7 posibleng sanhi ng newborn eye discharge

Mommy, nagmumuta ba si baby? Narito ang mga hakbang sa pag-aruga sa iyong sanggol na may problema sa pagmumuta ng kanilang mga mata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mommy, bakit kaya nagmumuta ang baby? Narito ang mga hakbang sa pag-aruga sa iyong sanggol na may problema sa pagmumuta ng kanilang mga mata.

Ang muta ay isang normal na bagay na lumalabas sa ating mga mata. Ngunit ito’y nakakabahala kung napapadalas ang pagmumuta lalo na kay baby. Narito ang mga bagay na dapat mong malaman tungkol sa newborn eye discharge o kung bakit nagmumuta ang baby.

Ano ang newborn eye discharge o bakit nagmumuta ang mata ng baby

Karaniwan ang pagkakaroon ng newborn eye discharge o pagmumuta pagkapanganak kay baby, o sa mga unang linggo ng kaniyang buhay.

Isa ito sa mga kondisyon na gumagaling at nawawala kahit walang paggamot o intervention. Bagama’t may mga pagkakataon na kinakailangan ng atensiyon at opinyong medikal.

Ang newborn eye discharge ay karaniwan at kadalasang resulta ng nakaharang na tear duct. Ang pagbarang ito ay karaniwang naaalis ng kusa sa loob ng 4 hanggang 6 na buwan. 

Gayunpaman, ang mga newborn na may pamumula ng mata, pagmumuta, o labis na pagluluha ay dapat ipatingin sa doktor upang masuri ang sanhi at upang maalis ang impeksyon sa mata.

Ayon sa American Academy of Ophthalmology, halos 20 porsiyento ng mga newborn ay may blocked tear duct. Maaaring mangyari ang kondisyong ito dahil ang dulo ng tear duct ay hindi nagbubukas nang maayos kapag ipinanganak ang sanggol.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang blocked tear duct ay maaaring makaapekto sa isa o parehong mata ng sanggol.

Pagmumuta ng mga mata ng baby o Newborn Eye Discharge

Larawan mula sa Shutterstock

Paano nga ba aalagaan ang mga mata ng iyong baby kapag mayroon siyang newborn eye discharge o pagmumuta ng mata? Narito ang mga hakbang upang maiwasan ang paglala o komplikasyon.

Nagmumutang mata ng baby, bakit kaya?

Ang pagmumuta ng mata ng baby o nagmumutang mata ay tinatawag ring nasolacrimal duct obstruction. 5 porsyento ng mga bagong panganak na baby ang may tendensiyang magkaroon ng nagmumutang mata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Masasabing may katuturan kung bakit nagiging mas madalas para sa mga baby ang pagmumuta ng mata o magkaroon ng nagmumutang mata. Ang kondisyong ito sa mata ng bagong panganak ay posibleng may kaungnayan sa panganganak sa baby.

Isa din sa mga itinuturong sanhi ng nagmumutang mata ng baby ay ang failure ng membrane sa pinakasulok ng tear duct. Ang iba pang sanhi ng pagmumuta ng mata ng baby ay birth defects, tulad ng absent eyelids o nasal bone na nakabara sa tear duct.

Pagmumuta ng 1 year old baby

Hindi rin maiiwasan ang pagmumuta ng 1 year old baby o toddler. Sa ganitong edad, prone pa rin sila sa viral infection at bacteria, na sanhi ng pagmumuta ng mata.

Sa mga kaso ng pagmumuta ng 1 year old baby, ang mga sanhi naman ay kadalasang hindi nakakapahamak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero, hindi ibig sabihin na hindi ito kasing delikado ng pagbabara ng tear duct o viral infection ay kailangan ng magpakampante. Dahil nakakasagabal ang pagmumuta ng 1 year old nyong baby, ang pagpunta sa doktor para ikonsulta ito ay mahalaga para malaman din kung bakit nagmumuta si baby.

Sintomas ng newborn eye discharge o pagmumuta ng mata ng baby

Mapapansin mo na kaagad kung may pagmumuta o newborn eye discharge ng isang sanggol na kapapanganak pa lamang. Kuwento ni May Anne DeRama-Santos, noong ipinanganak ang kaniyang anak na si Rain, nakita nila agad ang na nagluluha ito ay may madilaw na discharge sa dalawang mata.

“Sabi ng doktor, normal daw ‘yon sa mga babies,” ani May Anne. Nawawala din ito pagkalipas ng ilang araw at hindi dapat ikabahala.

May iba-ibang sanhi o dahilan kung bakit nagmumuta ang baby. Kung alam mo ang mga sintomas na dapat tingnan, magkakaroon ng ideya kung ano nga ba ito, at masasabi sa doktor kaagad.

Ayon kay Nornelie Paniza, RN, ito ang mga dahilan kung bakit nagmumuta ang baby:

1. Baradong Tear Duct

Ito ang nangyari kay baby Rain, kuwento ni MayAnne. Tinatayang 50% ng mga bagong panganak na sanggol ay nagkakaroon ng newborn eye discharge dahil sa baradong tear ducts. Matubig ang mga mata kaya’t tumutulo ang luha kahit hindi naman umiiyak.

