5 dahilan kung bakit ayaw dumede ni baby

May sakit, stressed, o distracted ba ang iyong sanggol? Nagbago ka ba ng pabango? Ilan ito sa maaaring dahilan kung bakit ayaw dumede ni baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bigla na lang bang ayaw dumede ni baby? Bakit ayaw dumede ni baby kay mommy? Maraming maaaring dahilan o sanhi kung bakit ayaw dumede ni baby, matapos ang ilang buwang maayos na pagpapadede. Ang tawag dito ay breastfeeding strike. Kadalasan, ito ay senyales na may iba pang mas malalim na dahilan. 

Baka mukhang gusto ni baby na dumede, ngunit bigla itong mawawalan ng gana, hindi ka papansinin o iiyak. Ang breastfeeding strike ay nangyayaring biglaan kung minsan, at gradually naman sa iba.

Narito ang mga posibleng dahilan o sanhi kung bakit ayaw dumede ng iyong baby. Maaari itong makatulong sa inyo sapagkat kapag alam natin ang sanhi, malalaman natin ang pwedeng gawin at solusyon sa problemang ito.

Kaya naman basahin mo niyo ito mga moms if napapansin ninyo na ayaw dumede ni baby.

title="Bakit ayaw dumede ni baby kay mommy? Mga puwedeng gawin kapag ayaw dumede ni baby ">Bakit ayaw dumede ni baby kay mommy? Mga puwedeng gawin kapag ayaw dumede ni baby

5 dahilan kung bakit ayaw dumede ni baby

1. May sakit o discomfort sa pag-be-breastfeed

Larawan mula sa iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Baka si baby ay nagti-teething, may oral thrush, o may singaw kaya ayaw dumede ni baby. May nararamdaman ding sakit sa pagdede kung may ear infection si baby. At saka kapag bagong bakuna ang sanggol, maaaring ang posisyon habang dumedede ay masakit para sa kaniya.

Kaya naman maaaring ibahin ang posisyon ng pagpapadede kay baby. Para hindi siya makaramdam ng sakit o discomfort. Sa ganitong paraan makakadede siya ng maayos.

2. May sakit kaya ayaw dumede ni baby

Isa sa mga dahilan kung bakit ayaw dumede ni baby ay baka may sakit siya. Nahihirapang huminga ang sanggol kung ito ay may sipon o barado ang ilong.

Siguraduhin na regular siyang napapa-check up sa kaniyang doktor. Maging mapanuri ka rin sa kaniyang mga ikinikilos. Baka kasi kaya ayaw niyang dumede ay dahilan may nararamdaman na si baby.

Kaya naman dapat maging aware ka rin sa kaniyang iba pang mga kinikilos. Hindi kasi makakapagpasalita si baby. Tanging sa mga paggalaw ng katawan o pag-iyak ang kaniyang uri ng communication.

3. May nakaka-stress o nakaka-distract kaya ayaw dumede ni baby

Kung overstimulated, madalas ma-delay ang pagpapasuso, o nawalay sa iyo nang matagal, ang ilan sa dahilan kaya ayaw dumede ni baby. Kung masyadong distracted ang sanggol ay maaaring hindi rin ito makadede.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman iwasan ang mga bagay na maaaring makapagpa-stress sa iyong baby o mga bagay na maaaring makakapagpa-distract sa kaniyang pagdede. Gawing komportable ang kaniyang experience sa breastfeeding.

4. Kakaibang amoy o lasa.

Isa pa sa mga sanhi kung bakit ayaw dumede ni baby ay baka may kakaibang amoy siyang naamoy o may ibang lasa siyang nalalasahan.

Kung nagbago ka ng ginagamit na sabon, shampoo, lotion, o pabango, baka manibago si baby at maging dahilang kung bakit ayaw na niyang dumede sa iyo. 

Ang iyong mga kinakain, ang pagkakaroon ng buwanang dalaw, o ang pagiging buntis ulit, ay maaari ring makaapekto sa lasa ng iyong gatas at dahilan upang mag-breastfeeding strike si baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5. Kumonti ang iyong gatas.

