Nakakairita talaga kapag makati ang anit. Alamin dito ang mga mabisang gamot sa balakubak!
Sino nga ba ang hindi pa nakakaranas ng pagkakaron ng pesteng balakubak? Makati sa anit, nakakairita, at nakakahiya pa nga dahil kapag itim ang suot mo, halatang-halata ang pagbagsak nito sa balikat at likod mo.
Hindi naman ito dahil sa dumi ng katawan o dahil hindi ka naliligo. Hindi rin ito sintomas ng anumang malubhang karamdaman o sakit, at lalong hindi nakakahawa. Nakakairita man ay kayang-kaya itong masolusyunan. Ano nga ba ang gamot sa balakubak? Mayroon bang gamot sa balakubak home remedy o halamang gamot sa balakubak?
May mga shampoo na gamot sa balakubak. May mga natatanggal kaagad gamit ang anti-dandruff shampoo, o kaya ay regular na shampoo at pagbabanlaw nang mabuti. Pero mayroon ding mga mas malalang kaso ng balakubak na nangangailangan talaga ng gamot o medicated shampoo.
Ano nga ba ang balakubak?
Image from Freepik
Dahil hindi mo nakikita sa sarili mo, unang sintomas na mapapansin ay ang labis na pangangati ng anit. Habang nagkakamot, dito na makakapa ang makapal na langib o malangis (minsan naman ay tuyo) na “flakes" na nakadikit sa anit.
Ito ay ang dead skin na kapag kinamot ay nadudurog kaya naman nagiging parang malalaking alikabok na nahuhulog sa balikat at likod. Karaniwang mas malala ito kapag malamig ang panahon.
Sa mga sanggol na bagong panganak, karaniwang makikita ang tinatawag na cradle cap, na isang uri ng balakubak. Tulad ng balakubak sa mga matatanda, ito rin ay makapal, tuyo, at buo-buo. Hindi ito basta natatanggal. Kailangang ibabad sa langis ang anit bago dahan-dahang suklayin ng suklay na pang-sanggol.
May ibang doktor na nagpapayong hayaan lang na matanggal ito ng kusa. Basta’t hinuhugasan at sinasabon ang ulo ng bata araw-araw, matatanggal ito ng kusa. Kapag kasi pinilit kudkurin maaaring masugatan ang anit ng sanggol.
Ano ang sanhi ng balakubak?
Image from Freepik
Ito ang karaniwang pagtataka ng marami: Ano nga ba ang ginawa ko at nagkaroon ako ng balakubak?
Narito ang mga posibleng dahilan kung bakit nagkakaroon ng balakubak sa ulo:
-
Hindi paghuhugas ng buhok at anit
Kung hindi nagsha-shampoo nang madalas, o nahuhugasan ang buhok, ang oil at skin cells ng anit ay nagbubuo-buo, at nagiging balakubak.
-
Seborrheic dermatitis, at iba pang skin condition tulad ng ezcema at psoriasis
Makati at malangis na langib sa anit, mapula, o di kaya ay puti o dilaw. Naapektuhan nito ang anit pati na ang kilay at tabi ng ilong, maging ang likod ng tainga, breastbone (sternum), singit at minsan pati ang kili kili.
Ang common fungus na malassezia ay nagiging sanhi rin ng balakubak. Dumadami kasi ang skin cells, at ang labis na skin cells ay namamatay, at nagiging balakubak.
-
Masyadong matapang na hair products
Pwede ring sanhi ng balakubak ang pagiging sensitibo sa ilang shampoo o hair care products na maaaring magdulot ng contact dermatitis. Minsan kasi ay sensitibo ang anit at balat sa ilang sangkap ng mga produktong ginagamit natin tulad ng shampoo, hair dye at hair gel.
May mga pagsasaliksik na nagsasabing mas madalas magkaroon ang mga lalaki ng balakubak kaysa mga babae dahil sa hormones nila.
Sa mga bagong pag-aaral, inihayag ng mga eksperto na ang mga pasyenteng may neurological diseases tulad ng Parkinson’s disease at HIV infection ay kadalasang nagkakaroon ng seborrheic dermatitis at balakubak, dahil sa kanilang mahinang immune system.
Solusyon at gamot sa balakubak
Aminin natin, talaga namang problema ang balakubak sa ulo dahil hindi ito madaling alisin agad-agad. Hindi mo rin maiwasan ang minu-minutong pagkamot sa iyong ulo dahil sa kati na dala nito. Nakaka-conscious diba? Kaya naman dapat talagang lunasan agad at humanap ng mabisang gamot sa balakubak sa ulo.
Shampoo at gamot sa balakubak sa ulo
Kung ang iyong dandruff ay mild to moderate lamang, makakatulong ang mga anti-dandruff shampoo bilang gamot sa balakubak sa ulo.