Mayroon din namumuong tuyong luha sa sulok ng mata, dahil hindi nailalabas, kaya’t nagiging madilaw, o tinatawag na muta o sleep crust.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung hindi mapula o wala namang pink eye, walang dapat ikabahala. Ngunit kapag nababad ng matagal ang mata at sulok ng mata, at hindi dumadaloy ang luha, maaaring maimpeksiyon.

2. Normal na Discharge

Minsan naman ay may kaunting discharge mula sa mata dahil sa mucus na nabuo mula sa maduming kamay na naikamot o nakusot sa mata. Napupunasan ito kaagad at walang kailangang gamot.

Larawan mula sa dreamstime

3. Napuwing o may pumasok sa mata

May mga pagkakataon naman na napupuwing ang bata, o may mga maliliit na bagay tulad ng buhangin o alikabok ang napupunta sa mata ng bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung hindi ito maalis agad, nagkakaron ng reaksiyon ang mata—at may inilalabas na mucus o maaari din itong maging sanhi ng impeksiyon.

4. Bacterial Conjunctivitis

Ang kondisyong ito ay isang bacterial infection sa mata. May lumalabas na nana o pus na naghuhudyat ng impeksiyon. Nagkakadikit-dikit ang pilik mata ng bata at halos hindi na maidilat ang mga mata.

5. Viral Conjunctivitis

Bagaman ito ay hindi gaanong karaniwan sa mga sanggol, ang ilang mga virus ay maaaring magdulot ng neonatal conjunctivitis. Ang herpes simplex-2 (HSV-2) na nauugnay sa genital at oral herpes ay karaniwang sanhi ng eye discharge. 

Kung ang isang ina ay may aktibong impeksyon sa genital herpes o nasa panganib na magkaroon ng flare-up, maaaring magrekomenda ang obstetrician ng cesarean section sa halip na isang vaginal delivery.

Ang mga impeksyon sa herpes sa mga mata ay maaaring maging malubha na humahantong sa pinsala sa mata at pagkawala ng paningin.

6. Chemical Conjunctivitis

Kung minsan ang paglalagay ng eye drop o eye ointments sa mata ng newborn para maiwasan ang bacterial infection ay maaaring maka-irita sa kanilang mata. Maaaring ma-inflamed ang mata at lumala. 

7. Eyelid Cellulitis 

Ito ay isang delikadong impeksiyon sa talukap ng mata at mga tisyu sa paligid nito. Ang pangunahing sintomas nito ay mapula, namamaga, napakalambot na talukap ng mata. 

Maaaring mamaga ang mata. Kadalasan sa isang parte lang ng mata. Ito ay maaaring isang problema na sanhi ng bacterial conjunctivitis.

Ang impeksyon sa mata ay kumakalat sa loob. Mas madalas na ito ay sanhi ng impeksyon na ethmoid sinus. Ang ganitong uri ay nangyayari nang walang anumang nana sa mata.

Para makasigurado, maagap na dalhin sa doktor ang sanggol para makita kung ano nga talaga ang kondisyon at kung bakit nagmumuta ang baby, at mabigyan ng gamot kung kinakailangan

Tanging ang doktor ang makapagsasabi kung ano ang pinakamabisang paraan para matulungan si baby at sahi kung bakit nagmumuta siya. Ang mahalaga ay masiguradong walang impeksiyon, o kung mayroon man, ay magamot ito kaagad.

Bigyan ng unang lunas o home remedy, para maibsan ang kondisyon o maiwasan ang paglala

Narito ang mga maaaring gawin upang lunasan ang sanhi kung bakit nagmumuta ang baby:

  • Bago hawakan ang parte na malapit sa mata ng bata, mahalagang hugasan ang mga kamay ng sabon at maligamgam na tubig upang maiwasan ang mga impeksyon. Banlawan nang maigi ang mga kamay pagkatapos linisin ang mga ito upang maiwasan ang pagkakaroon ng sabon sa mata ng sanggol.
  • Punasin ang madilaw o namuong discharge sa mata ng bata gamit ang malambot at malinis na pamunas na binasa ng maligamgam na tubig.
  • Dahan-dahang (huwag madiin) masahehin ang tear ducts para matanggal ang bara. Ito ang bahagi ng mata na nasa sulok, sa bandang ibaba, malapit sa ilong. Siguraduhing malinis ang mga daliri kapag ginawa ito. Ulitin ng hanggang 6 na beses sa loob ng isang araw.
  • Akala ko noon ay paniniwala lang ng matatanda ang pagpatak ng gatas ng ina sa mata kapag may discharge o sore eyes. Ngunit ayon sa mga pagsusuri, pagsasaliksik at mga doktor. Ang gatas ng ina ay may taglay na antibiotic properties at white blood cells, kaya’t sinasabing ligtas itong gamitin sa mga sanggol na may blocked tear duct o newborn eye discharge, ngunit walang sapat na ebidensiya para sabihing ito ay nakagagamot ng conjunctivitis. Ang ilang patak lamang sa tear ducts ay makakatulong ito sa bacterial infection. Mas ligtas pa nga daw ito sa mga gamot. Mas makakabuting hingin ang payo ng doktor bago subukan ang alternatibong ito.

