Sa isang pamilya, hindi lagi saya ang mararanasan mo. May pagkakataong makakaramdam ka ng kakaibang pakiramdam na maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng lamat sa relasyon mo sa iyong pamilya. Ayaw mo naman sigurong mapatanong ka ng “Bakit naghihiwalay ang isang pamilya?”
Mga uri ng sikreto na nakakasira ng pagsasama ng pamilya
Lahat tayo ay may iba’t-ibang sikreto na pilit nating tinatago. Ayaw nating ipaalam ito sa iba dahil kadalasan, takot tayo kung paano sila mag-re-react dito. Ngunit alam mo bang ang isang sikreto ng bawat myembro ng pamilya ay maaaring maging umpisa ng pagkakagulo sa loob ng inyong bahay?
Ayon sa pag-aaral, mayroong iba’t-ibang uri ng sikreto ang mga tao. May benepisyo rin ito sa dalawang tao lalo na kung hindi nahihiyang ibahagi ng isang anak ang kanyang sikreto sa magulang niya. Sa pamamagitan nito, mas tumitibay ang pagtitiwala at nagiging malapit pa ang loob nila sa isa’t-isa.
Ngunit para sa ibang pamilya, hindi lahat ng sikreto ay kailangang ibahagi.
Meron kasing ibang pamilya na ayaw ilabas ang ‘sikreto’ dahil iniiwasan ang mapahiya o makaranas ng negatibong reaction sa mga tao. Kasama na rito ang pagkakaroon ng third party, sekswal na pang-aabuso na seryosong problema na kailangang bigyan agad ng aksyon.
Kaya narito ang mga karaniwang sikreto ng pamilya na nagiging dahilan ng pagkasira nila.
1. Pansariling sikreto
Normal sa isang tao ang magkaroon ng individual secret. Halos lahat tayo ay meron nito. Isang magandang halimbawa nito ay ang pagkakaroon ng romantic relationship ng iyong anak. Dahil bata pa siya at alam niyang pinagbabawal pa ito, ang tanging desisyon lang niya ay ang itago ito. Isa pang karaniwang nararanasan ay ang pagkakaroon ng third party o kaluguyo ng asawa.
Nagtatago tayo ng sikreto dahil alam natin ang consequence na mararanasan sa likod nito.
2. Sikreto sa loob ng dalawang myembro ng pamilya
Nagsisimula ang uri na ito kapag ang isang myembro ng pamilya ay sinabi ang kanyang sikreto sa iba pang myembro nito. Katulad na lamang kapag nalaman ng anak na may kalaguyo ang kanyang tatay at sinabi nito na kailangang sikreto muna sa kanilang nanay. Dito ay nagkakaroon ng ‘sub-groupings’ na dahilan ng pagkakalayo ng pamilya. Lumalabas rito na may napag-iiwanan na isang member ng pamilya dahil wala siyang alam sa nangyayari.
3. Sikreto sa loob lang ng pamilya
Sa pagkakataon namang ito, involved na ang buong myembro ng pamilya. Kumbaga hindi makakalabas ng bahay at tanging umiikot lang sa mga ito ang sikretong iniingatan nila. Kadalasang nangyayari ito dahil takot silang ilabas ang sikreto dahil sa maaaring maging reaksyon ng ibang tao. Takot sila na mapahiya o mahusgahan.
Ang sikreto na ito ay nagbibigay ng boundary mula sa pamilya at sa outside world. Ang pangunahing papel nito ay ilayo sa kahihiyan at judgement ang buong pamilya.
Source:
BASAHIN:
Huwag na huwag mong sasabihin ito sa iyong asawa kahit na galit ka
Masakit magsalita? 10 bagay na hindi dapat sinasabi ng mag-asawa sa isa’t-isa
ALAMIN: Gaano kahalaga ang pagbibigay ng tulong ng iyong pamilya sa pagbubuntis mo?