Isinugod sa ospital ang anak ng isang mommy nang ipabantay niya ito sa kanyang kaibigan. Ang nangyari, may napakain sa bata na bawal, kaya kalaunan ay inatake ito ng allergy.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Bata inatake ng allergy matapos mapakain ng ice cream
- How to ask someone to take good care of your little one
Bata inatake ng allergy matapos mapakain ng ice cream
May mga pagkakataong magiging busy ang mommies at daddies dahil sa mga gawain. Hindi rin maiiwasang walang magbabantay ng kids sa bahay kaya ipinagkakatiwala ito sa pinaka malalapit na kaibigan o kaya naman ay kamag-anak. Ganito ang ginawa ng isang nanay sa kanyang anak.
Pagkukwento ng kaibigan na ito, lumapit daw sa kanya si Alice upang mag-request na bantayan ang anak dahil mayroon itong emergency na kailangan puntahan. Iniwan daw ni Alice ang mga laruan at libro at nagmamadaling umalis. Dahil sa hindi na rin makahindi ay binantayan niya na ang anak ni Alice na si Milly.
Pagkukukwento ng kaibigan ni Alice, may plano raw dapat talaga siyang pumunta sa cinema noong araw na iyon. Dahil nga sa nasa kanya na si Milly ay napagpasyahan niyang isama na lang ito. Natutuwa rin daw siya na bantayan ito dahil sa pagiging malambing ng bata,
“Milly is a very sweet kid and she knows me well enough to be comfortable around me.”
Sa cinema ay binilhan niya raw ito ng ice cream at natuwa raw siya dahil enjoy na enjoy ng bata ang pagkain nito. Sa hindi inaasahang pangyayari, ilang oras lang daw nang makauwi na sila ay nagsuka ang bata. Nakita niya rin daw na puno ito ng rashes.
Larawan kuha ni Calebe Miranda mula sa Pexels
Wala raw binilin si Alice na
allergic pala ang bata sa dairy. Bagaman napansin niya raw na hindi kailanman nagbibigay ng dairy products si Alice kay Milly ay hindi niya ito masyadong binigyang kahulugan. Ilang oras ng nasa ospital na sila nang sumagot si Alice sa kanyang tawag.
Nagulat daw siya sa naging reaksyon ni Alice dahil galit na galit ito sa kanya. Pagdating din daw nito sa ospital ay pinagsisigawan niya at sinabihang sinusubukan niyang patayin ang kanyang anak,
“I kept calling Alice and she only picked up a few hours later and as soon as I told her we were at the hospital, she got furious. When she came in she yelled at me telling me I was trying to kill her baby because I had to take care of her on such short notice.”
Dagdag pa ng kaibigan na ito, nakailang beses daw siyang nanghingi ng patawad ngunit hindi ito tinatanggap. Sinabi pa raw ni Alice sa kanilang mga kaibigan ang nangyari at ikinwentong sinusubukan niya raw na ilagay sa peligro ang bata. Dahil daw dito ay maging ang mga kaibigan nila ay galit na rin sa kanya.
Humantong ang pangyayari pagtatanong niya sa sarili kung kasalanan niya nga ba ang nangyari.
Marami naman ang nagbigay ng simpatya sa kaibigan ni Alice. Marami ang nagsabing tungkulin daw ni Alice na sabihin kung ano ang mga bawal sa bata,
“It is the responsibility of the allergy sufferer/their guardian to tell you of their allergies. You ain’t psychic. Explain the full situation to your friends.”
“If your kid has a food allergy, you tell the babysitter she has a food allergy. If it’s a milk allergy and not a casein intolerance, which it sounds like it is, that can be fatal, and so not only should she have warned you, but she should have given you an epipen and showed you how to use it. She’s irresponsible and this is entirely her fault.”
“Your friend is lashing out so hard because she knows she screwed up and it’s easier to blame someone else than to sit with that feeling.”
How to ask someone to take good care of your little one
Dahil nga may mga pagkakataon na hindi naiiwasang kailangan talaga ipabantay ang anak, narito ang ilang ways kung
ipapabantay sila:
1. Tandaan na ayos lamang na humingi ng tulong sa pagpapabantay sa iyong anak.
2. Alaming mabuti kung sino ang ipagkakatiwala sa anak at kung kilala mo na bang mabuti ang tao na ito.
3. Humingi ng tulong sa pinakamaayos na paraan dahil ito ay pabor na kailangan mo.
4. Kung pumayag na ang magbabantay, sabihan siya sa lahat ng mga dapat na malaman kasama na ang pagpapakain, allergies, at marami pang importanteng bagay.
5. Tanggapin na maaaring tumanggi ang tao na ito sa pabor na iyong hinihingi.
Asking someone for help on taking care of your child can be hard. Kaya nga kailangan i-consider ang mga bagay na ito para makaiwas na rin sa mga hindi inaasahang mangyari.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!