X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

STUDY: Kausapin agad si baby pagkasilang niya — posibleng nakaiintindi na ito

4 min read
STUDY: Kausapin agad si baby pagkasilang niya — posibleng nakaiintindi na itoSTUDY: Kausapin agad si baby pagkasilang niya — posibleng nakaiintindi na ito

Ayon sa mga experts, kahit hindi pa nakapagsasalita si baby ay magandang kausapin na agad ito.

Para sa mga parents na excited nang kausapin si baby, ayon sa mga eksperto ay pagkasilang na pagkasilang pa lang ng sanggol ay nakaiintindi na raw agad ito!

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Kausapin agad si baby pagkasilang niya — posibleng nakakaintindi na ito
  • Help your little ones improve their sensory experience

Kausapin agad si baby pagkasilang niya — posibleng nakakaintindi na ito

kausapin si baby

Larawan mula sa Pexels

Kakaibang happiness ang dala ng isinilang na baby sa family. Ang bawat smile, tawa, at kahit pagtulog ay kinaaaliwan ng parents panoorin. Kung minsan pa nga ay kinakausap na agad si baby kahit walang kakayahang sumagot pa. Maganda raw ito ayon sa experts dahil pagkasilang na pagkasilang pa lang ni baby ay posibleng naiitindihan na niya ito.

Sa isang pag-aaral na published sa Nature Human Behavior kasama ang neonatal research team sa China, nakita nilang mabilis ang learning process ng bata at kabilang na diyan ang pagkaintindi kaagad sa mga tunog. Sa unang oras pa lang daw na isinilang ang mga sanggol, nalaman nilang may kakayahan na itong maunawaan kahit pa complex ang language sounds.

Detector cap for baby’s brain

Ginawa nila ito sa pamamagitan ng isang device na design upang ma-measure ang oxygen levels sa brain ng baby. Ang detector cap daw na ito ay nakakatulong upang malaman kung ano ang active sa area ng brain.

Tiniyak daw nilang safe at painless ang procedure kung saan isinagawa nila ito sa loob ng tatlong oras na ipinanganak ang baby. Dito ay inilagay nila ang small elastic cap upang mag-shine ng infrared lights 0 heat radiation sa kanilang ulo.

Sa loob daw ng tatlong oras na ipinanganak sila ay sinubukan na nilang i-expose ang mga bata sa pair of sounds. Kasama dito ang mga vowel na pine-play rin nila backwards. Matapos daw ang limang oras na pakikinig dito, nagsimula nang ma-differentiate ang forward at backward vowels.

Pagtapos naman daw ng ilang oras pa, ay mas mabilis na silang nagre-respond sa forward vowels kumpara sa mga babies na na-train sa ibang vowels o hindi pinaparinig ng kahit anong sound.

Temporal lobe and frontal cortex of baby’s brain

kausapin si baby

Larawan mula sa Pexels

Nakita rin nila na involved sa pagpo-process ng vowel sounds ang dalawang region sa brain ng baby. Una, ang temporal lobe na part ng utak kung saan pina-process ang auditory factors. Pangalawa, ang frontal cortex kung saan involved ito sa pagpaplano ng complex movements ng isang tao.

Nakamamangha rin daw ng nadetect nila ang ‘cross-talk’ o iyong communication sa pagitan ng iba’t ibang area sa utak. Hindi raw nila ito nakita sa ibang baby na hindi trained sa vowel sounds.

Nangangahulugan daw ito na ang pagde-develop ng mind ng baby ay nagsisimula kaagad sa day one pa lamang ayon kay Guillaume Thierry, isang propesor ng Cognitive Neuroscience sa Bangor University.

“Newborns probably benefit directly from being talked to from the very first moments they have left the womb. Clearly, “nurture” – the changing of the mind by the environment – starts on day one.”

Help your little ones improve their sensory experience

kausapin si baby

Larawan mula sa Pexels

Parents naman talaga ang key people upang matulungan ang anak nila na matuto sa maraming bagay. Magmula sa kinakain sa paglilihi at pagbubuntis pa lamang, iniinom na vitamins, lifestyle, at marami pang iba. Lahat ng ito ay factor upang matuto ang bata. Lalo na kung nasa outside world na ang baby, marami ang dapat i-consider.

Maaari kasing magbigyan ang brain nila ng bagong avenue upang mag-grow at develop upang maging healthy ang brain sa future.

Narito ang ilan sa maaaring gawin upang mapaunlad at ma-expose sila sa iba’t ibang sensory experience:

Listen

Dahil nga nalaman na sa pag-aaral na nakakaintindi na ang brain ng baby sa unang mga oras ng pagkapanganak, magandang i-improve ang listening niya. Kung nasa sinapupunan, maaari nang iparinig sa kanya ang iba’t ibang music at sounds. Pagkasilang naman, mas mahalagang i-expose na siya dito.

Maaaring lullaby ang music o kaya naman pagkausap ng parents sa kanilang baby. Kahit ang maliliit na pangyayari tulad ng pagkain, pagtulog, o kung ano man ay makakatulong kung kakausapin ang anak. Sa ganitong paraan kasi maaga nilang napo-process sa brain ang different sounds and vowels.

Smell

Magandang paraan din na malaman nila ang amoy ng iba’t ibang bagay. Maaaring lagyan ng mild scent ang inyong kwarto kung saan hindi maaapektuhan ang health ni baby. Mainam din na lagyan ng flowers at kung ano mang halaman ang paligid upang mas natural ang experience ni baby.

See

Unti-unti rin nilang madedevelop ang kanilang paningin. Pwedeng lagyan ng iba’t ibang decoration ang bahay ng different colors and shade upang madali nilang marecognize.

The Conversation

Partner Stories
Gut Health and Probiotic Survival Rate
Gut Health and Probiotic Survival Rate
Immunity for All Kids: Join Ceelin® in giving back through Caritas Philippines
Immunity for All Kids: Join Ceelin® in giving back through Caritas Philippines
Ano ang mga senyales na ang iyong anak ay isang Batang Matibay?
Ano ang mga senyales na ang iyong anak ay isang Batang Matibay?
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Tungkol sa Anak
  • /
  • STUDY: Kausapin agad si baby pagkasilang niya — posibleng nakaiintindi na ito
Share:
  • Nico Bolzico on Solenn Heussaff's second pregnancy: “I hope it’s another baby girl.”

    Nico Bolzico on Solenn Heussaff's second pregnancy: “I hope it’s another baby girl.”

  • Sharon Cuneta, reunited kay KC Concepcion sa USA: “A little happy during days of grieving.”

    Sharon Cuneta, reunited kay KC Concepcion sa USA: “A little happy during days of grieving.”

  • Chyna Ortaleza natuklasang may bukol sa kaniyang breast, sumailalim sa mammogram procedure

    Chyna Ortaleza natuklasang may bukol sa kaniyang breast, sumailalim sa mammogram procedure

app info
get app banner
  • Nico Bolzico on Solenn Heussaff's second pregnancy: “I hope it’s another baby girl.”

    Nico Bolzico on Solenn Heussaff's second pregnancy: “I hope it’s another baby girl.”

  • Sharon Cuneta, reunited kay KC Concepcion sa USA: “A little happy during days of grieving.”

    Sharon Cuneta, reunited kay KC Concepcion sa USA: “A little happy during days of grieving.”

  • Chyna Ortaleza natuklasang may bukol sa kaniyang breast, sumailalim sa mammogram procedure

    Chyna Ortaleza natuklasang may bukol sa kaniyang breast, sumailalim sa mammogram procedure

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.