Batangas Lomi recipe, na pwedeng-pwede niyong iluto sa bahay!

Batangas Lomi, isa sa mga comfort food natin mga pinoy. Alamin ang recipe nito

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kapag magagawi ka talagang bandang Batangas siguradong mapapakain ka ng kanilang Batangas Lomi. Iba kasi talaga ang nilamlam nito, kaya naman kahit hindi ka lagi makakabiyahe papunta sa Batangas pwedeng-pwede mo nang matikman ulit ang Batangas Lomi sa comfort ng inyong bahay. Narito ang recipe ng Batangas Lomi na kayang-kaya niyong gawin.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Sangkap para sa Batangas Lomi
  • Paraan ng pagluluto ng Batangas Lomi
  • Toppings para sa Batangas Lomi

Batangas Lomi

Isang bowl lang ng Batangas Lomi ang maubos mo, tiyak na busog na busog ka na. Sapagkat ang soup na ito is a whole meal in itself! Loaded with masasarap na toppings piled high on thick egg noodles na nakalubog sa mainit at malapot na sabaw. Magiging lodi meal mo talaga ang Batangas Lomi lalo na kung ilalagay mo lahat ng mga ingredients na inilalagay ng mga Batangueno.

Batangas Lomi. | Larawan mula sa iStock

Para naman sa mga certified meat lovers, nilalagyan na ng malutong na piraso ng liempo on top, mayroon pang kikiam, squid and fish balls, ham, sausages, at may kasama pang pieces of chicken. Dagdag pa ang chitcharon for extra crunch. But for this recipe, we will do a toned-down version of sorts. Lalo na ngayon na hindi pa tayo puwedeng bumiyahe sa Batangas, this is one hearty soup na maise-serve mo sa iyong pamilya in the comfort of your home.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga sangkap (Ingredients):

For Meatballs:

  • 1 cup giniling na baboy
  • Isang kutsarang tinadtad na bawang
  • 1 medium puting sibuyas, chopped
  • Isang itlog, beaten
  • 2 kutsarang harina
  • Salt and pepper to taste

Paghaluin ang lahat ng mga sangkap. Kumuha ng isang kutsara ng mixture and shape into balls. Pan-fry hanggang hanggang maluto at golden-brown. Itabi muna.

Ibang sangkap:

  • ¼ kilo liempo, cut into strips
  • ¼ kilo atay ng baboy, hiwain into stirps
  • ½ cup sliced kikiam
  • 1 kutsarang tinadtad na bawang
  • 8 cups na tubig
  • 1 medium sibuyas na puti, chopped
  • 2 pieces chicken or bouillon cubes
  • ½ kilo lomi o mami noodles
  • 4 kutsarang cornstarch tinunaw sa 3 kutsarang tubig
  • 2 itlog, beaten
  • 3 kutsarang patis
  • 2 kutsarang mantika

Larawan mula sa iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Adobong kangkong with tokwa recipe: Ang vegetarian adobo

Adobong manok: Iba’t ibang paraan para lutuin ang classic Filipino dish na ito

Bangus Sisig Recipe: Ang healthier sisig!

Para sa Toppings ng inyong Batangas Lomi:

  • ½ cup kikiam, sliced thinly, cooked (optional)
  • 10-12 piraso ng meatballs
  • 2 nilagang itlog, sliced in halves
  • Toasted garlic
  • Dinurog na chickaron
  • Optional ang paglalagay ng baboy sa ibabaw

Paraan ng pagluluto (Procedure):

1. Pakuluan ang liempo strips sa isang basong tubig hanggang sa matuyo ito. Lagyan ng kaunting mantika. Iprito nang ilang minuto hanggang maging golden brown. Hanguin. Itabi muna.
2. Sa kawali, lutuin ang atay sa kaunting mantika ng ilang minuto. Hanguin. Itabi muna.
3. Iprito ang kikiam sa kaunting mantika. Lutuin for a couple of minutes. Hanguin. Itabi muna.
4. Sa kaldero, igisa ang bawang at sibuyas. Ihalo ang lutong kikiam at liempo. Ilagay ang tubig, chicken or pork buillon, patis. Pakuluin.
5. Ilagay ang lomi noodles at lutuin nang limang minuto. Timpalahan ng asin at pamintang durog. Ilagay ang cornstarch slurry. Haluin. Pakuluin habang hinahalo hanggang lumapot.
6. Ilagay ang lutong atay. Ilagay ang binating itlog, haluin at agad patayin ang apoy ng kalan.
7. Maglagay ng lomi soup sa bowls. Ilagay sa bawat bowl ang toppings na kikiam, meatballs, nilagang itlog, toasted garlic.
8. I-serve ito ng mainit.

Mag-enjoy sa inyong sariling luto ng Batanas Lomi. | Larawan mula sa iStock

Kaya ano pang hinihintay mga mommy at daddy, subukan nang iluto ang Batangas Lomi. Tiyak namabubusog ang inyong pamilya at masa-satisfy ang inyong cravings sa sikat na pagkaing mula sa Batangas. Sundan lamang ang recipe na ito. Madali lamang ito at tiyak na magugustuhan ito ng inyong buong pamilya. Bukod sa masarap na maaari bonding experience din ito ng inyong pamilya kung iluluto niyo ito ng sama-sama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source:

Atbp

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement