X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Mabigat na backpack, may masamang epekto sa spine ng mga bata

4 min read

Ngayong back-to-school na naman, nagbigay ng payo ang mga spine and neck surgeons hinggil sa tamang backpack na gagamitin ng mga bata.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Backpack ng bata, hindi raw dapat mabigat ayon sa mga eksperto
  • How to choose the right backpack for your kid

Backpack ng bata, hindi raw dapat mabigat ayon sa mga eksperto

backpack ng bata

Pagsusuot ng mabibigat na backpack ng mga bata hindi raw ipinapayo ng mga eksperto | Larawan mula sa Pexels

Talaga nga namang damang-dama na ang back to school ngayong 2022. Marami ang excited na ulit na bumalik sa face-to-face classes dahil ilang taon ding online class lamang ang mode of learning dahil sa COVID-19 pandemic.

Malamang sa malamang, maagang kinumpleto ng parents ang pagbibili ng mga gamit na need ng kanilang anak. Inihanda na siguro kaagad ang mga libro, supplies, lunch boxes, at iba pang essential na bagay. Sa excitement na ito both ng parents at bata, nauuwi sa dinadala na lang ang lahat ng mga gamit at inilalagay sa backpack.

Ang ganitong gawain ay hindi raw healthy para sa health ng inyong anak. Maaari raw kasi itong mauwi sa serious health hazard ayon sa opinyon ng mga spine at neck surgeon. Hindi raw ipinapayo ng eksperto ang sobrang sikip, hindi sinusuot nang tama at wala na sa maayos na kundisyon na backpack ng mga eksperto.

Ito ang sabi rin ni Dr. Rahul Sha, isang board-certified spine and neck surgeon.

“A backpack that fits poorly, is too heavy, worn too often or incorrectly can lead to our children having problems with posture, pain in their necks, arms, and back,”

Ang mga backpack daw kasi na sobrang bibigat ay maaaring mag-cause ng prblema sa spinal column na sa simula ay temporary back ache lang pero maaaring mapunta sa mas malala pang injury.

backpack ng bata

Backpack ng bata hindi raw dapat mabigat ayon sa mga eksperto | Larawan mula sa Pexels

“With a too heavy backpack, the back will begin to compensate for the extra weight and create stress on their spinal column, which can lead to a cascade of effects for the back from temporary backache to a more serious injury.”

Lumalaki nga raw ang bilang ng mga batang napupunta sa ER dahil sa backpack-related injuries. Ang extra load daw na inilalagay sa backpack ay nagsasanhi ng malala pang risk para magkaroon ng injury ang likuran nila.

“As all of these loads and pivot points change, children are forced to use their backs to counterbalance these loads. Therefore, the hinges (the areas where the bones move in the back) are placed at further risk for injury with so much extra load.”

Kinakailangan na raw kumonsulta sa doktor kung sakaling nakararamdam na ang bata ng mga sumusunod na sintomas:

  • Umiinda na mayroon o nakararanas na ng backpain
  • Pagkaramdam parati ng labis na pagkapagod o fatigue
  • Pamumula ng likuran
  • Pagkakaroon ng swelling o discomfort sa kanyang katawan

Mapapansin mo rin daw sa bata ang paghihirap na sa pagsuot ng backpack dahil sa kanyang mga kinikilos.

Dagdag ni Dr. Shah, “Children will also tend to find other ways to ‘offload’ the weight of the backpack by not walking as far with the backpack or other subtle maneuvers.”

Kadalasan daw na naglilean forward ang mga bata para lang mabuhat ang mabibigat nilang bag.

“Also, many children may significantly alter their posture and lean far forward to accommodate the backpack as compared to being able to stand upright as they normally would.”

backpack ng bata

Larawan kuha mula sa Shutterstock

How to choose the right backpack for your kid

Isa sa pinaakmang paraan upang maprotektahan ang likod ng bata: pumili ng tamang backpack para sa kanya.

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

Kung minsan sa sobrang excitement ng parents na matuwa ang bata. Nauuwi na maling bag na ang nabibili para sa kanila. Kaya nauuwi rin ito sa labis na pagkasakit ng kanilang likuran. Narito ang guide kung paano dapat na pumipili ng tamang bag ngayong pasukan na naman:

  • Pumili ng bag na mayroong support para sa kanyang likuran.
  • Iwasang bumili ng bag na mabigat agad kung dalhin kahit wala pang laman.
  • Hindi dapat sobrang sikip ang adjustment na hindi na halos makakahinga ang likod ng bata.
  • Siguraduhing hindi hihigit sa 10% ng timbang ng bata ang ipapadalang bag sa kanya.
  • Huwag bumili ng sobrang laking bag na lalagpas na sa bewang ng bata.
  • Dapat ay well-padded ang straps ng bag upang hindi labis na masakit sa kanyang balikat kung bibitbitin.
  • Huwag ding bumili ng bag na may sobrang nipis na strap dahil magdudulot ito ng dagdag pang bigat sa inyong anak.

Scary Mommy

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Mabigat na backpack, may masamang epekto sa spine ng mga bata
Share:
  • 5 posibleng rason kung bakit hindi na masaya ang mag-asawa sa pagsasama

    5 posibleng rason kung bakit hindi na masaya ang mag-asawa sa pagsasama

  • 7 paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa anak

    7 paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa anak

  • May problema ba kayo sa pagtatalik ng iyong asawa? Ito ang dapat mong gawin!

    May problema ba kayo sa pagtatalik ng iyong asawa? Ito ang dapat mong gawin!

  • 5 posibleng rason kung bakit hindi na masaya ang mag-asawa sa pagsasama

    5 posibleng rason kung bakit hindi na masaya ang mag-asawa sa pagsasama

  • 7 paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa anak

    7 paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa anak

  • May problema ba kayo sa pagtatalik ng iyong asawa? Ito ang dapat mong gawin!

    May problema ba kayo sa pagtatalik ng iyong asawa? Ito ang dapat mong gawin!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.