Tanong ng mga anak, “Bakit strikto ang mga magulang?”
Parents, kung hindi mo pa rin alam kung ano ang parenting style mo sa iyong mga anak, maaaring subukan ang authoritative parenting na makakatulong sa mga bata.
Mababasa sa artikulong na ito ang:
- Pag-aaral tungkol sa authoritative parenting
- Apat na dimensyon ng authoritative parenting
- Epekto ng pagiging strikto ng magulang sa bata
Napagalaman na ang mga batang may authoritative o striktong magulang ay lumalaking independent. Ito ay dahil sa guidance at makatuwirang standard na ibinibigay sa kanila.
Ayon sa isang licensed mental health counsellor na si Celia I. Mion-Araoz sa Insider, “The child who has a parent with the more authoritative style tends to be more independent since they are given more choices as long as the end result is what the parent is asking for,”
Bakit strikto ang mga magulang?
Ano ito?
Isa sa mga parenting style na nakita ng mga researcher ay ang authoritative parenting. Ang maganda sa approach na ito ay nagpapakita ng pagiging mahigpit at suporta sa kanilang mga anak.
Ang mga striktong magulang ay nagbibigay ng limitasyon at expectation sa kanilang mga anak ngunit hindi pa rin nakakalimutang respetuhin ang kanilang mga desisyon. Pinapakinggan nila ang ang opinyon at saloobin ng kanilang anak pero nagbibigay pa rin ng consequence bilang resulta sa hindi pagsunod sa ibinigay na limitasyon.
Nagbigay ng apat na dimensyon tungkol sa parenting ang developmental psychologist na si Stephen Glicksman. Ito ay tumutukoy sa lahat, para na rin maintindihan ng todo kung bakit strikto ang mga magulang.
1. Kontrol
Kilala ang authoritative parenting sa pagkontrol ng desisyon o pagbibigay ng impluwensya sa ng kanilang mga anak. Nagbibigay din ito sila ng rules at limitasyon ngunit hindi nakakalimutang maging flexible at i-slow down ang mga nangyayari kapag alam nilang, sumosobra na ang epekto sa kanilang anak.
2. Clarity
Mahalagang component ang komunikasyon sa relasyon ng pamilya lalo na sa iyong anak. Kaya naman mapapansing nagbibigay ng oras ang mga stiktong magulang sa kanilang anak na magsalita at ibigay ang opinyon nila sa gitna ng pag-uusap. Dito rin ibinabahagi ang bawat rason ng kanilang approach sa isang problema.
3. Maturity demands
Ang dimensyon na ito ay kapag ang mga magulang ang nagbigay ng lakas ng loob at pressure sa kanilang mga anak. Dito na pumapasok ang ang usapin sa pagbibigay ng expectation ng mga magulang sa kanilang anak.
BASAHIN:
Ito ang epekto sa bata kapag mabilis mo siyang nakakagalitan
4. Nurturance
Ang mga batang lumaki sa striktong paraan ay naalagaan pa rin kahit na may expectation ang kanilang mga magulang. Ito ay dahil sinuportahan pa rin nila ang mga anak kahit na may nagawang mali imbes na bigyan ng matinding parusa.
Ano ang epekto sa bata ng pagiging strikto?
Ayon sa research, kahit nasa striktong pamilya ang mga batang ito, sila ay lumalaking masaya, independent, kontrolado ang sarili at mas magiging successful sa kanilang future.
May tiwala sila sa kanilang mga magulang at walang pangamba na ibahagi ang kanilang nararamdaman sa kanila.
Dagdag pa ni Glicksman na, “get along better with peers, and are generally able to better cope with life’s ups and downs.”
Bakit strikto ang mga magulang at paano ito naging epektibo?
Ayon kay Mion-Araoz, ang kailangang tandaan at importanteng bahagi ng parenting style na ito ay ang consistency.
Para sa mga magulang na nais ng ganitong approach, kailangan mong magbigay ng expectation at limit sa iyong anak. ‘Wag kakalimutan din na pakinggan ang kanilang opinyon. Pagbutihin lang ito at makikita mo ang tagumpay sa iyong anak.
Dagdag pa ni Mion-Araoz,
“We live in a world where authority is a part of everything we do, and your first sense of what authority is comes from your parents, so you have to help children learn boundaries and structure but in a positive, healthy way,”
Paalala sa mga magulang, hindi lahat ay swak sa ganitong parenting style. Kinakailangan mong piliin ang parenting style na tama para sa iyong anak. Lahat ng bata ay magkakaiba at hindi ibig sabihin ay na perpekto ang resulta ng iba’t-ibang parenting style.
Translated with permission from theAsianparent Singapore