Ang Baguio City ay binansagang summer capital of the Philippines. Ang lugar na ito ay nagbibigay sa mga turista ng maalwan na pakiramdam mula sa matinding init sa Metro Manila tuwing buwan ng Abril at Mayo.
Mababasa sa artikulong ito:
- Baguio travel guide: Baguio City Travel Requirements
- Manila to Baguio travel guide
- Top places to go to Baguio City
- Top places to eat in Baguio City
Mas malamig na klima ang isa sa mga nangungunang dahilan kung bakit ang Baguio ay naging isang paboritong puntahan ng mga lokal at dayuhang turista. Ngunit dahil sa pandemyang dulot ng Covid-19, ang Baguio ay isinailalim sa lockdown noong nakaraang summer. Hindi pinayagan ang pagtanggap ng mga turista sa lungsod.
Baguio travel guide: Baguio City Travel Requirements
Kailangang planuhin ng mabuti at mas maaga kung ikaw at ang iyong pamilya ay mag out-of-town. Narito ang 4 reminders bago pumunta sa Baguio City.
- Bago makapasok sa Baguio city, ang lokal na pamahalaan ay nagtakda ng protocols. Ayon local na pamahalaan, kailangan magpakita ng rapid test results.
- Requirement din na, magparehistro sa kanilang website www.baguio.gov.ph at ilagay ang mga hinihinging dokumento tulad ng ID at medical certificate. Pagkatapos nito ay hintayin ang confirmation ng iyong pag-rehistro.
- Ang ibibigay na QR-Coded tourist pass ay hinihingi sa pagpunta mo sa lungsod, sa bawat transaksyon, at sa bawat stop over na nais mong puntahan na itinalaga ng Department of Tourism.
- Siguraduhing nasunod ang mga hakbang na ito. Kung may iba ka pang nais na malaman sa proseso, bisitahin lamang ang kanilang website. Kung nakapag-register ka na at negative sa Covid, tara Baguio na!
Larawan mula sa Shutterstock
Manila to Baguio travel guide
Namimiss mo na ba ang mahabang byahe kasama ang iyong pamilya? Perfect ang Baguio para sa long ride kasama ang mga mahal natin sa buhay. Kaya ihanda na ang music at mahabang kwentuhan.
Ang Baguio ay pwedeng marating ng kotse o bus. Di tulad sa ibang tourist destination sa Pilipinas, kinakailangan mo pang sumakay ng eroplano at barko. Mas matipid ito at siguradong sulit ang makikitang tanawin.
Noong hindi pa sarado ang mga lungsod, pwede kang makarating sa Baguio sakay ng pampublikong sasakyan tulad ng Victory Liner bus. Mayroon itong istasyon sa Cubao, Caloocan, Pasay, at Sampaloc. Ang bayad sa mga terminal na ito papuntang Baguio ay PHP 445.00.
Sa ngayon, hindi pa pinapayagan bumiyahe ang mga bus mula sa Maynila hanggang Baguio dahil na rin sa mga patakaran upang mapigilang lumaganap ang virus.
Mula sa North Luzon Expressway (NLEX) papuntang McArthur Highway, may dadaanan ka pang apat na bayan sa lungsod ng Tarlac at Pangasinan. Pagkatapos ay madadaanan mo ang Rosario, La Union kung saan ito ay itinalagang stop over ng Department of Tourism (DOT).
Sa Rosario Junction, pwede kang pumili kung gusto mong dumaan sa Kennon Road para makita ang lion head o sa Marcos Highway.
Top places to go to Baguio City
Narito ang pinakamagagandang tourist spot sa City of Pines:
Ito ay isa sa mga sikat na tourist spot sa Baguio. Tinatawag na “mother of all parks” dahil ito ay very accessible. Ito ay sinunod sa pangalan ni Daniel Burnham, isang arkitekto na nag-disenyo ng parke.
