Baby suffocation signs: Mabilis na kumalat sa social media ang video ng isang babaeng kahindik-hindik na sinosuffocate ang isang bata.
BABALA: Ang artikulong ito ay naglalaman ng sensitibong bidyo at paksa.
Babae na pilit sinosuffocate ang isang bata kuha sa video
Sa video, makikita ang isang babae na kinukuhaan ng video habang inuupuan nito sa mukha ang isang bata. Dahilan para hindi ito makahinga.
Tanging pag-iyak na lamang ang nagagawa ng bata habang pilit siyang sinosuffocate ng hindi pa tukoy na babae.
Baby suffocation signs | Screenshot image from KRIS 6 News
Sa una, makikita na inuupuan ng babae ang mukha ng bata. Ngunit hindi pa ito nakuntento kaya pinadapa niya ang bata at inupuuan ang likod nito atsaka pilit na iniipit ng katawan ng bata sa pamamagitan ng kanyang mga binti.
Baby suffocation signs | Screenshot image from KRIS 6 News
Unang kumalat ang video na ito sa Corpus Christi sa Texas, USA. Ngunit napag-alaman rin na ang totoong pinangyarihan ng insidente ay sa Nuevo Leon sa bansang Mexico.
Kasalukuyan pa rin itong iniimbestigahan ng pulisya. Ayon din sa kanila na madaling matutukoy ang babae dahil sa tattoo nito sa kaliwang bukung-bukong.
Nakatanggap rin sila ng impormasyon na maaaring ang video ng pangaabuso ng babae sa bata na kumalat sa internet ay noong mga nakaraang taon pa nangyari.
Masusing imbestigasyon ang kanilang ginagawa para matukoy at managot ang babae sa video.
<iframe width=”560″ height=”315″ src=” frameborder=”0″ allow=”accelerometer; autoplay; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture” allowfullscreen></iframe>
Child Abuse in the Philippines
Ang Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation, and Discrimination ay karaniwang nangyayari dito sa Pilipinas ngunit isang pangunahing problema pa rin ng lipunan.
Ayon sa bagong pag-aaral ng Council for the Welfare of Children (CWC) at United Nations Children’s Fund (UNICEF), ang child abuse ay karaniwang nangyayari sa mga loob ng bahay.
Matuturing na menor de edad pa ang isang bata kung ito ay wala pa sa wastong gulang na 18 years old.
Umaabot ng 62.8 % ang psychological violence samantalang tumaas sa 66.3% ang pisikal na pang-aabuso.
Pasok sa uri ng Child Abuse ang mga ito:
1. Physical Abuse
Ito ay kung may pisikal na pananakit katulad ng pagmamaltrato sa isang batang wala pa sa wastong gulang. Maaaring makapag-iwan ito ng bakas tulad ng sugat at peklat sa bata.
2. Psychological Abuse
Pasok dito ang masasakit na salita at traumang ibinabato sa bata. Ang batang makakaranas nito ay maaaring makakuha ng trauma na tatatak sa pag-iisip. Naapektuhan nito kadalasan ang kilos ng bata.
3. Hindi pagbibigay ng kailangan
Maituturing na child abuse rin kapag kinuhaan ng karapatan ang bata sa kanyang pangangailangan katulad ng tirahan, pagkain, o agarang lunas kung sakaling siya ay na-injured na magreresulta sa kanyang pagkamatay.
4. Nasa panganib na kondisyon
- Kung ang isang bata ay nasa lugar kung saan delikado ang kanyang kalagayan at kaligtasan.
- Pagtira ng isang bata sa kalsada na walang kalinga ng magulang, ito ay kung inabandona na sila.
5. Child Prostitution
Ito ay ang pagpilit sa isang bata na magprostitute o mga batang nagsasagawa ng sex kapalit ang pera. Kasama rin dito ang iba pang uri ng sexual abuse sa mga bata.
6. Child Trafficking
Ang Child Trafficking ay ang sistema ng pagbebenta o pagbili ng bata. Sila ay kadalasang inaalipin, pinipilit magtrabaho o kaya naman ay bilang isang prostitute.
Ang taong may kasong Child Abuse ay magkaroon ng sentensyang reclusion perpetua o habang buhay na pagkakakulong.
Baby suffocation signs
Mga mommy at daddy, alam nyo bang madalas mangyari ang disgrasya sa mga bagay na kampante kayong walang mangyayari? May mga insidente na iniiwan ng magulang ang kanilang anak sa higaan at hindi nila namalayan na maaaring madisgrasya ang baby. Katulad ng pagka suffocate ng baby kapag natabunan ng unan sa mukha.
Ang isang sign ng pagka-suffocate ng baby ay mapapansin mong hirap ito sa paghinga at nag-iiba ang kulay nito.
Upang maiwasan ang mga trahedya o insidente na maaaring mangyari sa iyong baby.
Isa sa dapat tandaan ng mga magulang ay ‘wag na ‘wag iwanan ang iyong baby na mag-isa kahit na sandali lamang. Madaming maaaring mangyari kahit na sa maikling panahon.
Baby suffocation signs | Screenshot image from Marie Despeyroux on Unsplash
Papasok na rin sa upsang ito ang Sudden Infant Death Syndrome.
Ang Sudden Infant Death Syndrome o SIDS ay maaaring mangyari sa lahat ng sanggol. Lalo na kung walang sapat na pag-aalaga ang magulang na pinapakita sa kanilang anak. Ngunit may iba ring pagkakataon na kahit anong alaga ng isang magulang sa kanilang anak ay nagkakaroon pa rin ito ng SIDS.
Ayon sa pag-aaral noong 2010, tumaas ng halos 33% ang bilang ng mga namamatay na sanggol kapag sumasapit ang Bagong Taon.
Paano maiwasan ang SIDS?
- Maayos na ihiga ang sanggol.
- Pumili ng maayos na higaan
- Alisin ang mga bumper pads na nilalagay sa gilid ng kuna
- Ugaliin na matulog kasama ang anak
Basahin ang kumpletong detalye tungkol sa SIDS: Ang mga dapat malaman tungkol sa Sudden Infant Death Syndrome
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!