa mga taon ng preschool, kailangan nila ng hindi bababa sa 9-11 na oras ng pagtulog araw-araw.
Sa napakabilis na pagbabago ng mga pattern ng pagtulog, nagiging mas madaling subaybayan ang mga pagbabago sa pamamagitan ng paggamit ng sleep tracker tulad ng nabanggit sa baby sleep app sa Pilipinas review na ito.
Tandaan: Ang bawat sanggol ay iba at magkakaroon ng iba’t ibang waking window. Panatilihin ang isang tab kapag ang iyong sanggol ay nagpapakita ng mga palatandaan ng pagkapagod, pagkuskos ng mga mata, pag-iyak at higit pa.
Gamitin ang app sleep tracker tool para gumawa ng customized na iskedyul ng pagtulog para sa iyong sanggol. Ito ay makakatulong sa iyong mahulaan ang iyong routine sa mas mahusay na paraan.
Isinalin ni Margaux Dolores sa wikang Filipino mula sa theAsianparent Singapore na may pahintulot
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!