Maaari ring gumamit ng mga hair care products na gawa sa natural ingredients upang maiwasan ang paglala ng balakubak gaya na lamang ng herbal oil mula sa Moringa-O2.
Gamot Sa Balakubak At Ang Mga Sanhi Nito Na Maaaring Iwasan | Moringa-O2 Herbal Oil
Ang kombinasyon ng Moringa Oil, Olive Oil at Sunflower Oil na taglay ng Moringa-O2 Herbal Therapy Oil ay mabisa at epektibo sa pangangalaga at pagbibigay solusyon sa iba’t ibang hair, skin at scalp concerns.
Makakatulong ang paggamit ng herbal oil na ito upang mapanatiling moisturized ang anit. Kapag moisturized ang anit, maiiwasan ang pamumuo ng balakubak na napakahirap tanggalin.
Bukod pa riyan ay may kakayahan din ang Moringa-O2 Herbal Therapy Oil sa pagpapalambot ng makapit na white flakes sa iyong anit at maibsan ang pangangati nito.
Higit sa lahat, hindi lamang ito mabisa bilang pangtanggal ng balakubak, bagkus ay may kakayahan din itong gawing mas healthy ang anit at buhok. Naglalaman kasi ito ng 46 antioxidants, 90 vitamins at 36 minerals para sa healthy cell growth.
Narito pa ang ilang ingredients na dapat mong hanapin sa isang shampoo na gamot sa balakubak sa ulo:
- Zinc carbonate – Ang zinc carbonate ay nakakatulong para mapanatiling moizturized ang scalp at maiwasan ang tuluyang pagkakaroon ng balakubak.
- Cocamidopropyl betaine – Tumutulong naman ito sa pagkakaroon ng malinis na anit na siyang sikreto sa hindi pagkakaroon ng dandruff.
- Magnetic lifting foam – makakatulong naman ang magnetic lifting foam upang matanggal ang iyong dandruff mula sa anit, kasama na ang mabahong amoy nito.
- Dimethicone – napapangalagaan nito ang iyong hair cuticle para mapanatili ang malambot at shiny na buhok.
- Ketoconazole – ang antifungal agent na ito ay pumapatay sa Malassezia fungus na nakakairita sa ating oil glands at nagdudulot ng balakubak.
- Salicylic acid at sulfur – nakakatulong ang salicylic acid para hindi magdikit-dikit ang dead skin cells at tinatanggal ang mga parang kaliskis sa anit. Lalo pa itong magiging epektibo sa pagtanggal ng balakubak kapag sinamahan ng sulfur dahil sa antimicrobial property nito.
Home remedy at halamang gamot sa balakubak
Image from Freepik
Hindi lang shampoo ang gamot sa balakubak. Ayon kay Julie Matsushima, isang licensed medical esthetician, maraming mga gamit o sangkap na makikita sa kusina ang posibleng maging gamot sa dandruff. Bukod sa anti-dandruff shampoo meron ding gamot sa balakubak home remedy at halamang gamot sa balakubak.
Maari mong subukan ang mga natural na gamot na ito sa balakubak:
Ito ay pinakakilalang halamang gamot sa balakubak. Kung mayroon kang tanim nito, kumuha ng isang dahon, at ipahid ang katas nito sa iyong anit bago ka maligo.
-
Langis ng niyog at tea tree oil
Matagal nang kilalang pantanggal ng balakubak at dry skin ang langis ng niyog. Ibabad ang anit sa pinaghalong tea tree oil at langis ng niyog ng hanggang 30 minuto, o magdamag, saka banlawan. Gawin ito gabi gabi para unti unting maalis ang balakubak.
May antioxidants at anti-microbial properties ang green tea at essential oil. Ihalo ang green tea, sa peppermint essential oil at suka, at imasahe ito sa anit nang hanggang 5 minuto. Hugasan ang buhok gamit ang regular na shampoo at conditioner.
Ihalo ang suka sa tubig, at ibuhos sa anit na parang shampoo. Mabisa ang apple cider vinegar para patayin ang fungus na sanhi ng balakubak.
Ipahid ang 2 kutsara ng lemon juice sa anit at hayaan nang hanggang 2 minuto. Banlawan ito ng lemon juice na may tubig, saka maghugas ng buhok. Ang lemon ay may taglay na acids na mabisang panlaban sa fungus.
Basain ang buhok at pahiran ng isang kutsarang baking soda ang anit. Hugasan ito pagkatapos ng ilang minuto. Mabisa ang baking soda laban sa mga fungi at excess oil.