Kailan dapat magpatingin sa doktor?

Kumonsulta sa doktor. Ang mga nabanggit sa itaas ay mga alternatibo habang hindi pa naikukunsulta sa doktor ang kondisyon ng sanggol. Wala pa ring mas mahalaga kundi ang diagnosis at paggamot ng isang pediatrician o espesyalista. Maiging alamin ang dahilan kung bakit nagmumuta ang baby mo.

Ang mga newborn na may sintomas ng impeksyon sa mata ay dapat magpatingin kaagad sa doktor. Ang mga sintomas ng impeksyon sa mata ay ang mga sumusunod:

  • Mapula at sore na mata,
  • namamagang talukap
  • dilaw o berdeng nana o discharge
  • isang bukol o pamamaga sa loob ng sulok ng mata

Ang mga newborn na may discharge sa mata o nagluluha na mga mata ay dapat magpatingin sa isang pediatrician o pediatric ophthalmologist.

Ang mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan na ito ay maaaring masuri ang sanhi ng paglabas at suriin ang mga sign ng impeksyon.

Mahalaga rin na humingi ng medikal na payo para sa isang sanggol kung ang kanilang tear duct ay nananatiling barado pagkatapos ng 6 hanggang 8 buwan.

Sundin ang payo ng doktor at huwag kaligtaan ang mga nireseta o binigay na gamot.

Larawan mula sa Shutterstock

Medical treatment o gamot para sa pagmumuta ng mata ng baby

Sa mga bagong silang, ang mga naka-block na tear duct ay kadalasang bumubukas nang mag-isa sa loob ng ilang buwan pagkatapos ng kapanganakan. Maaaring maging delikado ang ganitong kondisyon, lalo na kung ito ang dahilan kung bakit laging nagmumuta ang baby.

Gayunpaman, kung ang pagbara ay hindi naresolba ng 1 taong gulang, maaaring magrekomenda ang doktor ng medikal na paggamot na tinatawag na nasolacrimal duct probing.

Ang procedure na ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagpasok ng isang maliit na probe sa tear duct ng sanggol. Ang probe na ito ay unit-unting lumalaki para mabuksan ng doktor ang tear duct. Pagkatapos ay gagamit ng saline solution upang maalis ang anumang natitirang dumi.  

Kung minsan, maaari ring magpasok ang doktor ng maliit na tube, o stent sa duct upang panatilihing bukas ito.

Bago isagawa ang procedure na ito, maaaring bigyan ng doktor ang sanggol ng pampamanhid na patak sa mata o ilalagay ang mga ito sa ilalim ng light general anesthetic. Ito ay para maiwasan ang isang bata na makaramdam ng anumang sakit. 

Ang procedure na ito ay karaniwang matagumpay sa pagbubukas ng tear duct. Para sa mga batang may matinding eye blockage, maaaring magrekomenda ang doktor ng mas kumplikadong surgical procedure na tinatawag na dacryocystorhinostomy para alisin at buksan ang tear duct.

Gamot sa pagmumuta ng mata ni baby

Ang anomang lunas at gamot sa pagmumuta ng mata ni baby ay nakadepende pa rin sa pinagmumulang dahilan ng kondisyon sa mata.

Kung may nakakapuwing na maliit na bagay, pwedeng dahan dahang punasin ang nakasarang mata ni baby patungong ilong. Kung malaki naman ang nakapuwing o nasa loob ng mata at imposibleng matanggal, dalhin agad ang anak sa doktor.

Dagdag pa, ang paggamit ng warm compress ay nakakatulong ding maibsan ang mga sintomas ng stye o kuliti at baradong tear duct. Kung wala pa ring talab ang warm compress, posibleng impeksyon na ito na dulot ng malalang kondisyon ng mata ni baby.

Ang inyong doktor ay maaaring magrekomenda ng ilang mga gamot sa pagmumuta ng mata ng baby:

  • antibiotics para sa impeksyon dulot ng bacteria
  • steroids naman sa impeksyon sanhi ng virus, o allergic reaction na hindi nawawala
  • at surgery para sa baradong tear duct na hindi kusang nawawala sa loob ng ilang linggo pagkatapos maipanganak ni baby

Isaalang-alang din ang kalusugan ni baby bago bumili ng over the counter na gamot sa pagmumuta ng mata niya. Itanong muna din sa doktor kung makakabuti ba ang mga gamot sa pagmumuta ng mata ng baby sa kanyang edad at iba pang di nalalamang allergy sa gamot. Ikonsulta rin ang dahilan kung bakit nagmumuta ang baby.

 

Karagdagang ulat mula kay Kyla Zarate at Nathanielle Torre

PubMed Health. Conjunctivitis. A.D.A.M. Medical Encyclopedia 2010 [cited 2011 November 6]. Fields, D. and A. Brown. Baby 411: Clear Answers and Smart Advice for Your Baby’s First Year. 3rd ed. Boulder, CO: Windsor Peak Press. 2008., SeattleChildrens.org, VeryWellHealth, Medical News Today, Healthline, Web MD

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.