Isa maaari sa mga dahilan kung bakit ayaw dumede ni baby ay ang kaunti mong gatas. Ang pag-gamit ng formula milk o pacifier nang madalas ay maaaring makahina ng supply ng iyong gatas. Maaari ring senyales ito na ikaw ay buntis ulit.

*Alalahanin na hindi dahil ayaw na dumede ni baby ay ibig sabihin handa na itong mag-wean. Madalas ay natatapos din agad ang breastfeeding strikes.

Larawan mula sa iStock

Dahil baki ayaw dumede ni baby: newborns

Bukod sa mga older babies na nagkakaroon ng breastfeeding strike, maaari ding ayaw dumede ng babies na newborn.

Ang isang bagong-silang na sanggol ay maaaring magkaroon ng problema sa pag-aaral kung paano magbreastfeed. Narito ang ilan sa mga problema sa pagpapasuso na maaari mong maranasan sa isang bagong panganak na baby.

1. Problema sa pag-latch

Ang paraan ng pagdikit ng bibig ng iyong sanggol sa iyong suso kapag siya ay nagpapasuso ay tinatawag na latch. Kung ang iyong bagong panganak ay hindi kumakapit nang maayos, hindi magiging epektibo ang kaniyang pagsuso.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Habang ang iyong sanggol ay nagiging mas gutom at mas bigo sa pag-latch, ang iyong sanggol ay maaaring magsimulang tanggihan ang suso.

2. Premature ang iyong baby

Maaaring hindi ka makapagpapasuso kung ang iyong sanggol ay ipinanganak nang maaga at kailangang manatili sa ospital.

Pagkatapos, kapag nakapagpapasuso na ang iyong anak, maaaring tumagal ito ng ilang oras upang makapagsimula. Ang mga maliliit na sanggol ay may maliliit na bibig. Ang iyong anak ay maaaring hindi maka-latch ng maayos hanggang sa lumaki ito.

Gayundin, ang mga premature baby ay may mas kaunting enerhiya para sa pagpapasuso. Maaaring hindi niya pa kayanina ng magbreastfeed.

Pansamantala, maaari mong bigyan ang iyong sanggol ng pumped na gatas hanggang sa siya ay sapat na malaki at may sapat na lakas upang magbreastfeed mismo sa iyong suso.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Mayroon kang flat o inverted nipples

Karamihan sa mga sanggol ay maaaring makapag-breastfeed ng maayos kahit na sa flat o inverted nipples. Ngunit, sa ilang mga kaso, mahirap para sa sanggol na kumapit sa dibdib.

Kung ang iyong bagong panganak ay hindi kumakapit at sa tingin mo ay dahil ito sa iyong mga utong, maraming paraan upang matagumpay na maitama ang patag o baligtad na mga utong at gawing posible ang pagpapasuso.

Ang pagpapasigla sa iyong mga utong o paggamit ng breast pump bago ka magpasuso ay makakatulong upang mailabas ang mga ito at gawing mas madali para sa iyong sanggol na kumapit.

4. Kulang sa gatas

Para sa mga new-time moms o mga ina na may ilang partikular na kondisyon sa kalusugan, maaaring tumagal ng ilang araw bago magkaroon ng breast milk.

Ang pagkaantala na ito ay maaaring nakakadismaya para sa iyo at sa iyong bagong panganak. At kapag ang isang bagong panganak ay nabigo, maaaring magsimula siyang tanggihan ang iyong breast milk.

Ilagay ang sanggol sa dibdib nang madalas hangga’t maaari at kung kailangan mong dagdagan ng formula sa panahong ito, huwag makonsensya.

Bakit ayaw dumede ni baby kay mommy? Mga puwedeng gawin kapag ayaw dumede ni baby

Huwag panghinaan ng loob kung ayaw dumede ni baby. Huwag ding ma-guilty dahil hindi mo ito kasalanan.