Iba pang gamot sa balakubak sa ulo
Kilala ang probiotics na maraming health benefits kabilang na ang mga sumusunod:
- Proteksyon mula sa allergy
- Pagpapababa ng cholesterol
- Pagpapababa ng timbang
Bukod sa mga ito, makatutulong din ang probiotics para palakasin ang immune system. Sa pamamagitan nito, matutulungan ang iyong katawan na magawang labanan ang fungal infections na nagdudulot ng balakubak.
Ayon sa report ng Healthline, mayroong pag-aaral kung saan napatunayan na nakabawas sa severity o sa lala ng dandruff ang pag-take ng probiotics. Dagdag pa rito, makatutulong din ito para lunasan ang iba pang skin conditions tulad ng eczema at dermatitis lalo na sa mga bata.
Nakabibili ng probiotic supplements sa mga botika. Pwede ring makuha ito sa mga fermented na pagkain tulad ng kimchi. May nabibili rin naman na mga probiotic drinks at yogurt sa mga grocery store.
Aspirin
Isa sa primary compounds ng aspirin ang salicylic acid na kilala sa pagkakaroon nito ng anti-inflammatory properties. Karaniwan ding ingredient ng mga anti-dandruff shampoo ang uri ng acid na ito.
Makatutulong ang pag-inom ng aspirin para matuklap ang flakes at scaly skin at matanggal ito sa anit. Puwedeng gawing oral medication ang aspirin bilang gamot sa dandruff. Maaari din namang durugin ang dalawang aspirin tablet at ihalo ang pinulbos sa iyong shampoo bago hugasan ang iyong buhok.
Mga pagkaing dapat iwasan
Larawan mula sa Pexels kuha ni Sebastian Coman
Para maiwasang lumala ang kondisyon ng dandruff, mahalaga rin na limitahan o iwasan ang mga sumusunod na pagkain:
- Mga pulang karne tulad ng karne ng baboy at baka
- Pritong pagkain
- Matatamis na pagkain at inumin
- Refined carbs tulad ng tinapay, white pasta, tortillas, at crackers.
- Mga processed food
Ang mga nabanggit kasi na pagkain ay posibleng makapagparami ng fungi sa iyong katawan. Bukod pa rito, posible ring ma-trigger ang flare ups ng iba pang skin conditions tulad ng eczema.
Kapag hindi nawala ang balakubak matapos gumamit ng anti-dandruff shampoo at iba pang home remedies, kumonsulta na sa isang dermatologist upang masuri ang iyong anit at mabigyan ka ng tamang gamot para sa iyong balakubak.
Kahit nagamot at nawala na ang iyong balakubak, maari pa rin naman itong bumalik kapag nagkaroon ka uli ng yeast sa iyong anit. Kaya naman panatiliing malinis ito sa pamamagitan ng pagligo at paggamit ng shampoo, lalo na kapag pinagpawisan ang iyong ulo.
Tanungin rin ang iyong doktor kung anong shampoo ang mabisa at banayad para sa iyong skin type.
6 tips para maiwasang magkaroon ng balakubak sa ulo
- Humanap ng angkop na shampoo para sa iyo. Huwag gumamit ng iba’t ibang mga produkto sa iyong buhok dahil maaari itong makairita sa iyong anit.
- Practice good hygiene. Tiyaking nililinis nang maayos ang iyong buhok at anit. Hangga’t maaari ay iwasang kamutin nang kamutin ang ulo. Ang paulit-ulit na pagkakamot ng anit ay posibleng makapagpalala ng iritasyon. Bukod pa rito, posibleng madagdagan ang dumi na hahalo sa balakubak at mas lalala ang kondisyon nito.
- Imasahe ang anit gamit ang dulo ng mga daliri, huwag gamitin ang kuko sa pagkuskos sa anit tuwing naliligo.
- Magsuklay ng buhok at least dalawang beses sa isang araw.
- Iwasan ang pagsusuot ng sombrero o scarfs lalo na kung gawa ang mga ito sa synthetic materials.
- Iwasan ang stress hangga’t maaari. Totoong mahirap iwasan na tayo ay ma-stress. Pero nakapagpapalala ng kondisyon ng balakubak sa ulo ang stress. Kapag stress kasi ang tao, humihina ang immune system at ang nakompromisong immune system ay posibleng maging sanhi ng dandruff. Subukang mag yoga o restorative walk para marelax. Mahalaga rin na mag-journal ng mga stressful events na dinaranas para makita mo at maobserbahan kung paano ito nakaaapekto sa iyong balakubak.
Bukod sa mga nabanggit na paraan para maiwasan na magkaroon ng balakubak, mahalaga ring maaman na makatutulong ang exposure sa sariwang hangin para maiwasan ang dandruff. Kapag fresh o sariwa kasi ang hangin sa paligid, maiiwasan na magkaroon ng oil buildup sa iyong anit.
Karagdagang impormasyon sinulat ni Jobelle Macayan
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.