Paniguradong susubukan mong mamangka kasama ang iyong loved ones. Ito ay budget-friendly at madaling gamitin. Bukod dio, ang Park ay perfect para sa mga bata dahil may iba’t-ibang spot na pwedeng puntahan gaya ng Children’s Playground, Rose Garden, Orchidarium, Picnic Grove, Igorot Garden atbp.
Kung mayroon kang limitadong oras upang libutin ang mga atraksyon sa Baguio magtungo sa Camp John Hay. Ito ay dating pahingahan at recreation facility ng mga sundalong Amerikano.
Maaari kang pumunta sa heart-pumping eco-adventure. Sa loob ng Camp John Hay ay naroon ang Treetop Adventure na may may thrilling rides gaya ng Superman Ride (zipline), Tree Drop (harnessed free fall), at Canopy Ride.
-
Strawberry Farm sa La Trinidad
Hindi kumpleto ang Baguio experience kung walang strawberries. Kaya kumuha na ng basket at mamitas. Bukod sa unique na experience na ito, mas maa-appreciate mo din ang ating Ibaloi farmers sa pagpapahalaga sa mga yamang lupa.
Ang klima sa hilagang bahagi ay perfect para sa pagtatanim ng maraming uri ng gulay at prutas, ngunit walang mas popular at masarap kaysa sa mabilog na pulang strawberry na pwede mong pitasin.
Bukod sa mga strawberry, maaari ka ring bumili ng mga sariwang bulaklak at pumili ng mga sariwang gulay. Huwag ding kalimutang subukan ang treats tulad ng Strawberry Ice Cream at Strawberry Taho.
Larawan mula sa Shutterstock
Ang Wright Park ay para sa mga taong mahilig mag horseback riding at para sa mga gustong matuto.At good news, may maliliit ding kabayo na sakto para sa inyong mga anak. Ang mga kabayo ay nasa ilalim ng pangangalaga ng experienced handler kaya masisigurong safe ang pagsakay ng mga bata.
Kung gusto mo naming mag-unwind, pumunta na sa Botanical Garden. Ito ay pinalilibutan ng mga pine tree at iba pang puno na nagbibigay relaxation sa katawan.
Makikita sa bungad pa lang ang masterpiece ni Ben Hur Villanueva, isang kilalang Pilipinong sculptor. Nire-represent nito ang Cordillerans, Americans, Chinese at Japanes bilang katulong sa pagtatayo ng Baguio.
Kung hanap mo ay souvenirs, ilista na sa to-go list mo ang Baguio Night Market. Maraming ukay-ukay ang pwedeng mabili sa affordable price tulad ng jacket, boots, at accessories. Pagkatapos mong mamili, kumain ng noodle soup at iba pang street food delicacies sa malamig na gabi sa night market.
BASAHIN:
21 Private beach resort na pampamilya na malapit sa Maynila
22 resort na malapit sa Manila at mga dapat tandaang COVID-19 guidelines
Parents’ Guide: 12 na dapat tandaan kung balak magbakasyon kasama ang mga bata
Top places to eat in Baguio City
1. IhawJuan
Kung mahilig ka sa mga inihaw na pagkain, kumain na sa IhawJuan. Pwede ring ikaw mismo ang mag-ihaw ng pagkain. Malawak ang pagpipilian amo sa karne, gulay, seafoods at dipping sauce. Ang fried rice at sabaw ay unlimited din.
2. 50’s Diner
Kung gusto mo ng taste of Japanese and European cuisine, magpunta at kumain sa 50’s Diner.Sa halagang PHP 135, matitikman mo na ang European Schnitzel at PHP 180 ay matitikman ang Japanese tempura. Mayroon ding pancake tower meal for kids sa halagang PHP 185.
3. Good Taste and Cafe and Restaurant
Kung ikaw naman ay fan ng Chinese cuisine, Good Taste Café and Restaurant ang para sayo and for the whole family. Marami ding choices of foods gaya ng rice meals, pansit, soup mami, crispy pata at lechon beans!