Maging matiyaga habang naga-adjust sa feeding habit na ito ng iyong anak. Upang maiwasan ang pamamaga ng iyong breasts at ma-maintain ang iyong milk supply, patuloy na mag-pump ayon sa feeding schedule ni baby. Subukan itong ipainom sa kaniya gamit ang kutsarita, dropper, o feeding bottle.

Puwede ring:

Subukan muli

Ilapit ang iyong nipple at subukang padedehen si baby. Kung ayaw niya, huminto at subukan muli matapos ang ilang oras. Huwag kang susuko. 

Ibahin ang feeding position

Kung barado ang ilong ni baby, hawakan siya nang patayo habang nagpapadede. Baka makatulong din kung isa-suction ang ilong ni baby bago magpadede.

Tanggalin ang distractions

Subukang magpadede sa tahimik at madilim na lugar. Isa ito sa mga paraan na maaari mong gawin upang dumede ulit si baby.

I-cuddle si baby

Ang skin-to-skin contact ay maaaring maka-engganyo kay baby na dumede muli. Kaya naman subukan ang pamamaraang ito upang mapapade muli si baby at makuha niya ang mga kinakailangan niyang sustansiya. 

Larawan mula sa iStock

Pahupain ang teething issues.

Bago magpadede, kuskusin ang gilagid ni baby gamit ang basang washcloth o ang iyong daliri. Kung kinakagat ka ni baby habang siya ay dumedede, huwag masyado mag-react at ipasok ang daliri sa bibig ni baby upang matanggal ang suction.

I-address ang biting issues. 

Kung ang iyong anak o baby ay kinakagat ka tuwing breastfeeding, maging kalmado lamang at ipaasok ang iyong daliri sa bibig ng iyong baby. Upang matigil ang ng mabilis ang suction.

Obserbahan ang iyong sarili.

May nagbago ba sa iyong routine? Stressed ka ba? May bagong iniinom na gamot? Nag-iba ba ang iyong diet? Nagpalit ka ba ng sabon o pabango? Buntis ka ba? Maaaring ito ang sanhi kaya ayaw dumede ni baby.

Matulog kasama si baby

Sa ganitong paraan, magkakaroon ng easy access si baby sa iyong breast habang natutulog at maaari itong makatulong upang mapadede siya.

Magpatugtog ng music

Makakatulong din ang pagpapatugtog ng music na nakakapagpakalma kay baby. Makakatulong din ito upang siyang dumede ulit.

Magpadede sa medyo madilim na lugar

Ang paraan na ito’y makakatulong din upang mapadali at dumede ulit ang iyong baby. Maaari i-dim ang ilaw sa inyong kwarto o kwarto kung saan siya papadehin.

Maaari mo ring subukang ang padedehin siya gamit ang spoon, eyedropper, o syringe habang sinusubukan mong mapabalik siya sa breastfeeding.

Siyempre, bilang nanay gusto natin na makuha ni baby ang sustansiyang kinakailangan niya. Kaya naman pwedeng gawin ang ganitong option.

Larawan mula sa iStock

Kung hindi talaga siya magre-respond sa mga paraang ito, maaari ring ikonsidera ang bottle feeding. Siguradhin na ikonsulta rin muna ito sa doktor at humingi ng payo patungkol sa formula milk na iyong ipapadede sa iyong baby.

Pero pwede namang gamitin o ipadede kay baby ang iyong breastmilk gamit ang bottle feeding. Siguradihin lamang din na naka-store ito ng maayos. Baka kasi masira ito at wala nang nutrients na makukuha ang iyong anak o baby.

Tandaan:

Kung matagal nang ayaw dumede ni baby, kung labis na umonti ang basang diaper niya kada araw, at kung nag-aalala sa paraan ng kaniyang pagdede, kumonsulta sa kaniyang doktor.

Tandaan mga mommy na mas mainam pa rin ang payo ng mga doktor para sa kalusugan ng iyong baby. Kaya huwag mahiya na lumapit at humingi ng tulong sa iyong doktor. 

 

Karagdagang impormasyon mula kay Margaux Dolores at Marhiel Garrote

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Romy Peña Cruz