X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Baby girl na pinanganak ng walang butas sa puwit, hindi agad napansin ng doktor

4 min read
Baby girl na pinanganak ng walang butas sa puwit, hindi agad napansin ng doktor

Narito ang mga dapat tandaan ng isang babae upang mabawasan ang tiyansa ng pagkakaroon ng birth defects ng isang sanggol.

Baby walang butas sa puwit ng maipanganak. Doktor hindi agad napansin ang kondisyon ng sanggol.

Baby walang butas sa puwit

Image from Freepik

Baby walang butas sa puwit

Isang sanggol na babae mula sa India ang ipinanganak na walang butas sa puwit. Ang kondisyon ng sanggol natuklasan ng kaniyang 22-anyos na ina matapos ang 13 oras ng siya ay maipanganak.

Ayon sa isang medical case report, ang baby walang butas sa puwit ng maipanganak ay hindi agad napansin ng mga doktor ang kalagayan. Bagamat kanila daw itong i-chineck agad pagkatapos maisilang ng kaniyang ina. Paliwanag ng mga doktor ito ay dahil sa hindi pa nai-stretch ng ganap ang balat ng sanggol sa bandang puwitan kapag bagong panganak.

Sa ginawang eksaminasyon ng mga doktor, natuklasan nilang may normal na rectum o puwit ang sanggol. Bagamat natatakpan ang butas nito ng high pigmented na balat.

Mayroon ding nabuong channel o lagusan na nagdudugtong sa puwit at vagina ng sanggol. Ito ang naging dahilan kung bakit sa iisang butas lumalabas ang kaniyang dumi at ihi.

Baby walang butas sa puwit

Image from Freepik

Dagdag pa ng mga doktor ay wala silang natuklasang genetic condition na taglay ang sanggol na maaring maging dahilan ng kaniyang anorectal malformation. Dahil ayon sa University of Rochester Medical Center, ang kondisyon daw na ito ay nararanasan ng mga sanggol na may underlying birth defects ng maipanganak. Tulad ng Down syndrome, spinal defects at Townes-Brocks syndrome.  Pero giit ng mga doktor na tumingin sa baby walang butas ang puwit ay wala daw sa mga ito ang taglay ng sanggol. At maari daw itong maisaayos ng isang operasyon ng kung saan i-rerepair at magkakaroon ng butas ang puwit niya.

Imperforate anus o improperly developed anus

Ang imperforate anus ay isa sa mga birth defects na nararanasan ng sanggol habang siya ay lumalaki sa sinapupunan ng kaniyang ina. Ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng improperly developed anus na may sumusunod na sintomas:

  • Walang butas sa puwit.
  • Maling posisyon o napakalapit ng butas ng puwit sa vagina na babaeng sanggol
  • Hindi pagdumi matapos maipanganak ng nakalipas na 24-48 oras.
  • Paglabas ng dumi sa ibang bahagi ng katawan tulad ng urethra, vagina at scrotum.
  • Namamagang tiyan.
  • Abnormal na koneksyon ng daanan ng dumi ng sanggol sa kaniyang reproductive system o urinary tract.
Baby walang butas sa puwit

Image from Wikipedia

Ayon sa Cincinnati Children’s Hospital, ang kondisyon na ito ay nararanasan ng isa sa kada 5,000 na sanggol na isinisilang. Madalas daw na nararanasan ito ng mga lalaking sanggol na nagtataglay din ng sumusunod na birth defects o abnormalities:

  • Kidney and urinary tract defects
  • Spine abnormalities
  • Windpipe o tracheal defects
  • Esophageal defects
  • Arms and legs defects
  • Down syndrome
  • Hirschsprung’s disease
  • Duodenal atresia
  • Congenital heart defects

Ang tanging paraan para maisaayos ang kondisyon na ito ng isang sanggol ay ang pagsasagawa ng operasyon o surgery. Ito ay upang maitama ang pagkakamali o abnormality na kaniyang nararanasan.

Baby walang butas sa puwit

Image from Medline Plus

Paano mababawasan ang tiyansa ng pagkakaroon ng birth defects ng isang sanggol

Bagamat ang mga birth defects tulad nito ay hindi maiiwasan, may mga paraan naman upang mapababa ang tiyansa ng isang sanggol na makaranas nito. At ito ay sa pamamagitan ng tulong ng kaniyang ina na responsable sa maayos na development niya sa loob ng sinapupunan.

Ang ilan sa paraang maaring gawin ng isang babae upang maiwasan ito ng kaniyang sanggol na dinadala ay ang sumusunod:

Bago magbuntis

  • Siguraduhing up-to-date ang iyong mga bakuna.
  • I-check at siguraduhing hindi ka nagtataglay ng kahit anong STDs o sexually transmitted disease.
  • Uminom ng daily recommended dose ng folic acid bago magbuntis.
  • Bago uminom ng kahit anong gamot ay magpakonsulta o magtanong muna sa iyong doktor.

Habang nagbubuntis

  • Uminom ng prenatal vitamis.
  • Kumain ng masusustansiyang pagkain.
  • Huwag manigarilyo at iwasan ang 2nd hand smoke.
  • Huwag uminom ng alak.
  • Iwasan ang pinagbabawal na gamot.
  • Mag-ehersisyo at magpahinga.
  • Magpakonsulta agad kapag nalamang ikaw ay buntis at regular na magpacheck-up.

Source: DailyMail UK, Kid’s Health, Healthline

Photo: Freepik

Basahin: Pantanggal ng pimples, maaaring magdulot ng birth defects sa ipinagbubuntis

 

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Baby girl na pinanganak ng walang butas sa puwit, hindi agad napansin ng doktor
Share:
  • Butas sa tenga naging sanhi ng malalang impeksyon ng isang bata

    Butas sa tenga naging sanhi ng malalang impeksyon ng isang bata

  • Sanggol declared dead na ng 11 minuto bago himalang nabuhay

    Sanggol declared dead na ng 11 minuto bago himalang nabuhay

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • Butas sa tenga naging sanhi ng malalang impeksyon ng isang bata

    Butas sa tenga naging sanhi ng malalang impeksyon ng isang bata

  • Sanggol declared dead na ng 11 minuto bago himalang nabuhay

    Sanggol declared dead na ng 11 minuto bago himalang nabuhay

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.