Where to Stay – Hotel Accommodation
Syempre, dapat kasama sa plano ninyo kung saan kayo pwedeng mag-stay habang nasa Baguio. Maraming pwedeng pagpipilian na budget-friendly ang accommodation. Narito ang ilan sa pwede mong puntahan:
- Baguio Country Club – Ang hotel na ito ay hindi masyadong malapit sa downtown area pero huwag mag-alala, ang pamasahe papuntang downtown area ay abot-kaya. Pwede ring gamitin mo ang iyong sariling sasakyan.
- NYC Manhattan Suites ay isa sa pinaka maraming book na hotel sa Baguio. Ang mga kuwarto ay may flat-screen na telebisyon, aircon, at banyo na naglalaman ng lahat ng mga kagamitan na kailangan sa pagligo. Ang mga banyo ay may hot shower, na convenient para sa mga taong hindi pa sanay sa klima ng lungsod.
- City Center Hotel – Kumpara sa ibang hotel, mas simple ang City Center Hotel ngunit ang location nito ay sa Sesseion Road kung saan maraming restaurants at marketplace. Malapit din ito sa Burnham Park at Manila Cathedral.
Kung gusto mo ng mas budget-friendly na suite, pwede mong tingnan ang Teacher’s Camp at Tuvera Pensions House
Baguio itinerary na sa swak sa budget– 3 days and 2 nights tips
Baguio travel guide. | Larawan mula sa Shutterstock
Excited ka na bang pumunta sa Baguio? I-ready na ang budget para sa much-awaited vacation ng pamilya. Narito ang tips para sa budget-friendly 3-day, 2-night itinerary na perfect para kay tatay, nanay, ate at kuya!
Baguio Itinerary: Day 1
- PHP 7,000. para sa pamasahe, depende pa rin kung anong gagamiting sasakyan o public transportation.
- Mag check-in sa hotel (PHP 2,400) para sa dalawang gabi (AJ’s Pension)
- Umakyat sa Lourdes Grotto
- Sa hapon, pumunta ng Burnham Park (PHP 100 – para sa 30-minute boat ride; PHP 40 – –ara sa isang oras na bike ride with side care).
- Pumunta Ng Baguio City Market
- Maglibot sa Session Road
- Pumuntang SM Baguio
- Bisitahin ang Baguio Cathedral
- Mag-dinner sa Teahouse (PHP 400 budget)
Baguio Itinerary: Day 2
- Mag-almusal sa Pizza Volante (Budget – PHP 400)
- Pumunta sa Wright Park (Horse ride – PHP 200 per person for 30 minutes), The Mansion at sa Botanical Garden
- Mag-tanghalian sa Ketchup Food Community (Budget – PHP 500)
- Pumasyal sa Good Shepherd and Mines View Park
- Pumunta sa Pink Sisters Convent
- Mag-hapunan sa Good Taste Restaurant (Budget – 400)
Baguio Itinerary: Day 3
- Mag-almusal sa 50’s Diner (Budget – PHP 300)
- Mag-ikot sa Camp John Hay
- Mamasyal sa PMA grounds at Panagbenga Park
- Mag-check out sa hotel
- Mag-tanghalian sa Ebai’s Café & Pastry (Budget – PHP 400)
- Umuwi gamit ang dala o rentang sasakyan
Total trip budget – PHP 13, 920
Baguio Travel Tips
- Siguraduhing sinunod ang Baguio health protocols. Magsuot ng face mask, face shield at magdala ng alcohol. Palagiang mag-sanitize. Sundin ang social distancing
- Huwag kalimutan ang iyong QR-code tourist pass. Hindi ka nakapalibot sa Baguio kung wala ito
- Maghanda sa malamig na hangin lalo na sa umaga at gabi. Siguraduhin na-empake ang mga jacket at makapal na damit.
- Magdala ng komportableng sapatos.
- Sumakay ng jeep kaysa taxi kung pupunta sa ibat’ibang tourist spot.
- Huwag kalimutan bumili at kumain ng strawberries.
Basahin ang English version nito dito!
Source:
Baguio City, ThePoorTraveler, GuideToThePhilippines
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!